One Shot Stories

210 4 3
                                    

I GOT ZERO

"Kung sino ang pinakamababa sa test kailangang i'Date si Jasmine for one week!"

Yan ang salitang narinig ko bago pa ako makapasok sa loob ng classroom...

Narinig ko na naman ang pangalan ko kung saan laging nababanggit pagdating sa mga mapantrip kong kaklase. Paano kasi NAPAKA tahimik ko.

Napagkakamalan na nga akong Pipi ng mga kaklase ko eh.

Or WORST hindi nila alam ang EXISTENCE ko sa loob ng classroom.

Narinig ko lahat ng pinagusapan nila. Na kung sino man ang makakuha ng pinakamababang score sa test mamaya ay KAILANGANG IDATE ako.

Hahayaan ko na lang sila. Tutal, wala din naman akong magagawa kung umangal ako diba? TULOY at TULOY pa din sila sa plano nila.

KINABUKASAN....

"Jasmine!"

Narinig kong may tumawag sa likod ko. First time na may tumawag sa pangalan ko. Kung hindi 'Hoy' ang pang tawag nila sa akin. Sinisitsitan lang nila ako.

Kaya naman nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko.

Nilingon ko kung sino yung tumawag sa akin.

"Idadate mo ako sa ayaw at sa gusto mo!"

Si JAMES O__________O

SIYA???????

SIYA ANG MAKAKADATE KO?!!!

Hindi ako makakibo ng malaman kong si James ang makakadate ko.

Siya kasi yung matagal ko ng ultimate crush. Pero alam ko namang IMPOSIBLENG magustuhan niya din ako.

Dahil sa unang-una HINDI niya alam ang existence ko. Sikat siya. Gwapo. 

Ang problema nga lang. BAD BOY image ang meron siya. Takot lahat sa kanya. Pwera lang yung mga babaeng linta na dumidikit sa kanya. 

Pero ano pa ngang magagawa ko? MAKIKISAKAY na lang ako sa 'DATE' kuno nila. Dahil wala namang masama magtry diba? Tutal ayoko ng palampasin ang mga ganitong pagkakataon. Kahit alam kong..

PUSTAHAN LANG ANG LAHAT..

Hindi ko napansin na uwian na pala. Paano, masyado yata akong tutok na tutok sa lesson. Isa na din yata 'to kung bakit ako nilalayuan ng mga kaklase ko. Dahil NERD ako -____- 

Lumabas ako ng classroom at saka dumiretso sa locker para iwan yung mga libro ko. 

Pagkatapos 'nun ready na akong umuwi. 

"HOY! Sino nag sabi sayong umuwi kang magisa! May girlfriend bang iniiwan ang boyfriend?!" 

Nagulat ako ng narinig ko na naman ang boses ni James.

Oo nga pala. BOYFRIEND ko na pala siya. Bawal ang HUMINDI kaya sa ayaw at sa gusto ko. Magiging boyfriend ko siya. 

"Akin na nga yang bag mo!" 

"Hindi ako na lang, kaya ko naman eh." 

"Ang kulit mo din 'no!" 

Hinablot niya yung bag ko at saka naunang maglakad.

 KINILIG ako sa ginawa niya >//////<

Hindi ko naman kayang hindi kiligin dahil sa matagal ko na nga siyang gusto. 

Tahimik lang kami habang naglalakad. Gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang tanungin kaso kusang umuurong yung dila ko. Kaya ang ginawa ko, tinitigan ko na lang siya. 

One Shot Stories (Updated: Prankster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon