Hoy insan! Kelan ka pupunta dito? :)
And.. send!
Ang boring boring na kasi dito sa bahay. Lagi ako nakakulong sa kwarto ko. Eh pano ba naman kasi, hindi ako pinapayagan gumala. Kahit nga jan sa tapat namin, bawal eh.
Lola at lolo ko lang kasi ang nagbabantay sakin. Nasa France sina mommy and daddy, they've been there for almost 2 years. Hindi pa sila umuuwi dito. Busy sa work.
Kaya yung lola at lolo ko ay parang mommy at daddy ko na rin. Kaya minsan, pinapunta ko dito yung pinsan ko. Nakatira sila ngayon sa Laguna, kaya medyo malapit.
I'm Tanya Jay Alcantara. I'm 15, currently in 3rd year highschool. Wala na kayong dapat pa malaman sakin, simpleng tao lang ako.
*buzz* *buzz*
As I opened the message, nanlaki mga mata ko sa nareceive kong text.
I'm sorry, pero wrong send ka.
Tinignan ko ulit yung number na tinext ko at mali nga. Yung 6 ginawa kong 9. Nakakahiya tuloy.
Oops, sorry ah. Akala ko kasi number yun ng pinsan ko. Peace po tayo, hehe ^-^
Hindi ko na lang ulit tinext yung pinsan ko kasi baka ma-wrong send nanaman ako. Nakakahiya na talaga. Kung sino man tong natext ko, sorry talaga.
Okay lang yun :) Hindi ba nakasave yung number ng pinsan mo sa contacts mo?
Ang bait naman nitong nakawrong send ko.
Hindi eh. Nakakatamad i-save, haha. Sorry ulit.
Nilapag ko muna yung cellphone ko sa kama at nag-ayos muna ako ng buhok. Yung buhok ko kasi, parang ako sinabunutan na ewan na di mo malaman. Hindi masyadong uso sakin magayos.
*buzz* *buzz*
Okay nga lang yun. Ang kulit mo po eh noh? May I know your name?
Tapos ano? Manliligaw ka, tapos makikipagkita, tapos lolokohin ako, tapos- Teka nga. Ang advance ko naman. Tyaka bat agad ako manghuhusga, di ko pa naman kilala diba. Tyaka lalaki ba tong kausap ko? Or girl? Mukang.. girl.
Tanya's the name. :)
Hindi ko siya kilala pero may tiwala na agad ako sakanya. Ewan ko, pero ang gaan gaan ng loob ko sakanya. Weird noh?
Ako naman si King. :)
Ay. Lalaki nga.
Hari ka pala. Hahahahaha. Sorry, corny :3
Natatawa ako sa pangalan niya, ewan ko bakit. Parang ang sarap pagtripan.
Pasalamat ka wala akong maasar jan sa pangalan mo ah. XD
Mukang masarap katext to ah. Taga saan kaya to?
Bleh bleh bleh bleh. :P
Hanggang sa nagpatuloy tuloy na yung convo namin. Kung anu-anong topic ang napaguusapan namin. Minsan nga kahit walang kwenta, text pa rin kami ng text.
Mag gagabi na rin at mag-eexpire na ang unli ko. Sayang, ang sarap pa naman niya kausap. Bawal nga kasi ako lumabas diba. Niloloadan lang ako ng pinsan ko. Kawawa ako noh?
Osha, mag eexpire na unli ko eh. Sorry, king. Next time na lang ulit. Alam mo namang bawal ako lumabas diba? Kakakwento ko lang kanina. Sorry talaga. Sige bye, keep safe.
Ilang minuto pa at nagreply na si King.
Oo nga pala, bawal. Sige, advance goodnight. Ingat rin :)
BINABASA MO ANG
Wrong Send (One Shot)
Teen FictionNa-wrong send lang, nauwi na sa love? //lhufturrr