"Keith" announce ng name ko. Syempre tumayo ako at kinuha yung box sa teacher ko.
"Okay. You may read your letters now" sabi nung teacher. Sus. Buti naman sana kung sumasagot si ano sa mga letter ko sakanya. Hayyy
'From: YGIKNJNH
Hi crush! Balita ko, idol mo ang Bigbang? Ako rin eh :). Kelan mo ba ako susulatan pabalik? :( Di mo ba talaga ako kilala? Saklap naman. Kahit ganun, crush parin kita. Hahaha. Yun nga lang, hanggang tingin lang ako :( Sana masaya ka ngayon! Dapat lagi kang naka-smile :)'Siya nalang ba magsusulat sakin ng something sweet? Ay nako.
"Ano ba tong babaeng 'VIP' ang name. Lagi nalang akong sinesendan ng letter. Di manlang mag-sawa!" Reklamo ni Junhoe. Seatmate ko kasi ang bakla
Bumunot ulit ako ng isa sa box
'From: Junhoe. (Yung katabi mong pogi)
STAY AWAY FROM ME'I blinked several times. Wow. Kapal muks this guy
"Hoy Keith" tawag sakin nung bakla. Tinignan ko siya ng masama
"Di naman kita inaano. Bakit ka nagsusulat sakin ng 'stay away'. Lagi ba kitang nilalapitan? Asa!" He said. Di ko siya sinagot. Instead, i crumpled the letters. Pati na rin yung galing dun sa lalaking makulit na send ng send ng letter. I tossed the papers in the trash can and yes! Shoot!
"Hoy! Bakit mo tinapon?" Junhoe asked
"Walang kwenta" sagot ko
After ng reading, nagpatuloy na sa discussion yung teacher pero wth. Wala akong maintindihan since ang ingay ng mga lalake dito sa row ko.
"Lahat ng nasa 3rd row, lumabas! Ngayon na!" Sigaw nung teacher. Halla. Pati ako?
"Hoy. Tayo na. Ano pang inuupo-upo mo diyan?" Junhoe asked. Halla. Pati ako? Wala naman akong ginagawa! I looked at our teacher, he motioned for me to go out. Nice one!
"All of you will receive detention" magproprotesta pa sana ako nang hilahin ako ng grupo ni Junhoe palabas at papasok ng detention room
"Hi students" bati samin nung teacher. Pina-upo niya kami at ako ang inilagay niya sa gitna
"Ano na naman ginawa niyo this time?" Yes, this is not my first time dito sa detention. Thanks sa mga lalakeng kasama ko ngayon. Kung bakit kasi ako ang nagiisang babae sa row namin! Kainis naman!
"Okay. Nakikita niyo naman siguro yang papel at ballpen sa harap niyo. Alam niyo na gagawin niyo" she said. Sinimulan ko na agad magsulat. Ayaw ko talaga tong mga kasama ko eh
After 25 minutes, pinasa ko na yung papel. Jusko. Ang sakit nun sa kamay ha. Bumalik ako sa upuan ko na parang luging-lugi. Well, lugi naman talaga ako. Di na nga ako nagiingay sa room, nadedetention parin ako! KASALANAN TO NG MGA NASA ROW KO!
"Okay. Junhoe. Pabasa naman nitong papel ni Keith" sabi nung teacher. At wow ha. Ang daming fangirls ng grupo niya sa labas
"Hi ako nga pala si Keith ng 4th year class A. And yes, this is not my first time in detention. Thanks to the people in my row for making me suffer in detention. Well, Thank you din pala sakanila kasi di na ako pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko. And oh, yeah. Thank you din pala kasi dahil sakanila, pinapabayaan na ako nila mommy at daddy" he stopped at tumingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. He cleared his throat atsaka niya pinagpatuloy yung pagbabasa niya
"You can now take a break, Keith" sabi nung teacher matapos basahin ni Junhoe yung paper na pinasa ko
"Grabe si girl no? Kapal ng mukha"
"Ikr. Ang swerte niya nga at nakasama niya sa detention sila June mylabs eh"