One Shots

179 4 0
                                    


Ako si Aris. Matagal ko nang gustong-gusto na pumunta ng Sagada pero hindi matuloy-tuloy. Yung mga barkada ko kasi, lagi na lang may isa o dalawang hindi makakasama. Ang gusto nila lagi kumpleto kaming anim sa mga ganitong lakad. Bonding daw.


Kaya nang muling mapurnada ang plano, minabuti kong mag-isa na lang akong pupunta.

Nakarating ako ng Baguio galing Manila ng mga alas-10 ng gabi. Mula sa istasyon ng Victory liner, nag-taxi na lang ako papunta sa Lizardo bus station sa likod ng Center Mall. Pagdating ko dun, sabi sa akin ay 6:00 am pa ang pinakamaagang bus papunta ng Sagada. Kaya minabuti ko na lang na kumain muna sa Good Taste, malapit lang sa station.

Matapos ang hapunan ay naisip kong magpaumaga na lang sa station, tutal may mga bench naman sila dun, pwede nang humiga at magtalukbong. Mangilan-ngilan na lang ang mga bus at jeep na pumaparada sa station kaya medyo hindi na maingay. Pwede na, kaysa magbayad pa ako ng overnight sa mga inn.

Nag-aayos na ako ng higaan, hehe bangko ko, nang may nakita akong papalapit na driver ng bus papunta kinauupuan ko. Kasing taas ko lang sya halos, nasa 27-30 ang edad, maitim at medyo makapal ang buhok, matangos ang ilong at diretso, maganda ang mata nya na parang squarish, makapal ang kilay pero hindi buhaghag. Malaki ang panga at medyo kwadrado. May mga stubbles sa baba at di masyadong makapal na bigote.

Typical na Igorot ang itsura nya. Pati porma. Naka magong jacket at pants, dark na t-shirt at rubber shoes. Lalaking-lalaki ang dating kaya medyo tinigasan ako ng kaunti kahit medyo nararamdaman ko na ang lamig ng Disyembre.

Nahuli nya akong nakatingin sa kanya kaya medyo natigilan ako. Pero siempre hindi ako nagpahalata. Nagsalita sya ng ilokano o igorot sa akin pero hindi ko naintindihan. Kaya nagtanong na lang ako sa kanya kunwari.

"Brad pwede bang makitulog na lang dito sa bangko? Hihintayin ko na lang ang bus papunta ng Sagada bukas," tanong ko sa kanya kunwari.

"Pwede naman, kaya lang maginaw," sabi ng poging driver na mukhang may perfect set of teeth at walang mantsa ng nganga. Naamoy ko rin ang alak sa hininga nya. Tumagay muna siguro sya marahil matapos ang last trip. Hindi na yun nakakapagtaka, maginaw kasi ang panahon.

"Ok lang, may dala naman ako jacket."

Yun lang at tumuloy na sya papunta sa parang quarters nila sa bandang likod. Pinagmasdan ko ang likod nya at lalo akong nalibugan. Hapit na hapit ang maong nya at bakat na bakat ang malalaking hita nya at puwitan. Ang sarap siguro gawing unan! Hahaha!

May lumabas na matandang manong mula sa quarters nila at nakita kong nag-usap sila sandali. Naririnig ko, pero hindi ko na maintindihan. Parang off-duty daw at uuwi muna sa kanila. Nakita ko rin na ibinigay sa kanya yung susi ng kwarto at saka tuluyan nang umalis. Natulog na rin ako.

Bandang ala-dos ng madaling araw ng maalimpungatan ako sa sobrang ginaw. Nanginginig ako kaya napaupo ako. Sya namang narinig ko ang pagbukas ng driver's quarters at lumabas si poging driver. Pumasok sya sa CR at narining ko ang pag-ihi nya. Nang lumabas sya ay nakita nya akong gising at nakaupo at nakatingin sa kanya.

"Maginaw ngayon, baka hindi ka makatulog dyan," wika nya.

"Hahaha! Medyo nagising nga ako sa sobrang ginaw, hindi ako nakapag-shot man lang ng beer kanina kasi," sabi ko sa kanya.

"May higaan dito sa loob, baka gusto mong pagtiyagaan."

BASTA KATABI KITA, naisip kong sabihin sa kanya, hahaha! "Sige, salamat. Mukhang hindi ko talaga kakayanin ang lamig dito. Matindi pa sa aircon na nakatutok," wika ko sabay mabilis na hakot sa backpack ko at sumunod na sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Igorot Bus DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon