Chapter 4
The picture
Wednesday ngayon. Nasa school na ako, maaga kasi ang pasok ko ngayon. 6:30am tas boring pa yung first subject ko.
"Shar? May tanong ako." Kalabit sa akin nung katabi ko sa class na to.
"Ano yon Kat?" Tanong ko sakanya.
"Nakita mo ba yung pinost ni Donny na picture sa ig?" Tanong niya sa akin.
"Hindi, ano yon? Tska bakit naman?" Gulat kong tanong. Bat naman kasi sa akin niya itatanong yun? Mukha ba akong stalker ni Donny?
"Ahh. Wala lang, medyo hawig mo kasi yung.." Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi nag dismiss na yung prof. Tumayo nadin ako kasi gutom na ako.
"Shar una na ako." Umalis na siya, nakalimutan ko na tuloy itanong sa kanya kung ano yun.
Papunta na ako sa second class ko, napapansin ko naman na parang ang daming nakamasid sa akin. Sobrang nakakapraning. Hindi mo alam kung may sumusunod ba sayo o ano.
*beep*
From: Donny Pangilinan
Good morning. :)
To: Donny Pangilinan
Good morning!!
From: Donny Pangilinan
School kana ba?
To: Donny Pangilinan
Yes. Ikaw?
From: Donny Pangilinan
Wala pa, mamayang 11 pa class ko e. :)
To: Donny Pangilinan
Ahh. Okayokay. Take care! :)
From: Donny Pangilinan
Take care superwoman :)
Nakadating nadin ako sa second class ko. Pag upo ko nagbasa basa na lang muna ako, wala padin naman kasi yung prof.
"Sure ka ba siya yon?"
"Medyo. Tignan mo naman kasi, hawig talaga sila."
"Close niya ba yun? Paano naman yun? Eh wala namang girlfriend yun."
"Baka naman close friend lang."
"Close friend ganon?"
Iilan lang yan sa mga narinig ko, hindi ko na narinig yung iba kasi dumating na yung prof. Aral aral aral.
.......
Sa wakas break ko na. Gutom na ako. 11am na break time nadin ni Miles at Sunny at sakto natawag na nga sila.
Calling Sunny ....
"Hello?" Sabi ko.
"Asan kana? Canteen na kami ni Miles." Sabi niya.
"Lapit na ako. Taray ah! May pantawag, rk mo." Pabiro kong sabi.
"Luh, corny. Bilisan mo na gutom na si Miles." Sabi niya.
"Oy narinig ko yun Sunny!!" Narinig kong sigaw ni Miles.
Nasa canteen na ako, nakita ko na sila kaya kumaway na ako.
"Tara order na tayo." Sabi ko.
Nag oorder na kami, nang may lumapit sa aming grupo ng lalaki.
YOU ARE READING
Right Timing
Teen FictionAng tadhana ay minsan mapaglaro, minsan kakampi minsan kalaban. Ang tanong, dapat mo bang pasalamatan o dapat mo bang kainisan?