POV of Lay
Haaay-inaantok na ko, ang layo pala nung pinuntahan namin, diretso dorm na rin kami, di ko alam pero tinamad na kami gumala kaya uwi na lang agad. “Hoy Suho, anong klaseng kotse ba to? Wala namang kwenta eh” reklamo ni Kris. “Sorry naman hyung! Di ko alam eh! Papa-check ko na lang kay dad mamaya, kasi naman…ok na ba si Luhan hyung?” tanong ni Suho, lumingon ako sa may likod “Luhan hyung, ok ka na?” tanong ko, he smiled sabay thumbs up. Nakakatamad na nasa kotse ka na dala ng truck…
“EXO-SHOWTIME *depressed tone*” kanta ko…
“LAY HYUNG~” reklamo ni Tao
“Eh? Nakakaantok kaya”
“Ano ba yan? Bakit ganto? Ang bigat ng feeling hyung” –Tao
“Di ko alam” –Suho
“Whaa may multo sa likod mo Tao” –Kris
“HYUNG!”
“HALA OO NGA TAO!” –Suho
“EOMMA!!!” –Tao
“ANG INGAY” reklamo ko
“Sorry na” –Suho
Ang ingay din nila sa labas, kanta ng kanta. Pumikit na lang ako para matulog. Nanaginip ako, nasa isang hallway ako, tapos may lalaki sa dulo na nakatayo tas nakatingin sakin…di ko naman kilala. “Hello” sabi ko sabay unti-unting naglakad, pero habang palapit ako ng palapit, naaaninag ko yung hitsura nya, durog yung mukha nya, yung tipong lawlaw na yung mata tapos wala na yung bibig at ilong nya tapos duguan sya….gusto kong bumalik pero yung mga paa ko papunta sa kanya hanggang sa face to face kami.
“Sino yang kasama mo?” tanong nya.
“WAAAAAAAAAH!” sigaw ko
“Hyung!” liningon ako ni Tao, pati sina Suho at Kris hyung nakatingin sakin
“Lay ok ka lang?” tanong sakin ni Xiumin hyung
“O-oo, panaginip lang pala yun”
“Huh? Bakit?”
“Wala, masama lang yung panaginip ko”
Nakarating kami sa may dorm. Ang depressed ko tuloy. As in ang baba ng energy at parang kakainin ako ng lupa sa baba ng Happiness level ko. Dumiretso ako sa room namin ni Xiumin hyung “Tulog na tayo Lay” sabi nya sabay talon sa kama, ang cute ni Umin hyung kahit kelan…”Ahh, maliligo muna ako hyung…hindi ako sanay matulog ng di naliligo” sabi ko, he nodded and smiled. Lumabas muna ako at pumunta sa may CR since sa labas yun ng room. Naligo ako “Lalalalala….” Kanta ko “Gee gee gee gee…baby baby, gee gee gee gee…baby-baby” kanta ko “AYO GG! LEMME INTRODUCE MYSELF” kanta ko uli. Mga 10 pm kami nakarating kasi ang layo nung lamay na yun.’
*blaag*
“TAO-YAH! DAHAN-DAHAN” sigaw ko, sure ako makikisabay sa shower si Tao
*silence*
Hmm? Bahala sya, pinatay ko na yung shower at nagbihis, lumabas ako ng CR kaso nalaglag ko yung bracelet ko, pinulot ko muna sa may hallway nung may nakita akong figure. Sino naman yun? I squinted, hirap kasi makita sa dilim, at parang alam ko na…I blinked for ten times pero di sya nawawala, nagsimula na kong tumakbo, nagulat ako nung parang ang bilis nya at nasa likod ko na sya, yung basag na mukha nya…nakita ko yung paakyat sa rooftop na pinto, pumasok ako at ni-lock yun sabay akyat sa rooftop.
“PATAY KA NA” sabi ko trying to focus, nagulat ako pagtingin ko, face to face na kami.
“Sino yang kasama mo?” sabi nya, umatras ako, atras lang hanggang sa railings.
“Please tama na” sabi ko
“Di ka kasi nag-pagpag” tinulak nya ko.
POV of Aila
Transfer student ako sa Cross Academy ngayong year, isa akong scholar…first day ko ngayon, nakakatakot dahil balita nila eh may nag-suicide daw na estudyante kagabi…nakakatakot naman dito, siguro dahil sa problema? Siguro nga…pero nagulat ako nung nakita ko si Luhan, yung lalaki sa lamay…nandito sya? Naka-uniform sya eh… “Kaka-divorce lang ng parents ni Lay eh…siguro pressure sa kanya” sabi nung isang teacher.
“Aila?” nagulat ako nung napansin nya ko
“Sinong nagpakamatay?”
“S-Si Lay…yung kasama namin sa lamay”
Nag-sign of the cross ako “Nu ba? Wag ka nga OA, di to simbahan” sabi nung isang babae sakin “Hey stop it” sabi ni Luhan sa kanya “Sino ba sya ha? Kitang namatay na nga si Prince Lay magpapaka-freak pa sya” sabi nung babae sakin. Masama yung kutob ko…pano kung sinundan sila ni Kuya Pedro? Pano kung di sila nag-pagpag???
Author's Note:
Sorry sa short UD...puro short UD lang po tong story ^__^
BINABASA MO ANG
PAGPAG (EXO VERSION)
Fanfiction"Isang joyride" explain ni Suho habang nagmamaneho ng FORD niyang kotse, nang tumirik ang MAMAHALIN nyang sasakyan sa isang baryo na malayo sa kabihasnan at sa isang bahay na may lamay.....