Year 2016 (PAST) - Part III
Sobrang saya lang natapos ang araw na iyon kasama si Marco. Kung tutuusin, sa anim na taong pagkakaibigan nila, ngayon lang sila nagpakasaya para sa anniversary. Hindi kasi talaga sila nagbibilang ng taon. Hindi rin sila pareho naniniwala na nasa tagal ng panahon ang basehan ng tunay na pakikisama.
Naghahanda na si Maymay matulog nang tinawagan siya ni Marco at nagsabing nakauwi na daw ito at nagpasalamat sa pagbibigay niya ng oras. Dahil dun, naalala nanaman ni Maymay ang mga nangyari sa buong araw na iyon - lalo na ang pagkikita nila ni Tanner.
Kung hindi ba niya iniwasan si Tanner, may sasabihin ba kaya dapat siya? Ano na kayang mga ganap niya? Dahil sa maraming katanungan sa isip ay biglang inalala ni Maymay ang nakaraan, ang pinagsamahan nila ni Tanner. Sino nga ba siya sa buhay ni Maymay? At sinu-sino pa nga ba ang mga taong nakasama niya? Eh si Edward kaya, paano sila nagkakilala?
--
ANG NAKARAAN.
Year 2011 (PAST) - Part IThird year high school na sila Maymay at ngayon ang unang araw ng pasukan. Maraming bagong mukha ang bumungad sa kanya, mga transferee mula sa ibang eskwelahan, pero may isang taong napakapamilyar.
Si Tanner.
Siya lang naman ang mahigpit na kalaban ni Maymay sa bawat Math quiz bee na sinasalihan nito. Laging sila ang naglalaban kaya naman hindi sila gaanong nag-uusap kahit magkakilala sila. Competitive lang kasi talaga si Tanner at tahimik kaya ganun.
Ngayong taon, parang himala na maituturing na magkaklase sila. Lagi magkaiba ang section nila ng mga nakaraang taon kaya naman hindi pa nila alam ang ugali ng isa't isa.
May lahing Kano itong si Tanner kaya naman englishero ito pero nakakaintindi naman ng Tagalog kahit konti. Naging dahilan pero ito ng pagkakaroon niya ng iilan lang na kaibigan, pero talaga namang siya'y tinitilian. Gwapo na at matangkad, matalino pa.
Si Marydale naman, o "Maymay" sa karamihan, medyo may pagkakaiba. Marami siyang kaibigan dahil masayahin talaga siya. Marunong makisama, maingay pero nakakatawa siya kaya naman kahit saan siya ay kilala. At syempre, maganda, matangkad, payat at matalino din naman.
Pagpasok ni Maymay sa classroom nila, sa tabi nalang ni Tanner ang bakante. Medyo nahuli kasi siya at nakipagkwentuhan pa sa mga nadaanan niyang kakilala. Hindi naman nagdalawang-isip si Maymay na tabihan siya dahil magkakilala naman na din kasi sila.
"Tanner? Do you have kasama here?"
"Marydale. Seems like we're gonna have a tough competition right here again, huh?"
"Uhm. Ano. Wala man lang hello? Like that? You know! Di mo pa nasagot tanong ko."
"Oh yeah, I'm sorry. None. Have a seat. Nice to see you. Classmates, finally."
"Oo nga eh. Naku dudugo ilong ko neto sa'yo!"
"Hahaha that's cool, then!"
"Jusko. Pano nalang ang brain cells ko nito? Mamamatay sila ng dahil din sa'yo."
"They're right about you."
"Right about saan?"
"That it's fun talking to you. Should've talked to you before if I knew."
"Eehhh! Keshe nemen. Hahaha No that's char char only. But you too, you're nice! You're serious man kasi palagi!"
"Just don't have those social skills that you have, I guess."
"Luhhh! You try to talk to others kasi. Everyone is mabait naman."
"Shall I start with you then? Friends?"
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
أدب الهواةSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕