KAPILTULO 19

287 0 0
                                    



Ang pagawaan ng sardinas ay binubuo ng hindi hihigit sa tatlong daang trabahador na karamihan ay pawang kababaihan.

Maliit lamang ang gusali nito sa probinsiya na ang bubungan ay pinapadaanan ng mga exhausts upang hindi manatili ang sobrang init sa loob ng pagawaan. Ang pagluluto at pagtitimpla ay isinasagawa sa mas malinis at maliwanag na kuwarto habang ang ilang mga nirerecycle na lata ay pumupunta sa tunawan upang magamit muli pagkatapos maimolde.

Maraming proseso ang pinagdaraanan ng paggawa ng sardinas mula sa mga sariwang bagong huling isda hanggang sa paglalagay nito sa mga karton... pag-tsetsek bago ideliber at tatatakan ng Halal Certification. Sa isang dulong bahagi ng 'Packaging Section' nagtatrabaho ang isang grupo ng kababaihang nakaunipormeng asul kabilang na ang isa sa nakatatandang kapatid ni Cecilia na si Sabrina.

"Uy Grabe... Init kaayo ang panahon!", sabi ni Lory-29 anyos at nag-aayos ng mga nakukuhang karton ng sardinas papunta sa malaking trolley

"Sus... sinabi mo pa!",sabi ni Jackilu-37 anyos at nagkakabit ng istiker sa mga latang depektibo, "Paano kasi... ang dami-daming pera naman na kinikita ng kumpanya linggu-linggo tapos bumili lang ng mga bagong electric fan para sa mga tao o ipagawa man lang sana yung mga sirang exhaust sa itaas, hindi magawa! Naku, sa sampung taong nagtrabaho ako rito...sampung electric fan lang din ang naibigay sa mga tao! Mabilis pang masira, hindi ba Nay Rosie!"

"Tama ka diyan anak...",sabi ni Rosie-49 anyos na nanay ng asawa ni Jackilu. Kumukuha ito ng mga de-lata mula sa conveyor upang ipuno sa mga kahon na magkakaparehong kulay, "Eh... kung gaano kabilis pumuti ang mga buhok ko sa buong katawan... eh ganun naman kakupad maglaan ng magandang serbisyo sa manggagawa itong kumpanyang ito! Giatay!"

"Kawawa naman pala talaga ang mga trabahador dito nuh!", banggit ng morenang si Sabrina nakasama ni Rosie sa kabilang gilid ng conveyor, "Ang liit na nga ng suweldo sa mga tao... maliit pa ang tiyansang maging komportable sa ginagawa mo. Mabuti na lamang at matiyaga ang maraming trabahador dito nuh!"

"Sinabi mo pa!", sabi ni Jackilu, "Tapos dagdagan pa ng mahabang pasensiya sa mga malditang bisor mo... ay mangadyi na lang 'ta na ma-kontrol natin ba ang pananambunot sa ilaha sa loob ng kompanya!"

Habang patuloy ang hanapbuhay at ilang ingay sa paligid ay patuloy din ang kuwentuhan ng mga babae na nagtutulungan sa kanilang ginagawa.

"Makuha ko lang talaga bisa ko papuntang Kuwait... lalayasan ko talaga itong gusaling ito...",sabi ni Lory

"So... tinuloy mo pa rin pala ang pag-aasikaso ng mga papel mo sa pag-abroad?", tanong ni Jackilu

"Sinubukan ko lang naman...malay mo suwertehin! Mag-aaral na rin kasi sa kolehiyo ang usa ko pang igsoon na anak ni mama sa ika-duha niyang bana", sambit ni Lory

"Oh... anak pala ng mama mo sa stepfather mo, bakit hindi ang stepfather mo ang magpaaral dun?",sabi ni Rosie

"Ay ambot sa ila! Nag-away na nga kami ni mama tungkol diyan, naawa man ako kasi nakiusap sa akin na last wish niya na rin daw yun para kung mapatapos yung anak niya... siya na ang tutulong sa iba pa niyang mga kapatid. Sus! Kay batugan man ang stepfather namin... Wala sa kalingkingan ng namatay kong papa, pero dahil mahal ng akong mama... pasagdi na! Mabait naman din yung kapatid kong iyon eh!", dagdag ni Lory na patuloy sa pagsasaayos

"Ganun talaga kapag mahal natin ang mga pamilya natin... Susuportahan natin hangga't kaya natin...", sabi ni Jackilu-37 anyos at mapapatingin sa nakatahimik na si Sabrina, "Ikaw Sab... hindi ba't may kapatid kang lalaki? Hindi ba iyon nag-aaral o nagtatrabaho para sa inyo?"

"Ah... yung kakambal kong si Baste... kapos kami sa pera kaya hindi na muna siya nagtapos kahit hayskul... umekstra siya sa azucarera ng mga Forbes dati, aywan ko ba kung bakit umalis agad, ang dahilan niya ay marami siyang kinaiinisang tao roon. Basagulero rin kasi yung taong iyon eh!", banggit ni Sabrina at lalayo sa tinutulungang si Rosie upang kumuha ng ilang pang-teyp sa mga karton

Ning KalibutanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon