**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**
Kylee's POV
"UGH! What's that noise!!? " reklamo ng sungit na yun.
"Noise, noise mo yang mukha mo! " sabi ko nang makarating ako sa baba. Hindi ko na napigilan at nasagot ko na sya. Kakainis kaya!!
"Aba! May gana ka pang sagot sagutin ako ng ganyan, ah! "
Inirapan ko na lang sya. Umupo ako sa sofa na malayo sa kanya. As ing malayo!!
Hindi ko naman ginusto na maging maid nya, eh. Sa totoo nga kaya ko syang bayaran ng cash na lang. Eh, dahil sa gusto nya na maging maid ako sa pamamahay nya. Ayan! Magdusa sya! Bakit ko nga pala sya sinusunod?? Dapat hindi ko na ginagawa yung mga utos nya, eh. UGH!!
"Aba! Iniirapan mo pa ako, ah! " pananakot nya. "Pwes your-------"
Naputol yung sasabihin ng sungit na yun ng biglang dumating si chef Xyrus.
Wrong timing naman to si Chef Xyrus, o! Alam ko na ang sasabihin ni sungit, eh. Pwes your fired!! Matutuwa na sana ako, eh. Pero dumating sya, ayan pagsisilbihan ko pa tuloy ng tatlong buwan yung sungit na yun. UGH!
"Anong problema?? Mukhang may gulong nangyayari dito," sabi ni Chef Xyrus.
"Wala. Nevermind," sagot naman nitong sungit na to. Na nakaupo habang naka patong yung paa sa mini table habang nanonood ng tv. Psh. Tamad.
"Ganun lang yun?? Hindi mo man lang ako wewelcomin Angelo?? Kakarating ko lang, o! Pinagluto pa kita! " sabi naman ni Chef Xyrus.
Huh?? Akala ko ba Chef si Xyrus? Bat parang ang close close ata nila.
"Hayy nako. Xyrus, wag mo muna ako guguluhin. Wala ako sa mood ngayon," sabi naman ni sungit.
"Bakit?? Dahil ba sa magandang to?? " tanong ni Chef Xyrus sabay turo sakin. Sus! Di naman ako maganda. Slight lang. Hehe.
At ayan. Di na nga sumagot si sungit.
"Wait lang Angelo, ah! Hiramin ko lang si beautiful girl saglit," paalam ni Chef Xyrus kay sungit.
Tumango lang si Mr. Sungit bilang sagot. Lumabas na nga kami ng mansyon ni Mr. Sungit at pumunta kami sa garden nya.
"Mukhang bad trip ka ata," panimula ni chef Xyrus.
"Kasi yung sungit na yun, makapag utos akala mo sya na yung pinakamayamang tao sa mundo," sagot ko naman.
"Hayy. May ginawa na naman ba yung Angelong yun?? "
"Inutusan nya kasi akong kunin yung phone nya sa kwarto nya, tapos wala pala sa kwarto nya yung phone nya. Nasa kanya pala. Alam mo yun! Nakakainis kaya! "
Hinagod ni chef Xyrus yung likod ko. Salamat kasi kahit papano naibsan yung pagkainis ko dun sa sungit na yun.
"Alam mo ganyan talaga yang si Angelo. Pero wag ka mag alala, kapag nakilala nyo na talaga ang isa't isa mag iiba na yan. "
Nginitian ko na lang si chef Xyrus kahit hindi ko masyado naintindihan yung sinabi nya. "Salamat chef Xyrus. "
Nagulat ako nang bigla na naman syang tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?? Kanina pa sya, ah! May sayad ba sya or sadyang baliw lang talaga sya?
"Xyrus na lang. Xyrus na lang ang itawag mo sakin. "
"Huh? Eh parang ang bastos naman yun kung Xyrus lang yung itatawag ko sayo. Chef ka pa naman sa mansyong to. "
At ayan, tumawa na naman sya. Baka nga baliw na talaga sya.
"Actually, hindi ako chef dito. Hahaha!! Kaibigan lang ako ni Angelo. Nung nakita mo ako sa kusina, pinagluluto ko si Angelo nun. Kasi kakarating ko lang galing sa Mexico. Nagpart time job din ako dun sa Mexico kaya may mga ilang recipe akong natutunan dun. "
Namula naman ako nang sabihin nyang hindi sya chef dito. Omg!! Kaya pala tawa sya ng tawa kanina. Waaahhhhh. Nakakahiya.
"Pero okay lang yun. At least nakilala kita Kylee, nice to meet you," sabi nya. Nakipag shake hands pa sya sakin.
"Haha. Thank you. Nice to meet you too. "
"O! Maggagabi na pala. Di ka ba uuwi?? Di ba magclassmates kayo ni Angelo?? Edi may pasok pa kayo bukas."
Oo nga pala. Maggagabi na. Kailangan ko nang umuwi, hindi pa naman alam nila mom at dad na nagtatrabaho ako bilang maid. Kasi tatanungin nila ako ng napakamarami. Ayaw ko pa namang malaman nila na nakabasag ako ng salamin ng kotse ng iba.
"Ahh. Oo nga. Sige, mauna na ako," paalam ko pero bigla nya akong hinawakan sa kamay nang patayo na ako.
"Ihahatid na lang kita. Hapon na, delikado na sa labas. "
Tumatanggi ako pero pilit pa rin sya ng pilit na ihatid na lang daw ako. Baka daw sya sisihin kung may masamang mangyari sakin kasi sya daw yung huli kong nakausap. Eh, kaya ko naman ang sarili ko. Nag aral ata ng karate, arnis at martial arts to. Well.
Pero dahil sa pamimilit nya ayan um-oo na lang ako. Mapilit, eh.
"Uy, dude! " tawag ni Xyrus kay sungit. Pero hindi ito lumingon or sumagot man lang.
"Angelo!! " tawag ulit ni Xyrus at ayan lumingon na si sungit. Hindi rin pala sya masungit, bingi rin pala. ^____^
"Bakit ba?? Nanonood yung tao, o! " pagrereklamo ng sungit na to.
"Ihahatid ko lang sana------" hindi natapos yung sasabihin ni Xyrus nang biglang sumagot si sungit.
"Kung gusto mo ihatid yang panget na yan, ihatid mo. Wala naman akong pake dyan, eh! "
Aba! Kinuha kuha nya ako bilang maid nya tapos sasabihan nya ako ng walang pake. Susugurin ko na sana sya nang bigla akong inawat ni Xyrus.
"Wag mo na syang pansinin. Lalaki lang yung gulo. "
At ayan, para mawala na tong pagkainis ko dumeretcho na kami sa kotse nya para ihatid ako pauwi.
Tinuro ko lang yung daan papunta sa bahay namin. At ayan, nakarating na kami sa bahay. Hindi naman masyado kalayuan, eh.
"Salamat," pagpapasalamat ko.
"Welcome. Ahh eto nga pala, kinuhaan kita nyan. Specialty ko yan. Sana magustuhan mo," sabi nya. May binigay pa syang ulam.
Mukhang kakaiba tong ulam na to, ah! Parang ngayon ko lang nakita. Malamang galing sa Mexico, eh.
"Salamat," pagpapasalamat ko ulit. "Sige na, pumasok ka na. Gagabihin ka na," sabi ko.
"Hintayin na lang kitang makapasok sa loob. "
At dahil sa mapilit nga sya pumasok na nga ako sa loob.
Hindi ko alam kung bakit. Pero biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Curtis, kababata namin ni Mariana. Anak nila Tita Natalia at Tito Trevor.
Wala na rin kasi kaming balita sa kanila simula nung lumipat sila sa ibang bansa. Hindi ko rin alam kung saan bansa. Si Mariana lang kasi yung close kay Curtis, eh kaya di ko natanong.**✿❀ Accidentally In Love With My Destiny ❀✿**
Vote. Comment. Share
Thanks!
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With My Destiny
Teen FictionDISCONTINUED -------------------------- Before reading this story, basahin nyo muna ang book one, which is yung "Is He My Brother??!! " Si Rachelle Kylee Kobe ay anak nina Sophia Baylee at ni Carl Adrian. Si Kylee ay isang simpleng babae. Ngunit sa...