Chapter 1

14 0 0
                                    

'I am bullied. But i stood up. Now, look how far I changed'
-----------------------------------------------------------
Stella's POV

School.Canteen. Gitna. Tumingin ako sa paligid. Marami ng estudyante pero wala akong pake.

Lahat sila ay tinigil ang ginagawa nila, at tahimik na nakamasid sakin, At sa babaeng nakaluhod sa harap ko.

Nakangisi kong tinignan ang estudyanteng sa harap ko na sa tingin ko ay ka-age ko lang at base sa suot niyang pang-manang eh halatang nerd siya.

A nerd. Tch! I hate nerds! Nanginginig siya. At di makatingin sa mga mata ko.

"S-sorry p-po d-di k-ko p-po s-sinadya"

Tinitigan ko siya.

"Hindi matatanggal ng 'sorry' mo, ang lagkit na nararamdaman ko dahil sa pagka-clumsy mo". Kalma kong sabi.

"A-ano p-po b-bang k-kailangan k-kong g-gawin?"

"Leave." malumanay pero ma-awtoridad kong sabi.

"M-miss--"

"1." sinimulan ko ng magbilang. Tinignan ko siya, nakatulala at nanginginig ang labi at katawan niya.

I'm giving her the chance to leave. But i think she wants to take the consequence. *smirk*

Nagbulungan ang mga tao sa paligid namin.

"Paktay..Nagbilang na.." Binulong ng isang estudyante pero rinig na rinig ko naman.

"Hoy ateng! Di mo alam kung sino yan!"

"Tsk tsk..di ba niya naiisip kung anong mangyayari kung di pa siya tumayo diyan at umalis?"

"Mental blocked. Malamang.. Syempre takot na takot..tsaka iniisip siguro kung ano mangyayari sakanya.."

"Kawawa naman.." tinignan ko ng masama yung nagsabi nun. Nakita niya yung tingin ko dahilan para tumahimik siya.

"2" Last one, poor girl. Last one.

"Ano ba Athena! Tumayo kana diyan!" Rinig ko sa audience. Tumingin ako sa mga estudyante at hinanap kung sino may sabi nun. Lalakeng may salamin sa mata. At nakasuot din ng pang-loser na suot gaya nung Athena. Nerd. Boyfriend niya siguro to. Walang taste!

"3" Pagtatapos ko. Di siya gumalaw. At isa lang ibig sabihin nun, babalik sakanya yung ginawa niya sakin kanina.

Umiiyak siya sa harap ko ngayon. Si Athena. And she looks so pathetic! But then, gusto ko ng matapos to. So let the fun begin!

Yes, weird. But this is my kind of fun. Ang makitang matakot at umiyak ang sino mang bumangga sakin.

Tinignan ko yung nerd na tumawag kay Athena kanina at sinenyasan ko na lumapit siya.

Para pa siyang tanga na tumingin tingin sa gilid at likod niya atsaka tinignan ako at tinuro ang sarili niya.

"Tch. Yes you." Sabi ko sakanya. Dali-dali naman siyang lumapit sakin ng nakayuko.

Ng makarating siya sa harap ko ay di niya alam kung san titingin, di siya makatingin sakin.

'Kalalakeng tao!'

"Lapit pa" sabi ko ng nakatingala. Naiilang siyang ginawa yung inutos ko. Kaya para asarin siya eh nilapit ko ang sarili ko sakanya. Ngayon, kapag lumapit pa ang isa samin ay magtatagpo ang mga labi namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary of a Bad Girl[Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon