Expect the Unexpected

12 0 0
                                    

 Si Shaira ay isang babaeng maluho, nakukuha niya lahat ng gusto niya, sapagkat ang Pamilya niya ay isa sa mayamang tao sa lugar nila. May isang lalaki ang nagkagusto sa kanya. Ang lalaking ito ay nangangalang Samuel. Si Samuel ay isang masipag, matulongin, at mapagkakatiwalaang tao. Siya ay palaging kumukulit sa dalagang si Shaira. Palagi itong nasa tabi ng dalaga. Palagi niya itong pinoprotektahan sa kahit na anong panganip kahit kapalit ay buhay niya  . Sapagkat siya ay isa sa mga servante ng Pamilyang DelaPaz kung saan ito ang Pamilya ni Shaira.
 Isang araw nagkaroon ng lakas ng loob si Samuel upang masabi ang kanyang nararamdaman sa dalaga. "Aking Prinsesa Shaira ako ay isang servante lamang ng inyong Pamilya. Ako ay matagal ng nagkakagusto sa inyo. Tanggap ko lahat kung ano man ang pagkatao mo. Mahal kita Prinsesa Shaira" ani ni Samuel sa dalaga. "Really? Thanks for loving me errr our servant. But I'm sorry to say but I don't want to be in relationship with hmmmm you. Kbye" sagot ni shaira sa kanya. Nanlumong tumalikod si Samuel sa dalaga.
 Nagdaan ang ilang linggong hindi pagpasok sa trabaho ni Samuel dahil sa labis na epekto ng mga sinabi ng dalaga sa kanyang puso. Habang si Shaira naman ay palaging hinahanap-hanap presensya ngmakulit at mapag-alagang binata. Makalipas ang dalawang linggo pumasok ang binata sapagkat hindi na bilang taga pag-alaga ng dalaga,bilang isang driver na. Hindi namalayan ng dalaga na unti-unti na palang lumalambot ang puso niya sa binata. Palagi niya ng kinakausap ang binata pero tila ang binata ay wala ng interes sa kanya. Parang may tumutusok sa kanyang puso sa mga sandaling iyon.
  Nagdaan pa ang ilang araw na iyon ang pakikitungo ng dalaga sa binata. Pero ganon padin ang binata hindi binibigyan ng interes ang dalaga.
Isang araw mayroong dalagang nangangalang Sharmaine na prinsesa ng Pamilyang Cruz. Hinahanap nito ang binatang si Samuel. Ang prinsesang ito ay may gusto sa binata. Nalaman iyon ni Shaira ng marinig niya ang usapan ng dalawa. "Samuel ikaw ang nakapukaw ng puso kung matagal ng natutulog, ikaw ang mahal ko sana mahalin mo rin ako" ani ng Prinsesang sharmaine. "Prinsesa ako ay hamak na servante lamang. Mahirap lang kami,hindi ko maibibigay lahat ng gusto mo." Sagot ng binata "Mahalin mo lang ako samuel hinding-hindi ka magsisisi sa akin." ani ng prinsesa. "Salamat Prinsesa para sa pagkakaalam mo nagkagusto ako sa iyo noong nakita kita noong nakaraang linggo. Napakabait mong tao nasa iyo na ang lahat."ani ni samuel. "Salamat mahal kong Samuel gusto sana kitang kunin dito at doon na magtrabaho sa amin kung nais mo"ani ng Prinsesa. Sumagot si Samuel na nagpabiyak sa puso ng dalagang si Shaira. "Kung yan ang gusto mo mahal na prinsesa masusunod. Magpapaalam lang ako,hintayin mo ako't sasama ako sa iyo" ani ng binata.
 Si Shaira ay hindi alam ang gagawin sinundan niya ang binata at kinausap ito. "Samuel narinig ko ang pag-uusap niyo. Hindi ako papayag na sumama ka sa kanya."ani nito "Pasensya kana Prinsesa Shaira pero buo na ang desisyon ko" ani nito "Mahal kita samuel" nasabi ng dalaga habang tumulo ang mga luha. " Mahal mo ko? Pero hindi na kita mahal Prinsesa Shaira pasensya kana. Paalam" ani ng binata sabay alis.
 Naiwang luhaan ang prinsesang shaira.  Habang tinitingnan ang paalis na binata kasabay ang Bagong Mahal niya.

Expect The UnexpectedWhere stories live. Discover now