Sinasabi ng iba na ang 3:00 Am ay devil's hour or witch hour, totoo man o hindi marami parin ang naniniwala.Sabi nga daw pag natutulog ka tapos nagising ka ng 3:00 am may nakatingin daw sayo.Sinasabi din daw na makapangyarihan daw yung mga demonyo tuwing 3:00 am pati na yung mga mangkukulam.Nalaman ko din na kapag kunwari kakauwi mo lang ng galing trabaho sabihin na natin na 2:55 am ka nakauwi, wag ka narin daw matulog pag malapit mag 3:00 am dapat lagpas dahil mahirap daw magising parang babangungutin ka.
Medyo naiinip na ata kayo ... sige sisimulan ko na ang kwento
sana magustuhan nyo!!!! kasi first time ko.
CHAPTER:1
"Anino"
Ako nga pala si jun-jun ito ang unang gabi nang aking
problema at dito nagsimula ang lahat.
Medyo gabi narin ng ako'y matapos sa paggawa ng project, dahil kailangan na ipasa bukas.Tumingin ako sa orasan,"aba 12:00 pm na pala di ko namalayan".Wala akong kasama ngayon sa bahay dahil bukas pa ng hapon uuwi sila mama dahil nasa pangasinan sila.Pinatay ko na ang ilaw.Nagising ako nang bandang 3:00 am dahil ihing ihi nako kaya bumaba nako para pumunta ng banyo biglang may dumaan sa may bintana, "teka sino yung nasa labas palakad lakad.May anino akong nakikita na palakad lakad akala ko nakauwi na sila mama,binukasan ko yung pinto sa harap pagtingin ko wala naman tao.
Biglang may kumalabog sa kusina na kung ano, "bug..bug" ,tamakbo ako papuntang kusina nakita kong bukas ang pinto at lakas ng hangin nakakapagtaka dahil bago ako natulog kanina sinigurado kong naka lock lahat ng pinto.Kinilabutan ako sa lamig ng hangin tumaas ang aking balahibo.Bigla kong isinara ang pinto dahil sa sobrang lamig,pinatay ko lahat ng ilaw at umakyat na ko sa taas para matulog ulit.
Mayamaya biglang may kumatok sa baba."tok-tok" ,"sandali lang" binuksan ko ang pinto "sino yan" ,wala naman akong makitang tao.Agad kong sinarado ang pinto at tumakbo papunta sa taas nasa hagdanan palang ako ng biglang tumunog ang telepono nagsimula ang pagtaas nang aking balahibo."Hello..sino to"? ,"Anak baka next week pa kami makauwi dahil piesta pala dito",nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong si mama pala yung tumawag."sige po ingat po kayo dyan"."hayaan mo may pasalubong ka sakin"."sige po bye"."bye anak".
Dumiresto nako sa taas at nagtakip nang kumot mula ulo hanggang paa,sinubukan ko matulog pero may nagyayaring ingay sa baba.Nagpatugtog nalang ako sa headset at nilakasan.Kinaumagahan pag gising ko.Agad akong bumaba para mag hilamos pag baba ko may mga basag na baso at mga plato.Kumuha ako ng dust pan at niligpit mga nabasag.
Naligo nako at kumain para pumasok na sa skwelahan,iniisip ko kung anong nagyari kagabi kung bakit maraming basag.Hindi ko na sinabi kay mama ang nangyari kagabi.Lumabas na ako ng bahay , bigla akong nakita ni seth."uy jun-jun sabay na tayo" sabi ni seth.Si seth ay kapit bahay namin kaklase ko rin sya."sige"."mukang di nakatulog kagabi ah" .tanong ni seth ."oo nga eh,napuyat kasi ako kagabi gumawa ako ng project "."Ah ganun ba".Pero di niya alam na hindi ako nakatulog hanggang 5:00am dahil sa kalabog kagabi,6:00 am nako natulog.
Habang nagtuturo ang teacher ako ay nakatulog sa sobrang antok."Jun Jun bakit ka natutulog pumunta ka sa office ko mamaya" .Pag katapos ng klase dumeresto ako ng office.Nakita ko ang muka ni Ma'am Matilda mukang galit."Bakit ka natutulog kanina sa subject ko?"."Ma'am kasi po gumawa ako ng project kagabi kaya medyo gabing gabi nako nakatulog"
"Hindi sapat na dahilan yan ngayon kunin mo lahat tong libro at ibalik mo sa library".Wala nakong magagawa kundi ibalik ang sandamakmak at makakapal na libro sa library.
BINABASA MO ANG
3:00 am (ongoing)
HorrorTungkol sa lalaki na may kakaharapin na problemang hindi ordinaryo.