Love Hurt Death (ONE SHOT) (OFF)

70 1 0
                                    

Naranasan nyo na ba yung wala sainyong nag mamahal? yung ginagawa mo naman lahat pero hindi nila nakikita yung effort mo? yung pamilya mo na yun dapat yung nag bibigay nang pag mamahal sayo pero, hindi sa gayon ginigipit ka pa nila, yung tinuring mong bestfriend na niloko ka, yung taong mahal mo na akala mo sya talaga yung nag mamahal sayo pinag taksilan ka pa.

kung hindi pa sobrang sakit, Hindi ko na alam yung gagawin ko, Sobrang nakakapagod na. Mahal ko sila pero Hindi nila ako Mahal. SOBRANG SAKIT.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

andito ako ngayon sa office, nag oover time kailangan ko kasi ng dagdag na pera.

*beep*

mag nag text pala.

from:mama

hoy! kailangan na namin ng pera! huwag ka nanaman lumandi jan! wala ka talagang utang na loob!  yung binibigay mo kakarampot lang!

hayyy. ganyan naman sila lagi ee. hindi nila nakikita yung mga ginagawa ko. Wala sa aking nag mamahal. Ang hirap.Ang sakit.

to:mama

opo, bukas po mag bibigay na po ako.

ang nag bibigay nalang sakin ng lakas ng loob ay ang dalawang taong mahal ko at mahal din ako, Ang BestFriend ko at ang Boyfriend ko, Sila nalang ang nag mamahal sa akin.

Mabuti nga tanggap ako nang boyfriend ko, kahit na may anak na ako, oo may anak na ako, kaya ganyan ang trato sakin ng magulang ko, Pinaalis nila ako sa bahay, pero humihingi naman sila ng pera sakin, Ginigipit nila ako.wala saking nag mamahal, ang tingin nila sakin madumi,

Bata palang ako nung nagalaw ako. Nagalaw ako ng sarili kong tatay, at nabuntis ako sa edad na 15 anyos Ang Sakit, Sobra. Imbes na paniwalaan ako ng Nanay ko, sa asawa nya sya kumampi. Nung time na yon Gustong Gusto ko nang mag pakamatay, nasa tulay ako nung gabing yon, Patalon na ako, nang may sumigaw. Yung boyfriend ko yun, sakanya ko nabuhos yung sama ng loob ko, sinabi ko sakanga lahat kahit hindi kami mag kakilala. nung nag tagal niligawan nya ako at naging kami.

Ngayon 7 years old na ang anak ko at 4 years na kami ng boyfriend ko, sya na ang tinuring na tatay ng anak ko. para kaming isang masayang pamilya.

kaya kahit madumi ang tinging sakin ng mga tao, nasaya ako kasi may anak, bestfriend at boyfriend ako na nag mamahal sakin.

kinabukasan

"aira, gising na."

dito na pala ako nakatulog sa office, yung nag gising sakin yan yung bestfriend ko, si katrina.

"andun yung boyfriend mo sa lobby, kasama yung anak mo"

"ahh. ok. thank you bes hah? :)"

"ok lang, no prob."

nung nabanggit nya yung salitang 'boyfriend' at 'anak' nabuhayan ako. naganahan ako sa araw ko ngayon.

excited akong bumaba sa lobby. nung makita ako ng anak ko

"mamaaaaaa!"

"baby, i miss you. sorry hindi nakauwi si mama hah? nakatulog ako sa office ee." paliwanag ko sa anak ko.

"okay lang po yun mama, binantayan naman po ako ni papa" sabi ng anak ko.  pag tingin ko sa likod nya andun si toffer.

Love Hurt Death (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon