CHAPTER 23

1.1K 80 66
                                    

CHAPTER 23

Napatingin ako sa orasan ko, 5:30 am pa lang pero wala na yung katabi ko matulog. Tumayo na ako para bumaba at nakita ko si Taehyung at Jungkook na gising na.

"Good morning." Sabi ni Jungkook habang may kinakalikot sa fridge.

"Ang aga pa ah." Sabi ko saka kumuha ng gatas sa fridge. Kumuha ako ng baso at naglagay ng konting gatas bago inumin.

"Hindi sanay yung katawan ko sa oras dito eh." Sabi ni Taehyung habang nakahiga sa sofa.

"Walang may pake." Sabi ko kaya binato nya ako ng unan, "Tangina mo naman umiinom ako ng gatas eh."

"Walang may pake sa gatas mo!" Sigaw ni Taehyung habang tinitignan ako ng masama.

"Gusto mo bang matikman gatas ko para magkaroon ka ng pake?" Paghahamon ko kay Taehyung. Bigla akong kinurot ni Jungkook kaya napatalon ako sa gulat.

"Kadiri kayo!" Sigaw nya bago sinara yung fridge, "Gatas ko naman yung pinakamasarap, nagtatalo pa kayo. Gusto nyo bang tikman?"

"No thanks." Sabay naming sabi ni Taehyung. Bumalik na si Taehyung mula sa pagkakahiga at hinugasan ko naman yung baso.

"Sure kayong ayaw nyong tikman gatas ko guys?" Tanong nya na naman.

"Anong gatas gatas yan? Ang aga aga, puro kalibugan kayong tatlo." Sabi ni Namjoon hyung habang inaayos yung buhok nya.

"Si Jungkook kasi, libog na naman sakin." Sabi ko kaya pinalo ako ni Jungkook ng sandok. Ang sakit!

"Loyal ako sa asawa ko." Sabi ni Jungkook, "Gusto ng kapatid ni Wonwoo, dagdagan na ba namin?"

"Kayo bahala." Sabi ni Jin hyung.

Kumpleto na kami dito sa sala. Tinignan ko yung phone ko kung may text na galing kay GD pero wala pa akong natatanggap. Baka busy nga talaga si GD kaya siguro kahit gusto nyang makipagkita sakin, hindi nya magawa.

Naisip ko na naman yung sinabi ni GD sakin. Susunod dapat si Gabrielle dito pero mas pinili nyang pumunta sa Korea? Bakit?

Kung sisirain lang rin naman pala nya yung relasyon namin ni Suga, sana nung una pa lang hindi na nya sinabi sakin na nagpapanggap lang si Suga bilang Yoongi. Sana inagaw na lang nya sakin si Suga noong hindi pa ganon kalalim yung pagmamahal ko sa kanya.

Kasi ngayon, I can only see myself with Suga. I can't see myself with anyone else.

Pagkatapos namin magbreakfast at mag-ayos, napagdesisyunan naming i-tour yung Barcelona. Pumunta kami sa La Sagrada Familia church para magpicture. Pumunta rin kami sa Camp Nou Stadium para manuod ng football game.

Naglalakad kami sa Las Ramblas Street nung may nakita kaming nagtitinda ng mga bracelet sa gilid. Lumapit agad kami para tignan yung designs.

"How much is this?" Tanong ni Jungkook habang pinapakita yung blue bracelet. Para kay Arian siguro.

"1 euro." Sabi nung nagtitinda.

Bumili din yung iba para sa mga asawa at anak nila tapos si Namjoon hyung at Jin hyung naman, nagsimula na ulit maglandian.

"Hindi ka bibili?" Tanong ni Hobi hyung. Umiling ako. Lahat sila may pagbibigyan, ako wala.

"Xie xie." Napatingin ako kay Taehyung nung sinabi nya yun sa tindera bago nya kinuha yung binili nya.

"Anong xie xie? Chinese yon tarantado." Sabi ni Hobi hyung saka binatukan si Taehyung.

"Yun lang yung alam ko eh!" Sigaw ni Taehyung habang hinahawakan yung parte kung saan sya binatukan ni Hobi hyung.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon