Chapter 3

907 41 5
                                    

Chapter 3

Dinner

"Ano yon?! Anong see you later at 6pm?!" Gulat na gulat na tanong ni Miles habang pabalik na kami sa table namin na dala na yung food namin.

"Nagyaya siya ng dinner, pa thank you niya kumbaga." Pag eexplain ko naman kay Miles.

"Niyaya ka niya ng date?! Agad?!" Tanong niya.

"Saan sa sinabi ko na may narinig kang date?! Ang sabi ko dinner!" Sagot ko naman sakanya.

"Eh ganon nadin yun e!" Sagot naman niya.

"Ewan ko sayo. Ano ano iniisp mo. Kumain na lang tayo." Sabi ko sakanya. Galit galit ulit kami dahil kakain nanaman.

.....

"So saan kayo mamaya?" Tanong ni Sunny. Nandito narin siya pero kakain pa lang siya at alam nadin niya yung tungkol sa dinner dahil madaldal si Miles.

"Di ko pa alam, magtetext na lang daw siya e." Sagot ko naman.

"Textmates na kayo agad?!" Pang asar naman na tanong ni Miles.

"Diba pwedeng nagtext lang siya tas nagreply ako pero di kami textmates?" Sagot ko sakanya.

"Pwede naman, pero para sa inyo hindi pwede." Sagot niya tas tumawa nanaman sila ni Sunny.

"Hay nako! Ewan ko sa inyo. Una na nga ako may klase pa ako." Sagot ko sa kanila habang inaayos ko na yung gamit ko para makaalis na.

"Last class mo na diba? Uwi ka agad ha, para makapagayos kana para sa date niyo." Sabi ni Miles.

"Hindi nga date yun! Dinner lang!" Sagot ko naman habang paalis na.

"Ingat superwoman!" Sigaw naman nung dalawa sa akin.

Naglalakad na ako papunta sa klase ko. Nagulat ako ang daming nagsisitinginan sa akin at nagbubulungan pa.

"Siya ba yon?"

"Oo siya yon. Siya yung kinausap ni Donny kanina."

"Totoo?! Swerte naman ni ate."

"Mismo! Pero infairness naman may itsura si ate girl."

"Oo nga e. Hay nakakainggit naman."

Nakakaloka! Iilan lang yan sa mga narinig ko. Binilisan ko na lang yung lakad, nahihiya ako e.

"Good afternoon" Sabi nung prof. Ready na para sa last class.

......

Sa wakas! Tapos na yung klase. Papunta na ako sa dorm para magpalit ng damit.

*beep*

From: Donny Pangilinan

4:10 na, tapos na last class mo? Saan kita pwedeng sunduin?

To: Donny Pangilinan

Yes. Uuwi muna ako ng dorm para makapagpalit naman ng damit. Magkita na lang sa restaurant. :)

From: Donny Pangilinan

Ahh. Okay okay. :) I'll pick you up sa dorm niyo na lang, if okay lang sayo? Para sabay na lang tayo punta sa restaurant. :) Text me your address na lang. :)

Tinext ko na lang sa kanya yung address ko and pumasok nadin ako sa dorm.

Ano kayang magandang suotin? Shorts tas tshirt? Dress? Pantalon? Blouse? Sando?

Right TimingWhere stories live. Discover now