Totoo ang kasabihan di nakikita ang tutuong kulay sa panlabas na anyo.
Si Divine Reyes isang babaeng sabihin na nating perfect para sa isang PANGARAP ng mga kalalakihan. Kahit laking probinsya di mo pahuhuli ang kutis nito na mala papel sa puti at kinis aakalain mong anak mayaman at galing Maynila. Pero ang totoo isang maliit na bahay sa may paanan ng bundok nakatira c Divine Reyes o mas kilala bilang BINANG. Lumaki si BINANG sa pinsan ng tatay niang si LOLENG. Dahil sa walang anak at asawa si Loleng kaya pumayag sya nang iwan si BINANG ng kanyang ama. Simple lang ang buhay nina Loleng at Binang. Nsa ikaanim na antas ng elementarya si Binang habang ang kanyang ina inahang si Loleng ay may maliit na pwesto ng mga damit sa bayan. Bwan ng marso nun at ilang araw na lang ay mag tatapos na si Binang ng elementarya...Sygie: hoy Ernie nakatitig ka na naman kay Binang😧. Ano ba kasing meron sa Binang na yan at gustong gusto mo😧.?
Ernie: Natural maganda, matalino, mahinhin, pwede ba wag kang asungot...
Sygie: weirdo.....isama mo na rin ang salitang yan...Jan ka na nga.. titigan mo hanggang maubos.
Si Binang naman ng mga oras na yun ay abala sa pag aayos ng stage na pag dadausan ng seremonya ng pagtatapos.
Ernie: Ang ganda tlga nia. .😍 nasabi ni Ernie sa sarili. Kaya may nabuong Plano sa isip ng binatilyong si Ernie...
5:40pm na ng hapon ng matapos ang ginagawang pag kukumpuni ng stage, kya halos 6pm na nag siuwian ang mga stuyante. Medjo nag aagaw na ang dilim sa paligid. Dahil sa liblib ang Lugar patungo sa bahay nila Binang kaya aakalain mong Gabi na talaga. Isang mahabang tulay ang dadaanan tapos mapunong Lugar at dadaan din sa mga talahiban, masyadong malayo sa mga kabahayan ang bahay nila Binang. Pero di ito alintana sa dalagita. Nang mga oras na yun alam ni Binang na may sumusunod sa kanya, kaya naman binilisan niya ang paglalakad. Kinakabahan na si Binang dahil alam niyang di maganda ang mangyayare sa oras na yun kaya tumakbo na si Binang, nang makakita ng malaking puno Dali Dali itong nagtago. Kaya nawala sa paningin ni Ernie si Binang. May nakitang anino ng isang babae si Ernie isang anino na nkatalikod sa kanya, dali dali nya itong nilapitan at hinawan sa balikat.. "aaaaaaahhhhhhh" isang malakas na sigaw na lang ang narinig.
Kinaumagahan nagkakagulo mga taong bayan sa may tabi ng ilog. Isang binatilyo ang natagpuang walang buhay, naka mulat ang mga mata at animo hinigop ang buong lakas dahil para itong puno na tuyong tuyo. Nadaan lang si Binang at sinilip kong sino ang walang buhay na pinagkakaguluhan. Nagulat pa sya nang makita ang bangkay, Pero agad din niyang binawi ang pagkakagulat. Tumuloy na sya sa paglakad patungo sa paaralan.