Malalim na ang gabi at ang ilang kuliglig sa labasan ay nagsipag-ingayan na rin dahil sa kanilang pagtitipun-tipon. Isang bahay ang madalas na ireklamo ng kapitbahay na maingay dahil sa paulit-ulit na pagkahol ng kanilang nakataling aso sa labas lalo na sa kasagsagan ng pagtulog ng mga tao.
Walang ibang taong nagmamasid sa paligid o kahit na anong kaluskos ng mga dumaraang residente. Hindi pa tapos ang pagsesemento sa kanilang kalye at ang ilang puno ay pinagpuputol din kung sakaling nakakaistorbo sa linya ng mga kuryente. Ilang sandali pa at ang asong malakas kung tumahol ay umungol.
AHOOOOOH!
Umungol muli... at pawang may nakakita ng kalaban...
AHOOOOOH!
Tumaas pa lalo ang balahibo ng aso at itinayo ang buntot dahil sa nakita. Nagngangalit at unti-unting manggigigil. Maya-maya ay susunggaban siya ng nakita.Mahahaba ang kuko at mataba ang brasong ang balahibo ay animong sa baboy ramo. Masasakal ang asong kumakahol sa leeg hanggang mahiwa ang katawan nito na magiging dahilan ng pagtigil at pagkamatay ng nakataling aso.
Hindi kalayuan dito ang lumang mansiyon ng mga Borile. Pawang napabayaan na ang fountain sa labas kaya't ito ay natuyo na rin at nilumot. Isang nilalang ang unti-unting pumunta sa pinaka-pintuan ng mansiyon hanggang buksan itong isang matandang babae at magugulat na kakausapin ang nakita.
"Oh! Sabrina... Naghuwat nami nimo... Pumasok ka na!", yaya ni Cassie sa anak at pagkapasok ng babae ay isasara agad ang pinto hanggang sa wala na rin silang marinig na kuliglig sa loob ng bahay.
"Saan ka pa ba nanggaling? Alalang alala na ako sa iyo ah!", wika ni Cassie sa anak na kukuha ng basong tubig sa kusina para ihandog sa anak na halatang napagod sa daan
"Sinamahan ko lang po sina Jackilu at Aleng Rosie sa pagamutan... nahilo po kasi si Aling Rosie habang nagtatrabaho po kami", banggit ni Sabrina na naupo sa may lamesa
"Oh! Nahilo... Edi binayaran ng kumpanya ang gastos sa ospital...", ani Cassie
"Yun nga po ang masaklap sa kanila... Wala! Ang sabi eh hihintayin muna nila yung findings ng ospital kung malala talaga ang kondisyon ni Aleng Rosie, ang kuwento kasi ng supervisor namin sa Manager eh madalas daw pong kunwa-kunwarian lang ang mga sakit nila kaya hindi sila binibigyan ng sapat na benepisyo. Kalooy giyud!"
"Masyado naman palang sakim iyang Supervisor niyo! Paano pala ang ibang empleyado diyan sa inyo...paano ikaw?", wika ng inang inaayos ang nagulong buhok ng anak
"Marami po sa amin ang inis talaga sa malditang iyon! Kaya nga noong pinatalsik nila ako sa trabaho... agad-agad din naman akong umalis at hindi na nagpaalam ng maayos!"
"Hahhh? Umalis ka na dun?Bakit ka raw pinatalsik?"
"Sa pagtulong ko kina AlengRosie... sa pagtatanggol ko sa kanila", ani Sabrina
"Ay... Diyos ko! Maigi na rin siguro na sa simula pa lamang ay umalis ka na dun at baka magkasakitan pa kayo lalo habang nagtatrabaho..."
"Nanay...", mahinhing banggit ni Sabrina at hahawakan siya ng anak sa siko. Mararamdaman ng ina ang paghaba ng kuko ni Sabrina at titingin sa mga mata nito,"Ginawa mo???"
"Nay... hindi ko po napigilan, masyado na po kasing masama ang ginagawa niya sa amin!",dagdag ng anak at ibabalik ang kamay sa iniinom na basong tubig
"Walang masama kung ipagtatanggol mo sila... pero sana ay huwag sa ganitong paraan, ayokong mapahamak ka!", nangangambang sabi ni Cassie at yayakapin ang anak na hahalikan sa may bunbunan nito, "Gusto ko kayong mamuhay ng normal ng mga kapatid mo Sabrina..."
BINABASA MO ANG
Ning Kalibutan
Werewolf"Mag-ingat ka sa mga ungol na maririnig mo... Baka ikaw na ang susunod na biktimahin nito"