1. Save Myself

32 2 0
                                    

(Author's Note: Sa iba magiging pamilyar ang istoryang ito, dahil pinasa ko ito bilang proyekto. Ang istoryang ito ay may titulong 'Saklolo' na matatagpuan sa librong Takipsilim sa ilalim ng Non-Fiction din.)

Save Myself, 2017.

Nakakatawang isipin na ang lahat ay nag umpisa sa napaka-cliché na istoryang, mahuhulaan mong nangyari na din sa iba.

Pinakilala ka sa akin ng nakakabatang kapatid kong si Franco. Isa ka sa matalik niyang kaibigan.

Isa ka din sa pinagkakatiwalaan niya.

Hindi naging madali ang lahat para sa ating dalawa.

Gusto mo iyon, pero malayo ito sa interes ko. Mahalaga iyon sa'yo, pero para sa akin napakalabo na mapapadapo ito sa isipan ko.

Sa madaling salita, magkasalungat tayo sa napakaraming bagay.

Naging mag-school mate tayo, dahil pinakilala sa'yo ni Franco ang aming paaralan.

Sabi mo pa nga sa akin noon, ayaw mo sa school namin, kasi nga napakadaming loko, napakadaming mayayaman at mahihirapan kang sabayan.

Pati ako, binilang mo sa mga taong tinutukoy mo na iyon.

Pero, tanggap ko.

Hindi ko maikakaila na nanggaling nga ako sa isang marangyang pamilya. May ugali ako na kadalasan nang inuugali ng mga anak mayaman. Maarte, brat, bitch.

Iyan din ang tingin mo sa akin.

Ayos lang, tanggap ko. Tinanggap ko.

Mas matanda ako sa inyo ng dalawang taon, kaya naman 4th year highschool ako nang habang kayo naman ay nasa 2nd year pa lang.

Puro kayo kalokohan, puro pagiging gago ang ina-asal niyo, dawit kayong dalawa ng kapatid ko sa lahat.

Pero, na intindihan ko. Bata, e. Gano'n talaga.

Ako na habang tumatanda, pati ang pag iisip, mas pinili ko na maging tahimik. Iniwan ko ang mga ugali ko na mayroon ako noon, at mas pinili kong mag bago para na rin sa sarili.

Mas naging tutok ako sa pag aaral ko, na mas pinili ko ang bahay at eskuwela bilang galaan.

Hindi ko din alam, kung ano ang nangyari sa akin.

Napapadalas din ang pag punta mo sa bahay, dahil parehas kayo ng kapatid ko na mahilig mag laro ng basketball.

Dumadayo ka sa amin, para makipag-laro, para sumama kay, Franco na mag-aral.

"Fernice!"

Marinig ko pa lang na mag mula sa iyo 'yan, alam ko na agad. Alam ko na nangangailangan ka ng tulong, dahil na hihirapan ka sa pinag aaralan ninyo.

Tinuturuan ko kayo ng kapatid ko, ang kapalit ay tantanan ako ng pangungulit sa eskwelahan.

Pero, isang araw. Patuloy pa din ang pag lapit mo sa akin.

Pasensya ka na, pero nakaramdam ako ng irita sa'yo.

Wala sa plano ko na maging malapit sa iyo, wala sa plano ko na makausap ka nang matagal.

Pero, nakakatawa kasi kung ano pa ang hindi planado, iyon pa ang nangyari.p

Para bang may nangyayaring kung ano, para lang magkaroon tayo ng oras para sa isa't isa. Para makilala natin ang isa't isa.

Nag tampo sa iyo ang kapatid ko, dahil mas nagiging malapit na tayo kaysa sa kaniya.

Pero, kinausap mo siya. Pinangako mo sa akin na kakausapin mo siya.

Astro's Story CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon