RING!! tunog ng alarm clock na ibig sabihin ay male-late ba ako sa school. Kaya naman naligo na ako ng mabilis at nagbihis.
"O anak, hindi kana ba kakain?" si Daddy habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape.
"Hindi na po Dad, late na po ako. Bye Dad, bye Mom."sagot ko habang nagsusuklay ng buhok.
Papalabas na ako ng gate ng biglang *BEEP* may nagtext. Hindi ko na pinansin. I'm sure GM lang yun ng mga classmates ko. Mamaya ko na babasahin dahil late nako!
Pagdating sa school,ayun wala pa si Sir Pogi (take note gwapo talaga ang teacher kong to, share ko lang). Tiningnan ko nalang ang phone ko para basahin ang mga text messages at para makapagGM na rin.
Yung 12 na messages mga classmates ko lang.
Yung 3 hindi ko kilala.
From: +63935...
Hi! nandyan po ba si Mae?
From: +63935...
Nandyan po ba si Mae?
From: +63935...
Mae?
Sino naman kaya to? Hinayaan ko nalang. Tapos dumating na si Sir. Sinilent ko ng mabilis ang phone ko at itinago sa bag. Nagsimula na klase.
KRING!!! Lunch time!!!
"Hirap ng Math ngayon" si Casey habang nilalagay ang gamit si bag nya.
Napangiti nalang ako dahil medyo mahirap nga. Tiningnan ko ang phone ko. Wow ah missed call ng missed call. Consistent? Dahil sa curious ako tinext ko.
"Who's on the line? Wala kasing mae dito" ako
From: +63935...
I'm Justine, sorry wrong number yata ako. Anyway ikaw anu name mo?
Dahil lunch break naman nireplyan ko. At ayun nawili na akong magtext, kahit na wala naman talaga akong hilig sa pakikipag-textmate.
"Uy Jam, lunch na tayo." Angel, kaibigan ko kasama niya ang buong barkada.
"A oo sige, tara na" ako
"Mukhang busy ka yata dyan sa katext mo" pang-aasar ni Misty.
"Uyyy, Gwapo ba? Share your blessings" sabi ni Angel.
"Wala nawrong number lang." sagot ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
Ok naman si Justine, iba ang humor niya. Kaya naman nagpatuloy ang pakikipag kaibigan at textmate ko sa kanya.
Lumipas ang isa, dalawa, tatlong buwan.
Nagtapat siya na may gusto siya sa akin. Alam ko sa sarili ko na gusto ko din naman siya. Sabi nga niya try lang namin baka pwede in three days. Kapag nagwork edi bahala na pag lumagpas na ng three days.
*BEEP*
From: JUSTINE
Ano tayo na ba? Baby just say yes.
"Yes naman Oo." sagot ko
"Ano gusto mong tawagan? Baby, honey, cupcake, beef steak?" tanong niya sa akin. Actually natawa aki sa beef steak.
"A-ee ewan, wag nalang" sagot ko. Nakakailang kaya noh.
"I Love You JAMILL KO" sabi niya.
"I Love You too JUSTINE KO" sagot ko. Ewan ko saan niya nakuha yan. Pero aaminin ko kinilig ako. Haha
"Bigay mo schedule mo, para makapag-set tayo ng date" sabi niya.
Nagpalitan kami ng schedule. Pero hindi tugma ang schedule namin. Kapag maaga ang uwi ko late naman ang labas niya.