Who is your Crush?

94 2 0
  • Dedicated kay Joanne Gesca Galicia
                                    

Naniniwala ka ba sa LOVE? Nakaranas ka na bang ma-inlove? Sabi nila pag nagmahal ka masasaktan ka lang. oo andun na nga ang labis na kasayahan pero di mawawala ang labis na kalungkutan lalo na pag iniwan ka ng taong mahal mo. Kay sarap balikan ng mga kahapon lalo na kung ang kwento ng first love mo ang paguusapan.

Ako si Arianne, naranasan ko ng magmahal. Oo nakaranas na akong masaktan pero di ko makakalimutan lahat ng masasayang naidulot ng pagmamahal ko. Sabi nga nila, pag nagmahal ka dapat handa kang masaktan para sa taong mahal mo. Parang kalokohan lang di ba? Nung una natatawa lang din ako sa mga katagang yan. Pero nung naranasan ko ng magmahal nasabi ko na lang na tama nga pala ang kasabihang yun. Kase pag nagmahal ka handa kang gawin sumaya lang yung taong mahal mo. Hindi mo na maiisip ang sariling kapakanan mo pag andyan na si LOVE.

Nasimula akong ma-inlove nung ako ay nasa elementary pa lang. Ang chaka diba? Ang ibig kong sabihin ang aga aga naman magbloom ng flower of love ko. Actually di ko din naman alam na LOVE na pala yung nararamdaman ko nung kapanahunang yun. Bata pa ko. Wala pa kong alam pag dating sa pag ibig na yan. Oo aware ako sa salitang CRUSH as in pag hanga. Siguro mali lang ang pagkakaintindi ko sa pagkakaiba ng LOVE sa CRUSH na yan. Pamilyar ka ba sa tinatawag na SLUM NOTEBOOK? Usong uso yun nung nasa elementary pa lang ako. Kakatawa ngang maalala na gumawa ako ng ganun para lang malaman kung sinu ilalagay sa crush ng crush ko. Laging pinagpipilitan ng mga kaklase ko na magkaiba ang LOVE sa CRUSH. Magkaiba nga ba talaga? Para saken, oo magkaiba yung dalwang yun. Ang CRUSH ay CRUSH at ang LOVE ay LOVE. Charot lang. oo magkaiba talaga yun. Naniniwala akong naguumpisa yan sa CRUSH hanggang sa lumalim at mauwi sa tinatawag na LOVE. Pero para saken may mas malalim pang kahulugan sa dalawang yan.

It’s about 13 years ago na. nagcelebrate ako ng 7th birthday ko nun. Syempre andun lahat ng kamag-anak, kalaro at kapit-bahay ko para makisalo sa handaan. Then dun ko nakilala tong isang bata na ito na sobrang mahiyain. Bagong lipat lang sila sa apartment sa kabila ng bahay namin. At magkakilala din ang tatay nya at tatay ko. Magkumpare sila ika nga. Lahat ng batang andun nakikisaya sa mga palaro at sayawan pero napansin ko siya na nasa isang tabi lang at hindi nakikisali sa kasiyahan. Gusto ko mang lapitan siya eh kaso inabot naman ako ng hiya kaya nagtiyaga na lang ako sa pasilay silay sa kanya. Hanggang sa matapos na ang kasiyahan, andun pa rin siya sa pwestong kanyang kina uupuan. Inaantay nya ang nanay nya na nakikipahchikahan sa nanay ko. Gusto ko talaga siyang lapitan pero nahihiya talaga ko. Nakatingin lang ako sa kanya ng biglang napatingin din siya saken sabay tanggal ng tingin ko sa kanya. Shockssss kakahiya naman yun. Tumungin ulit ako sa kanya at napansin kong nakangiti sya. Napangiti na lang din ako. Ackward ang peg. Bigla syang lumapit saken habang nakangiti. Tumabi sya sa kinauupuan ko at binate nya ko ng happy birthday. Yaayyy. Nagpakilala siya saken. Sabihin na lang nating siya si JJ. May inabot siya saken na candy. White rabbit, pamilyar ka ba sa candy na yun? Wala na atang mabibiling ganun ngayon sa mga tindahan kase extinct na. pagka abot nya ng candy sinabi nya na pagpasensyahan ko na daw at wala siyang regalo basta lang daw siya hinila ng mama niya na pumunta samen. Kaya for the mean time yung candy na yun ang regalo niya saken. Hindi ko alam pero marami akong natanggap na mamahalin at magagandang regalo pero tuwang tuwa ako sa regalo niyang candy, yun yung pinakanagustuhan ko sa lahat.

Simula nun naging close na kami. Lagi kaming magkalaro at naging kaklase ko pa siya sa school. Pag hindi samen, sa kanila kami naglalaro at madalas pa sa factory ng bunot sa likod ng apartment nila. May isang lugar dun sa factory na abandonadong kwarto. Dun kami naglalaro. Yun ang naging secret place namin. Pang telenobela lang diba? Pero totoong nagyari yan. Dumaan pa ang mga araw at lalo kaming naging kumportable sa isa’t isa na umabot pa nga sa puntong sabay na kaming naliligo, wew walang malisya parehas pa naman kami nung mga bata eh. Pati sa puntong nagseselos na yung bestfriend ko na kapit bahay ko din. Panu ba naman hindi magseselos, mula ng dumating siya lagi na lang siya ang kasama ko. Sabay lagi kaming pumapasok at sa pag awas, lagi nya kong iniintay kahit ganu pa ko katagal dahil sa cleaner ako. Ang unfair ko nga kase pag sya ang cleaner hindi ko siya inaantay. Di rin naman maipagkakailang matalino si kuya JJ kaya lagi kaming sabay gumawa ng assignment, este siya lang pala ang gumagawa at taga kopya lang ako. Gwapo din siya kaya ang daming nagkakagusto sa kanya sa school. Siya yung tipong napakaseryoso sa mga bagay bagay at napakatinong lalake. Alam nya kung kelan dapat magbiro at kung kelan dapat magseryoso. Paborito din siya ng mga teacher dahil sa matataas nyang grades. Gustong gusto ko syang gayahin pero di ko magawa masyado kase kong isip bata at masyado na kong umasa sa kanya sa lahat ng bagay kaya wala akong matapos na bagay pag wala ang tulong nya. Napakabait ni kuya JJ. Lagi nya kong inaalala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who is your Crush?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon