"Hey sleepy head! Wake up, we're here."
I slowly opened my eyes and adjusted my sight with the strong rays from the sun. And after I finally got my clearest vision, I saw a smile from a very annoying brother, an evil smile, specifically.
"Tulog mantika ka parin!" sabi ni kuya sabay gulo sa buhok ko. Katabi ko sya dito sa backseat nang sasakyan at ang lapit lapit niya sa akin.
"Kuya! How many times do I have to tell you? Not my hair, please!" reklamo ko sa kanya. Tinaasan niya akong kilay kaya na napanguso ako.
"Then, saan ba dapat? Dito ba?"
Sinundot niya yung tagiliran ko kaya napaiktad ako sa kiliti nun.
"Kuyaa!" I squirmed.
Di pa rin niya ako tinigilan sa pagkikiliti sa akin kaya di ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman. Natatawa ako na naiiyak. Habang sya tawa ng tawa sa nagiging reaksiyon ko. Pati si Papa na nagdadrive papasok sa school ko at si mama na katabi nito.
"Trevor, tama na yan. Naiiyak na ang kapatid mo oh." ani mama na nakangisi habang nakatingin sa rear view mirror.
Tinigilan naman ako ni kuya pero panay pa rin ang hagikhik nito.
Papa cleared his throat kaya natahimik kami bigla sa kotse.
"Your allowance for this week is already in your atm card Aria. Sabihin mo lang if may kailangan ka pa." sabi ni papa habang iniikot ang manibela para makapark.
I nodded to him and smiled.
"Dadagdagan ko din yun Aria. Maybe this afternoon. I'll just ask my secretary to do it. Okay?" pabida ni Kuya Trevor.
Vice President si Kuya Trevor sa kompanya namin and ofcourse si papa ang Presidente. Ewan ko ba kung bakit di niya ginagamit ang sasakyan niya at sumasabay lang siya sa amin palagi.
"Thanks Pa. Thank you Kuya"
Di na ako tiningnan ni Kuya dahil abala ito sa pagkulikot nang cellphone niya.
"Bye Hija. Text ka lang if magpapasundo ka na." sabi ni mama.
I bid my goodbyes to them and kissed them on their cheeks tsaka bumaba sa sasakyan. Hinintay ko munang makaalis ito bago naglakad patungo sa classroom ko. Late na ako nang 8 minutes pero chill pa rin ako sa paglalakad tutal late din naman pumapasok si Sir Erick, English teacher ko tsaka adviser na din.
Pumanhik muna ako sa Canteen para bumili nang pagkain. Di kasi ako nakontento sa breakfast ko kanina kasi late na akong nagising kaya nagmamadali lang akong kumain. Nakakahiya naman kina papa kasi tapos na silang lahat, ako nalang hinihintay.
Bumili ako nang burger at isang bottled water. Tsaka sinamahan ko na din ang chips and candies.
"Dela Vega!" muntik ko nang mabitawan yung sukli na binibigay nang tindera dahil sa may biglang sumigaw sa apelyido ko.
Nilingon ko yun at nakita ko si Sir Erick na nakatayo sa likuran ko. Meron ding mga estudyanteng napapalingon sa amin.
"Sir?" mahinang tanong ko. Maang maangan ako kahit alam ko kung bakit ako tinawag.
"Late ka na nga't may oras ka pang pumarito sa canteen."
"Nakapasok na po ba kayo sa room, sir?" tanong ko sa kanya.
Klaro ang pagkabigla nito dahil galing sa pagkahawak niya sa magkabilang bewang niya ay mabilis nya itong naibaba at tumingin sa nakapalibot. Tsaka tumingin sa akin na nakakunot na noo.
Don't me! Late ka rin for sure.
"What do you mean? Syempre 15 minutes na mula nang first bell." bulong niya na may katigasan.
Eh ba't ka nandito? Susko.
"Sorry po sir kung late ako. Pupunta na po ako sa classroom ko." tumungo ako tsaka nagsimulang maglakad.
Di ko na hinintay na sumabat pa siya. Wala din naman siyang say kasi nakikipagclose yan sa akin para makalapit sa Kuya Trevor ko. Nako naman. Pero mabuti na din kasi may special treatment ako mula sa kanya.
Pagdating ko second floor kung na saan ang classroom ko, nakasalubong ko ang kaklase kong si Ryan. Nilampasan nya lang at mukhang di niya ako napapansin kasi nagmamadali at nakatungo itong naglalakad. Kahit kailan talaga.
"Oy Rai!" sigaw ko.
Mabilis itong napaharap sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din naman ito at naglakad palapit sa akin.
Hinablot nya yung palapulsuhan ko at hinatak pabalik sa dinaraanan ko kanina."Teka, saan tayo pupunta? Late na-" putol kong sabi dahil humarap ito bigla sa akin.
"Nandun sila sa computer laboratory kasi may taga ibang school na magpepresent nang outputs nila. Hindi ko lang alam kong ano yun basta pinapupunta tayo dun. And you're right. We're late. Kaya walk faster." pagkatapos nitong magsalita ay kusa na iting tumalikod at naglakad ulit.
Computer Lab? Eh bat sabi ni Sir Erick? Ito talagang baklang to!
Malalaki ang hakbang ni Ryan kaya kailangan ko pang takbuhin ang distansya namin para maabutan ko sya. Nang nasa gilid niya na ako ay hinawakan nya ulit yung kamay ko at sabay kaming nagtungo sa kabilang building.
Kahit sa pagmamadali ko ay napupuna ko pa rin ang paghahawak kamay namin ni Ryan. Pero parang wala lang sa kanya yun kaya di ko na din binawi ang kamay ko. Pero medyo kinikilig na din ako kasi crush ko si Ryan simula Grade 9 kami hanggang ngayong nasa Grade 12 na kami.
Tinted ang glass windows kaya di namin makita ang nangyayari sa loob kaya dahan dahang binuksan ni Ryan ang pinto para siguro hindi makaistorbo. Pero tingin ko nakita na nila kami sa labas pa dahil nang pagpasok namin nakapameywang na ang aming Principal.
Nagkatinginan kami ni Ryan. Mabilis din akong tumingin sa paa ko dahil masyadong nakakahiya.
"Good Morning, ma'am" magalang na tugon ni Ryan. Ginalaw nya din yung kamay namin kaya napatingin ako sa kanya. Isenenyas nya sa akin ang principal kaya nakuha ko din ang gusto nyang sabihin.
"Good morning po ma'am"
Tumango ito pero napakaistrikta pa rin ang tingin nito sa min. Sa akin. Bumaba ang mata nito sa maglahawak naming kamay ni Ryan tsaka tumikhim.
Mabilis naming pinaghiwalay ang kamay namin ni Ryan at sobrang nag iinit ang pisngi ko sa nangyari.
Nakarinig ako nang bungisngisan at hagikgihikan sa paligid kaya iginala ko ang paningin ko sa kanila. Nandon ang mga kaklase kong nanunukso, sa gilid naman ay ang barkada kong pinoporma pa ang kanilang kamay nang hugis puso. Damn.
Meron ding mga hindi pamilyar na mukha. At iba din ang mga uniporme nila. Nakadark blue na skirt at puting polo yung mga babae habang itim na slacks at dark blue naman na polo ang mga lalaki.
Wait.
Taga Westville Academy to ah. Hindi kaya....
Iginala ko pa ang mga mata ko at natigil ito sa isang lalaking prenteng nakaupo sa may harapan. Nakatingin ito sa akin nang walang halong emosyon.
He's staring at me with that hawk like eyes while his lips is on thin line and his jaw is slightly clenched.
I finally saw him. For the first time.
I flashed my sexiest smile to him. Then I immediately looked away.Fuck you Brexile Clivert Montereal!