I. Save Him

19 0 0
                                    

Tic. tac. tic. tac. tic. tac.
Napadilat ako. hmm? teka anong ngyari? huh? did I save him?

***
"Friend! andon na sila sa Inn." beach resort. tama may outing kami ng mga kaibigan ko.
"Bea." nasambit ko bigla.
"O bakit?" narinig niya ako??
"Friend ano na? bukas pa? magwawala na naman si Cheska sa tagal natin! hahaha! tara na nga!" hindi. hindi niya ako narinig. tinawag ko rin siya nung time na yon.

"Ang tagal!"
"Hahaha! sabi ko na maiirita ka na naman." tumatawang sabi ni Bea.
"So dito na lang tayo? magbihis na kaya kayo. look dumadami na ang tao." turo ni Ashlee sa beach.

"Yung relo mo friend." Relo? napatingin ako sa wrist ko. yung relo ko! wala yung relo ko!
"Bea, waterproof yan." sabi ni Ashlee.
"oo nga RK pala tong kaibigan natin." tumatawa sila habang tumatakbo papuntang beach.
"Bea. Cheska. Ashlee." one of the treasures in my life. napangiti ako.

Tic. tac. tic. tac. tic. tac.
ang lalaki naman ng relong to. one family pa. huh? si mama si papa.

"Hoy kayo! kahit may mga asawa't anak na tayo lalabas pa rin tayo aa?!" masungit na sabi ni Cheska.
"Eto talagang kaibigan natin. sweet na lang masungit pa di mo maintindihan." sabi ni Bea at nasundan ng mga tawa namin at kainan na rin.

Tic. tac. tic. tac. tic. tac.
Ano bang ngyari?

"Nakatulala ka na naman Sophia Alexa! wag ka ng mag alala, tutal hindi ka naman mahal non. kalimutan mo na yon at kumain ka na." sabay sabay pa sila tumawa. mga sira ulo talaga to. natawa na rin ako.

Tic. tac. tic. tac. tic. tac.
We're just enjoying that time.

"Dito ako sa bed na to aa."
"Cheskaaa! ako kasi dyan!"
"Bahala ka dyan. dito ako. hahaha!" ayan na naman sila nag aagawan ng bed. at nauwi sa pillow fight. babayaran pa namin neto yung mga unan. hay mga batang to. makatulog na nga lang.

Kriiiiing! Kriiiiing! Kriiiiing! Kriiiiing! Kriiiiing!
"Ashleeeeeeeee! yung alarm mooo!!!" iritableng sabi ni Cheska. tumayo na ako't pinatay yung alarm dahil alam kong hindi rin maririnig ni Ashlee. naka headset matulog to, ilang ulet na rin namin yang sinabihan na masama yan. anlakas lakas pa ng tugtog pero hindi pa rin sumusunod isa pa, nagpapa alarm. baliktad ata utak neto. tinanggal ko na rin headset ng babaeng to.
"Magsigising na kayo. kala ko ba maaga kayo magbebeach?" at hindi nga sila magkadaugaga sa paghahanda para maligo sa beach.

Tic. tac. tic. tac. tic. tac.
Yung relo ko. nawawala. nasan yon? hindi pwedeng mawala yon.

"Makatitig sa relo friend. memories?" nakangiting mapang asar pa si Bea.
"Tigilan mo ko." pagsusungit ko. tinawanan lang ako ng loka.

Tic. tac. tic. tac. tic. tac.
Sunset.

"Maganda pala yung ganto lang. nakatingin sa dagat. ang ganda pa ng sunset."
"Anong drama yan Ash?" natatawang tanong ni Bea
"Wala kang pake. hmp! ganda ng yate na to kaya okay lang magdrama ako." pagsusungit neto.
"Ay nako oo naman maganda talaga. yaman talaga netong kaibigan natin. hahaha!" turo sakin. napailing na lang ako sa kanila.
"Si Bea?" tanong ko.
"Aaaaah! yung mga bataaa!" napalingon kami sa sigaw ni Bea at tumingin sa tinuturo niya. nanlaki yung mga mata ko ng biglang tumaob yung banana boat na sinasakyan nila. tumalon na lang ako bigla at dali daling lumangoy papunta sa kanila. Ulan. nagsisimula ng umulan. binilisan ko pa yung paglangoy.
"Mga bata! dito hawak sakin yung isa! maghawak hawak kayo ng kamay!" tatlong bata. tatlong batang umaasa sa akin. palakas ng palakas yung ulan. isa isa kong inaabot yung mga bata sa mga kaibigan ko.
"Sophia!" umiiyak na sigaw ni Cheska.
huling bata. last na. lumakas lalo yung ulan.
"Sophiaaa!" sigaw ni Bea.
"Humawak ka dito."
"Ate. tulungan mo ko." umiiyak na sabi niya.
"Wag kang umiyak. humawak ka ng mabuti dyan." hindi kami mapirmi at medyo inalon din kami sa bandang harap ng yate dahil na rin sa palakas na alon ng dagat.
"Sophia dito!" nakita ko si Bea na inaabot yung kamay niya.
"Bilis! yung kamay ni ate Bea abutin mo!" konti pa. konti pa. mas lalong lumakas yung ulan.
"Sophia! wag kang bibitaw diyan!" lumalabo yung paningin at pandinig ko.
"Abutin mo pa yung kamay ni ate Bea!"
"Sophia!"
"Ateee!"
"Sophiaaa!!!"
***

"Sophia." napalingon ako. sino to? huh? puti lahat ang suot niya. mula sa sombrero hanggang sa sapatos niya. ultimo relo niya puti. literal, puti lahat. hindi ko na nga makita ang short at long hand. hindi ba siya nahihirapang tignan ang oras diyan? nakikita kaya niya yan?
"Alas sais."
"Huh?"
"Nakikita ko ang oras sa relo ko." nababasa niya ang isipan ko!
"Sino ka? bat mo ko kilala?" ngumiti lang siya. bigla kong naalala.
"Patay na ba ako?"
"Sa tingin mo?"
"Did I save him?"
"Sa tingin mo?"
"Seriously?!" ngumiti na naman siya. argh. what's with this person? "Ano nga?" tanong ko ulit. nagkibit balikat lang siya. Then everything went black.

A life AfterWhere stories live. Discover now