Aqua
Nung sinabi yun ni Aya, napatingin ako sa kanilang lahat...
Si Phyro, nasaktan.
Si Aero, nalungkot.
Si Theo, mukhang namatayan.
Si Lain, namula.
Si Dhreic, hindi maipinta yung mukha.
Ako? Pinsan naman ako ni Aya...
Nakakalungkot... Masisira pa ata ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang babae...
Hindi man ngayon, baka balang-araw.
Kaya para sumaya ulit, nagsalita na ko.
Eh Aya si Theo? Gwapo o Cute? tanong ko kay Aya.
Hindi ka ba nag-iisip Aqua? Baka sa sinabi mo at may sinagot si Aya lalo lang mawala sa mood sina Phyro... tsk, tsk, tsk,tsk......
Sorry author. Yun ang una kong naisip eh.
Si Theo? hmmm... Cute sya..
^______^hayyss... mas lalo lang nga silang nawala sa mood...
Oh? Bakit ganyan mukha nyong lahat? Mukha kayong namatayan....
Innocent as ever... Hindi nya alam na sa sinasabi nya, may nasasaktan, may kinikilig, may nagagalit...
Dhreic
Naku naman to si Aqua, mas pinapasakit pa yung pagtusok ng mga patalim sa puso ko..
Aya, para kang Math problem... sabi ko..
Alam ko corny to pero wag nyo kong pagtawanan..
Bakit Aisle?
Kasi crush kita, kung hindi kita makuha... tititigan na lang kita...
Sagot ko.. alam kong nakakahiya pero totoo yun..
Ang galing naman ng pick up line mo Aisle..
sabi ni Aya na nakangiti..
Yown! Bumanat si mr. cold guy... First time! sabi ni Theo.. pero may nakita kong sakit sa mata nya. Bakit?
Aya, bakit ganun ang tao? Nasa kanila na nga pinakawalan pa.. Kumbaga iyo na nga yung pinapangarap mo, pinaghirapan mong kuhanin, tapos nadapa ka lang wala na.... nabitawan mo na sya... sabi ni Aero. Mukhang totoo.. parang nasasaktan sya ng sobra.. parang sinasabi nya talaga yun kay Aya. Parang mahal na nya sya......
Phyro
Ramdam ko yung sakit habang sinasabi yun ni Aero.. Posible kayang mahal nya si Aya?
Hindi pwede yun..
Bakit yung matatalik na magkakaibigan minsan nag-aaway dahil sa isang lalaki/babae na gusto nila... bigla kong naitanong..
Hugot day ba to? tanong ni Aya
Buti pa ang orasan kung umikot puro pakanan lang, walang kaliwaan.. eh sa relasyon? Kinakaliwa ka na nga, pinaglalaruan at pinapaikot ka pa..... sabi ni Lain...
Bakit ba kasi kayo hugot ng hugot? Hugot day ba ngayon? inis na tanong ni Aya...
Oh sige, bago magkainisan bumalik na tayo sa classroom. sabi ni Aqua para hindi na humaba pa ang usapan.
Naglakad na kami papunta sa gangster building. Kasabay ko si Aero, kasabay ni Aqua si Aya, tapos magkakasabay sina Dhreic, Lain, at Theo.
Pagpunta namin sa room, wala pa yung teacher. Siguro na-late.
Umupo ako dun sa likod at sumunod naman na nagsiupuan sina, Aya.
Ganito kasi yung seating arrangement:
White board
Teacher's table1-2-3 1-2-3
1-2-3 1-2-3
1-2-3- 1-2-3
Actually 6 rows yan, and since pinapaliwanag ko lang naman 3 rows na lang muna.Tumabi na si Aya sa mga kuya nya, at kami namang anim, nag-tabi-tabi sa likod.
Dumating na yung teacher at sabi..
Okay, class magapakilala na kayo.. Since bagong school year, ang iba di nyo pa kilala.
Ang unang magpapakilala ay yung mukhang matalino na nakangisi...
Hi! Julian Daniel Thace Mendoza here. Call me Julian, Daniel, Ian, or Neil.
Ayun lang at umupo na sya. Sobrang lamig nyang magsalita, miski ako nilamig kahit ako ang binansagang mr. cold guy.
Yo! Sup! Arius Dwayne Shawn Mendoza is the name and playing is my game *smirk*.
Sabi naman nung mukhang playboy. Gwapo naman lahat ng kapatid ni Aya. Ang kilala lang namin ay si King.
Name? Skie Hiro Marion Mendoza. Call me Hiro or Marion. Nothing else *death glare*.
Sya pala yung mukhang bad boy. Sya yung discipline officer na kapatid din pala ni Aya. Ang pinaka-boy version ni Aya ay si King.
Hello, King Archer Prince Mendoza nga pala... Ang may-ari ng Heaven Kingdom University.
As expected kay King, laging naka-poker face.
I'm Hyacinth Keith Mendoza, and you can call me Aya.
Nakangiting sabi ni Aya. A sincere smile.
Cloud Dark High Ramos. Call me Cloud or High.
Sabi nung mukha namang serious type.
Sa tingin ko ka-gang sya ni King.
Nag pakilala na silang lahat at kami na lang anim ang hindi.
Naunang nagpakilala si Dhreic, sunod si Aqua, Sunod ako.
Sumunod sa'kin si Lain, tapos si Aero, at panghuli si Theo.
Okay, class ngayong magkakakilala na kayo ako naman ang magpapakilala. Ako nga pala si Ms. Rose Antra M. Casarino....
**********************************
An:/ May mahalagang role kaya na gaganapan si Ms. Casarino?
Alam nyo naman guys na nambibitin lang ako ng mahahalagang part, pero minsan hindi din naman ganon kahalaga..
Mahal kita pero di mo lang alam...
BINABASA MO ANG
My Brother is the Gangster King
Teen FictionAng hirap sigurong mawalan ng magulang. Bukod sa walang pipigil sayo na gawin ang kahit ano, wala kang matatakbuhan kapag may kinakaharap ka/kayong problema na hindi nyo kayang harapin mag-isa...