Kath's POV
Andilim. Sobrang dilim.
Nasan ako?
Naglalakad ako sa isang medyo pamilyar na lugar, di ko man maaninag pero ramdam ko na nanggaling nako dito dati. Napakacomforting ng ambiance.
Patuloy lang ako sa paglalakad, pero mayamaya biglang nagbago yung feeling. Tumaas mga balahibo ko, hindi ko alam baket. Pero natatakot ako. Sobra.Kinakabahan ako at pinapawisan. Binilisan ko ang lakad ko kasi parang may sumusunod saken, mabilis siya, malaki at nakakatakot. Madilim parin at wala akong makita, pero ramdam ko. Parang nangyare na dati. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko magawa, walang lumalabas sa bibig ko. Para akong naparalyzed, at sa takot ko umiiyak nako dahil alam kong papalapit na yung sumusunod saken.
Walang tigil yung pagpatak ng luha ko, kala ko mamamatay ako. Hindi ko alam baket. Tulong!
Mayamaya may umakap saken. Ramdam kong ligtas ako. Hindi ko parin maaninag kung sino siya pero ayokong umalis sa tabi niya. Unti unti nang lumiliwanag pero habang lumiliwanag, nawawala siya. Nawawala lahat sa paligid ko. Naglalaho lahat
Sandali! Wag!
"Em!" Pilit kong inaabot kamay niya pero hindi ko siya mahawakan. Ayaw tumigil ng mata ko sa pagluha.
"Kath!"
"Kath!"
"Kath!!" Agad naman akong napamulat, si Julia pala. Lakas parin ng kabog ng dibdib ko. Parang totoo lahat parang mangyari talaga dati.
"Okay ka lang ba? Pinagpapawisan ka. Nanaginip ka ba" halata sa mukha ng bestie ko yung pagaalala."Nasan ako?" Tanong ko nung narealize kong hapon palang, at bakit wala kami sa school. Luminga linga ako. Nasa ospital kame?!
"Oo" Sagot naman niya nung nakita niyang nanlaki mga mata ko kasi narealize kong may detrox sa kamay ko.
"Baket? Anong nangyare? Bat di ko maalala?" Kumunot yung noo ko. Ano bang nangyare kanina?. Ang alam ko lang kausap ko si DJ pero di ko matandaan kung anong pinaguusapan namin.
----
*this is an unfinished story, but pinublish ko na din mga draft and di ko nainedit* thanks for reading -02/10/2021