Akira's POV👑
"AAAAAAAHHHHHHHHH!" Sigaw ko nang subukan kong tumayo mula sa kama ko.
Sobrang sakit ng buong katawan ko, para akong sumabak sa gera. Grabe nakaka-iyak sa sakit. Pero wala akong magagawa, kailangan ko ng pumunta sa field at simulan ang training. Sigaw ako ng sigaw sa bawat galaw ko, nag-mistula rin akong parang si Sadako dahil sa pag-gapang ko. Ayos lang na magsi-sigaw ako dito tutal ay dorm ko naman 'to at soundproof itexh!
Agad ko ng ginawa ang mga morning rituals ko at sinuot na ang PE uniform namin. Habang nagte-training palang kami, PE Uniform muna ang susuotin namin. Simpleng black na jogging pants at white tshirt na may linings na black sa bawat dulo nito. May tatak na initials din 'to sa dibdib na naka-lagay ay 'HA' means ang school namin, Heroes Academy.
Nanlalata akong dumeretso na sa field at nakita ko doon ang iba ko pang mga kasama na katulad ko'y halos hindi na maka-galaw. Pwera lang doon talaga sa lalaki na may dark red na buhok tapos ay may fierce na mata, at kakaibang aura. Parang wala lang sakanya yung training na ginawa namin kahapon. Hindi pa namin kilala masiyado ang lahat dahil sa wala kaming oras para mag-kuwentuhan.
Mayamaya lang ay bigla nang dumating si MT na as usual, ganon parin. Gusto mang-terror. Iyaq si acoue! Char.
"Ngayon simulan na natin muli ang training!" Nalaglag ata ang panga ko sa sinabi niya. Nagulat ako ng may lalaking nag-step forward, siya yung na-kuryente ni MT habang ginagawa namin 'yong pagtakbo.
"AYOKO NA RITO! AALIS NA AKO! MAMAMATAY AKO NG MAAGA KAPAG NAG-TAGAL PA AKO SA LUGAR NA 'TO. WALA KANG AWA!" Nagulat ang lahat sa sinabi niya. It means he wants to quit. Bigla namang napa-ngiti ng nakaka-loko si MT at tumango ng dahan-dahan.
"Go on. Walang pipigil sayo. Bye." Tapos noon ay biglang nawala sa harap namin 'yong lalaki. Ibig sabihin nasa labas na 'yon. Ganon lang kadali. Hahaha. Pero ayoko, alam kong may ibig sabihin ang ginagawa namin na 'to.
"May sasabihin ako sainyo. Alam niyo ba kung bakit ko kayo pinagte-training ng walang magic o enerhiya sa katawan niyo?" Napa-iling naman kami. "Dahil gusto kong matutunan niyo na 'wag dumepende sa mga magic niyo. Gusto kong matutunan niyong makipag-laban gamit ang sariling lakas, dahil hindi naman garantisado na may magic ka palagi. May pagkaka-taon na kapag out of magic kana, kaya mo pang lumaban. Lumaban gamit ang sariling lakas ng katawan niyo, kaya niyo ng makipag-laban ng one-on-on using only bare hands. Naiintindihan niyo ba gusto kong iparating?" Tumango naman kami.
"So, simula na!" Nagulat naman kami pero naging alisto rin. Ngayong alam na namin ang dahilan, there's no need to back off. Magiging malakas din kami.
"Warm up! 30 mins."
Pagka-tapos no'n ay sinabi na niya ang susunod na gagawin. At sunod-sunod na nga 'yon.
"Takbo, libutin niyo ang field! 50 times."
"Run hanggang sa tuktok!"
"100 push-ups!"
"Rabbit jump!"
"That's all for now. Magpahinga na kayo, ipunin niyo ang lakas niyo para sa pang-araw-araw niyo rito." Pagka-tapos niyang sabihin 'yon ay nawala na nga siya.
Napahiga naman kami sa field sa sobrang pagod at panghihina ng katawan. Nakaka-iyak ang training na 'to, torture talaga. Hindi ko na ma-igalaw pa ang katawan ko kaya hindi ako maka-tayo at maka-kain na sa cafeteria. Gutom na gutom pa naman na ako. Binalingan ko ng tingin yung apat.
"Oyy, sabay-sabay na tayong kumain. Tara na." Matamlay kong baling sakanila. Matamlay din nila akong binalingan ng tingin at nag-thumbs up.
—Cafeteria
BINABASA MO ANG
Heroes Academy: Not An Ordinary Girl
FantasyTittle: Heroes Academy: Not an Ordinary Girl Is it really true that she's just a girl? Well... Why don't you find it out. Paalala: "Hindi sa unang kabanata nagsisimula ang tunay na istorya." Language: Tagalog/English Categories: Fan...