(A/N: Long chapter ahead!! Word count: 4k+ words)
Danielle's POV
"Yan na ang bayad mo kagabi, Dani. Pinapabigay ni boss kasi maaga siyang umalis. Deretso ka dito maya after school ha?"
"Opo, unnie. Salamat" sabi ko at umalis na.
Ako nga pala si Kwon Danielle. Wala na akong parents at mag-isa akong anak. Ay di pala, buhay pa pala tatay ko. Sorry, nakalimutan ko. Wag niyo nang asahan yung drunkard at kupiterong lalake na yun. Student sa umaga, worker sa gabi. Hoy. Matino trabaho ko no.
Maaga akong pumapasok. 6:30 palang. Alam kong mag-isa ko na naman. Kadalasan kasi, 8:00 na sila pumapasok since 8:30 start ng school. Bakit ako maagang pumapasok? Wala lang.
Di ko namalayang nakapasok na pala ako sa room
"Bakit ba lagi ka nalang nakayuko?" Napa-angat ako ng tingin. Akala ko minumulto ako. Andito pala yung grupo ni Hanbin. Tss. No choice ako ngayon kundi umalis dito sa room na to. Yung grupo kasi nila, minsan, pag nag-uusap, gusto nilang private.
Tumalikod ako at lalabas na sana nang nagsalita siya... Ulit
"Saan ka pupunta?" Bully tong mga to. At ayaw kong mabully. Ayaw kong madagdagan ang stress ko sa buhay baka balakin kong magpakamatay.
"Di ko rin alam. Basta lalabas ako" I answered
"You can stay. Wala naman kaming paguusapan na importante" he said. I nodded at dumiretso na ako sa upuan ko. Nasa likod silang part ng classroom at naka-upo ako sa middle part. Well, seatmate ko si Hanbin.
[From: unknown number
Kailangan ko ng pera! Bakit di mo sinasagot mga tawag ko? Wala kang kwenta!]Ang kapal ng mukha niya, tatay ko ba talaga to? Bakit ako nagkaroon ng tatay na ganito?
"Hanbin, alis na kami ha. See you mayang break" paalam ng mga kaibigan ni Hanbin. Sana pati siya, lumabas na rin para makapag-moment ako dito kahit saglit lang.
[To: unknown number
Wala akong pera. Kailangan ko pang bayaran yung tuition ko. Ikaw ang walang kwenta]"Bakit ka umiiyak?" Tss ang tsismoso naman po. Tinignan ko lang siya saka ako umalis
Hanbin's POV
Wow. Dinedma ako. Ang saya naman non
[To: iKon
Ya. May target ulit tayo. Balik kayo ASAP]Bakit iKon? Kasi grupo namin yun. Bakit kami may grupo? Kasi gusto namin, okay?
"Oh. Bakit mag-isa ka nalang. Asan yung kasama mo?" -Junhoe
"Malay. Umalis siya eh kinakausap ko pa siya. Bastos lang" inis kong sabi. Malay ko ba dun. Ano bang ayaw niya sa'kin at di niya ako kinakausap?!
"Sino yung bagong target, hyung?" -Chanwoo
"Yung babaeng kasama ko kanina" sagot ko
"Ha? Bakit naman?"
"Wala lang. Gusto ko lang" simple kong sagot.
"Anong gagawin natin hyung?" -chanwoo
I smirked saka ako lumabas
Dani's POV
20 minutes before the time nang napag-isipan kong bumalik na sa room pero bago yun, kukunin ko muna yung libro ko.
Pagkabukas ko ng locker, may mga papel na nagsihulugan. Sino ang tangang gumawa nito? Hindi basurahan tong locker ko.