Chapter 5
Pangilinan Cousins
"Hindi ba halata na siya yun?" Tanong ni Nash sa teammates niya. Siya pala yung nagtanong sa akin kung familiar ako kanina.
"Oo nga no." Habang yung iba tingin ng tingin sa akin. Tinitignan nga talaga kung ako yun.
"Dun na nga kayo. Dun na dun na. Kukulit niyo." Habang tinutulak palayo yung mga teammates niyang tumitingin.
"Lumayo daw kayo sa SW niya." Asar nung isa pa na Pangilinan , si Robi.
Umalis naman yung iba kasi daw may kanya kanya pang klase. Ang natira na lang si Robi at Nash.
"Shar, si Nash at Robi nga pala. Mga pinsan ko." Sabi ni Donny habang tinuturo yung dalawa.
"Hi Shar." Nakangiting bati naman nung dalawa.
"Si Miles at Sunny nga pala." Sabi din ni Donny.
"Hello." Bati naman nung dalawa. Ngumiti na lang sina Robi at Nash.
"Uy una na pala ako, malapit na klase ko e." Sabi ko at nauna na nga ako.
"Sabay na tayo. Malapit nadin klase ko e." Sabi ni Nash.
"Osige, see you later guys." Sabi ko sa kanila.
"Text na lang kita Shar." Sabi ni Donny. Ngumiti na lang ako bilang sagot.
Naglalakad na kami ni Nash nang bigla siyang nagtanong "So you and Donny ha?"
Naubo ako sa tanong niya "Ano ba yang tanong mo? Haha! Friends lang naman." Ngiti kong sagot.
"Oh really ha? You know Donny, hindi siya nag popost ng picture ng girl sa IG niya." Curious na tanong ni Nash.
"Wala naman talaga, wag mo ng ipilit kasi wala talaga." Tatawa tawa kong sagot sa kanya. Nag nod na lang siya, pero kita mo sa mukha niya na di siya naniniwala.
Anong magagawa ko? Eh wala naman talagang something sa amin ni Donny. Kakakilala pa lang namin, actually ngayon ko pa lang siya nakilala e. Biglang huminto sa paglalakad si Nash "Uy, dito na ako. Okay lang ba? Or ihatid muna kita sa room mo?" Tanong niya.
"Okay lang baliw haha. Sige na." Kumaway na ako at umalis pero di siya nagpahuli, sumigaw pa "Sabihin mo kay Donny hinatid kita, baka magalit sa akin pag di kita hinatid e!" Sabay tumawa yung kumag.
Nakadating na ako sa room, at sakto dumating nadin yung prof. Aral aral aral nanaman kami.
••••••••
4:00pm na, uwian ko na. Uuwi na sana ako ng, tumawag si Miles.
"Besh! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." Bungad niya agad sa pagsagot ko sa call niya. "Ay besh? Wala munang bati? Derecho ganyan na?" Tatawa tawa kong sabi. "Tignan natin kung makatawa ka pa pag narinig mo yung ibabalita ko sayo." Medyo kinabahan naman ako, kaya di na ako nagsalita at hinintay ko na lang yung susunod niyang sasabihin.
"Besh, andito na siya." Kahit wala siyang banggitin na pangalan. Isang pangalan ng tao lang ang pumapasok sa isip ko. "Kelan pa?" Pagkatapos ng ilang minuto nakasagot at nakarecover naman ako.
"Hindi ko alam, sinabi lang din sa akin ni Alex. Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Puno ng pag aalala na tanong sa akin ni Miles. "Oo naman besh, okay lang ako haha anokaba. Osige, kita na lang tayo sa dorm ah. Uwi na ako." Binaba ko na yung tawag at naglakad na pauwi.
Habang naglalakad ako, may nakita akong ice cream kaya bumili ako. Pampalamig ng pakiramdam. May nadaanan akong park, at umupo muna sa swing.
Pumikit ako at naalala ko na naman ang lahat.
June 7, 2016
Nandito ako ngayon sa school namin, hinihintay ko sina Miles, Sunny, Jairus, Alex and yung iba pa naming friends. Ang tagal nila, andito na ako sa may canteen."Oh, ang tagal niyo naman. Akala ko aabutin pa kayo ng pasko bago makarating dito." Sabi ko kayla Miles at Sunny. Tas ang weird kasi nakangiti lang sila. "Oh, bat nakangiti lang kayo? Asan sina Jai?" Takang tanong ko sila.
Saktong pagtanong ko may tumugtog sa likod ko Harana. Pagtalikod ko, andun sina Jai, Alex at yung iba pa. Napangiti ako ng lalo nung binigyan ako ni Jai ng flowers. Si Jairus ang kaunaunahang lalaking minahal ko ng ganito, bukod sa daddy ko. Pinaramdam niya sa akin, ang kilig na di ko pa nararanasan. Ang saya na siya lang ang nagbigay. Ang pagmamahal na sa kanya ko pa lang nararanasan.
"Shar, Babe. Will you be my girlfriend?" Naiiyak kaming pareho at shempre umoo ako. At yung mga dakila naming kaibigan ay ayun sobrang saya. Mas masaya pa nga ata kesa sa amin e.
"Tara! Icelebrate natin yan!" Sigaw ni Alex. "Tara! Sinagot nadin ako ng pinakamahal ko na babae." Sabay hawak sa kamay ko si Jai. Hays, nakakakilig!
Sana nga laging nakakakilig, kaso hindi. Dumating yung time na, hindi na ako yung "pinakamamahal kong babae". Sinaktan. Niloko. Pinagpalit.
August 5, 2017
Akalain mo yun lagpas na kami ng isang taon. Pero yung isang taon na yun, mas lamang pa yung away kesa lambingan. Lalo na nitong taon na to, simula pa lang ng taon na to iba na yung pakikitungo niya."Besh, lagi na lang kami nag aaway ni Jai. Kahit maliliit na bagay, pinagaawayan namin." Kwento ko kayla Miles at Sunny, nandito kami ngayon sa Trueblends. Tambayan kasi namin dito. Uminom ako ng milktea ko ng biglang sumigaw si Miles "AAAAAAH!!!!!"
"Oh bakit? Anong nangyari?!" Sigaw ni Sunny. Tahimik saglit si Miles, at may tinignan lang sinundan namin ng tingin ni Sunny yung tingin ni Miles. Ang laking gulat ko makita si Jairus may kayakapan na ibang babae.
"Besh, tara! Sugurin natin!" Nangigigil na sabi ni Sunny. "Tara, ng makatikim ng suntok sa noo yang si Jai. Akala mo pogi ang loko!" Tumayo na sina Miles, pero ako nakaupo at tulala lamang. "Besh?" Tawag nilang pareho, pero para akong walang narinig at dere derechong tumayo at pumunta kung asan si Jai at ang kanyang babae.
"Mukhang ang saya saya mo dyan babe?" Asar kong sabi sa kanya, nagulat siya pati yung kasama niya. "Shar, anong ginagawa mo dito?" Tarantang tanong niya, habang sinusubukan akong hawakan sa kamay. "Shar, let me explain." Sinampal ko siya agad. "Jai, wala tayo sa pelikula. Anong let me explain? Tanga! Wala ka ng ieexplain, kasi kitang kita ng dalawang mata ko kung paano mo ako niloko. Ano jai? Sawa kana? Mas maganda ba siya? Ano?! Bat kailangan mong gawin to? Kung di mo na ako mahal sana sinabi mo, hindi yung ganito." Sabi ko ng naiiyak na ako, at umalis na. Sinusubukan niyang hawakan ako pero tinatabig ko "Shar please. Pakinggan mo naman ako." May pa iyak iyak pa yung mokong. Paalis na kaming tatlo ng magsalita yung babae niyang kasama.
"Hay nako Jai! Hayaan mo na siya, at least matutuloy na natin ang ating pagmamahal." Napantig yung tenga naming tatlo pero naunahan ako ni Miles. Sinampal niya agad yung babae "Hoy ikaw! Akala mo kung sino kang maganda? Iyong iyo na yan si Jai, isaksak mo sa fake mong boobs! At yang make up mo, medyo pakapalan mo pa dahil mukhang kulang pa!" Akala ko aawatin siya ni Sunny pero "Akala mo kung sinong maganda, para ka lang namang dumi ko sa kuko! Magsama kayong dalawa, di kayo kawalan ng best friend namin." Umalis na kami pag katapos niyang sabihin yon.
Sa kotse ni Sunny, walang nagsasalita. Di ko napigilan, umiyak na ako. Ang sakit lang kasi. "Hayaan mo siya besh. Hindi siya kawalan. Pagsisisihan niya yan." Comfort ni Miles. "Daming lalaking naghahabol sayo beshy, dadating din yung tamang lalaki para sayo. Right timing!" Sabi naman ni Sunny.
Dahil sa nangyaring yon, wala na ako ulit pinayagang manligaw sa akin. Natatakot ako na baka gawin lang nila ulit sa akin yung ginawa ni Jai. Sinubukan akong kausapin ni Jai, nagmakaawa at iba pa. Pero hindi ko pinagbigyan, dahil habang ganon siya, iba't ibang babae naman yung inuuwi niya sakanila.
Ang tagal na namin hindi nagkita, dahil ang alam ko umalis din siya sa bansa. September na ng 2018, eh umalis siya October last year. So matagal tagal na din talaga. Natigil yung pag mumuni ko ng,
"Shar?"
—————————————————
Chap 5 done! 5+ votes for Chap 6 :)
YOU ARE READING
Right Timing
Teen FictionAng tadhana ay minsan mapaglaro, minsan kakampi minsan kalaban. Ang tanong, dapat mo bang pasalamatan o dapat mo bang kainisan?