HEIRS II

33 3 3
                                    

FIGHT

FLAME'S POV

Nagising na lang ako dahil sa marahan na pagyugyog sakin nina Krafea at Eris. Nabungaran ko rin ang mukha ni Petaris.

"What happened?" Pambungad na tanong ko sa kanila. Wala akong maalala. Parang naubos lahat ng laman ng utak ko.

"Wala kang matandaan?" Tanong ni Aris na may halong pag-aalala.

"W-wala." Nauutal na tanong ko. Medyo nahihilo pa kasi ako.

"Sandali lang at ihahanda kita ng soup." Iyon lang ang nasabi ni Eris at sumunod sa kanya si Krafea.

Binigyan ko ng makahulugang tingin si Aris.

"Why are you here?" Tanong ko. Alam kong may binisita pa siyang iba dito bukod sakin.

"Binisita lang kita at sila Eris." Simpleng tugon niya.

"I know na hindi lang iyan ang pinunta mo dito. Nakita ko sila sa convenience store kanina malapit dito sa building natin. Do you have any idea kung bakit sila nandoon?" Mahabang litanya ko.

Nakita ko ang pagka-balisa nito kaya ako nagtaas ng kilay.

"I-i don't know. May napag-usapan kaming dalawa pero hindi doon." Paliwanag niya.

"Aris... sinasabi ko na sayo 'to habang maaga pa. I don't want you to get hurt. Kaya maaga pa lang mas mabuting layuan mo na siya." Sabi ko. 

"You don't understand Flame." She said.

"Pero anong hindi ko ma--" Naputol ang sasabihin ko ng pumasok na si Eris at Krafea na may dalang mangkok.

Sinulyapan ko muli si Aris at mukhang nakahinga na ito ng maluwag. Napahinga na lang ako ng malalim.

"Better eat this Flame. Para magkaroon ka na konting lakas." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Krafea ng sabihin niya iyon.

"Thank you." Iniabot nila sakin ang mangkok at agad ko naman itong kinain.

"I gotta go guys. I have some important matter to attend. Bye." Sabi ni Aris at nagsimula ng lumakad patungong pinto.

Important matter ba ang pakikipagkita kay Gino? Tss. Napairap na lang ako.

~***~

Third Person's POV

Hindi lingid sa kaalaman ng dalawang campus heartthrob na may nagmamasid na dalawang mata sa mga ito.

Pinagmamasdan nito ang mga galaw ng dalawa. Hanggang sa makaramdam ito ng pag-ilaw ng kanyang wand. Indikasyon na may mensaheng iniwan sa kanya ang hari.

"Malapit na siyang magbalik..."

~***~

FLAME'S POV

Habang kumakain kami ng hapunan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng inis dahil kay Aris.

Bahala siya pag sinaktan siya ng lalaking 'yon.

"Flame, kawawa naman yung gulay. Tinorture mo na." Sabi Eris habang ngumunguya.

Napatingin ako sa pagkain at parang nawalan na ng gana dahil sa itsura nito.

"Something's bothering you." Salita ni Krafea.

Bumuntong hininga ako.

"I'm fine." Mahinang sabi ko.

"We know you Flame. Hindi ka aakto ng ganyan kung maayos ka. Come on and tell us what's bothering you." Paanas naman ni Eris.

"It's just about what happened earlier. So don't be bother." Nakangiti kong sabi sa kanila para mapanatag na ang mga ito.

Ayokong sabihin sa kanila ang hindi nami pagkakaintindihan ni Aris. Kung sasabihin ko sa dalawang 'to ang dahilan alam ko naman na di nila ako titigilan ng kakatanong.

"I'm done. Sino maghuhugas?" Tanong ni Eris.

Nagtinginan kaming tatlo at nag-unahan na pumunta sa kwarto. Buti na lang at walang nadapa.

Natawa kami sa naging reaksyon ni Krafea dahil siya ang nahuli.

"Ang daya niyo!" Sigaw niya at padabog na bumalik sa kusina.

Nag-apir kami ni Eris at sabay muli na tumawa ng biglang may kumatok sa pinto.

Nagtaka naman ako dahil wala namang kumakatok samin ng ganitong oras.

Lumapit kami sa pintuan at binuksan ito.

Nagulat kaming dalawa ni Eris ng mapagsino ang nasa pinto.

Lalisa ang her puppies.

"What are you doing here?" Naiinis na tanong ni Eris.

"Were here because..." Pinutol pa nito ang sinasabi.

"ANG IINGAY NIYO!! NAKAKABULABOG KAYO! KANINA PA KAYO TAWANAN NG TAWANAN DIYAN!" Malakas na sigaw niya.

Napa-takip ako ng magkabilang tenga.

"What the--- wag ka ngang magiskandalo ditong babaita ka! Sa tingin mo ba hindi nakakabulabog 'yang ginagawa mo?!" Galit na sigaw ni Krafea.

Napatingin ako sa mga babaeng nakadungaw sa kani-kanilang dorm. Nakaramdam ako ng konting hiya dahil sa tingin ng mga ito.

"It's all your fault!" Dinuro niya pa kaming tatlo.

"Us? Hindi nga namin kayo pinapakiaalaman pag may pinapapasok kayong lalaki sa dorm niyo... Na labag sa patakaran dito." Nagulat ang karamihan sa sinabi ko. Marahil ay hindi ito mga aware sa pinaggagawa nitong sila Lalisa.

"How dare you?!" Sasampalin niya na sana ako ng may pumigil sa bisig nito.

"Stop it Lisa." Malamig na boses ang naging dahilan para manahimik ito. I also saw the admiration in her eyes. Tss. Isa siya sa mga nagpapaloko.

"J-jake... What are you doing here?" Mahinhin ang boses nito.

Narinig kong bumulong si Eris sa tenga ko.

"'Yan lang pala ang katapat niya." Nakangising saad nito.

Isasara ko na sana ang pinto ng tawagin nito ang pangalan ko na aking ikinagulat.

"Ms. Flame, come to me at my office." Malamig pa rin na tugon nito.

"Hala Flame baka kung ano gawin niyan. Kailangang mag-ingat. Sandali lang. Ikukuha kita ng jacket." Natawa naman ako sa pagiging concern ni Eris. Parang paranoid.

"It's okay. Wala naman siguro siyang masamang gagawin na ikakasama ng image niya." Pagkasabi ko non ay sumunod na 'ko kay Jake.

Ang anak ng nagma-may-ari nitong school.

____________________________

Vote⭐ and Comment 💬

DubuSquirrel's Note:

May nadagdag pong konting info. sa Heirs I regarding sa phobia ni Flame.
Also yung si Lalisa po si Lisa ng Blackpink and the her alipores are the other members.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE NINE HEIRSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon