✨Chapter Three✨

7 2 2
                                    

Caspian's PoV

Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi ngayon, at medyo traffic. 

Time check: 8:30

Buti na lang at wala si mommy sa bahay kaya isa lang ang magsesermon sa akin. 'Yon ay ang aking pinaka mamahal na kapatid  si max. Insert sarcasm.

At oo. Kasama ko ang walang iba,  kung hindi ang pinaka kinababaliwan---no, scratch that.  Ang pinaka kinamamatayan ng mga babae sa school. Ang lakas kasi nung Clay na 'yon.

Halos mamura ko na yon sa isip ko, lalo na ngayong nababalot kami ng katahimikan dahil walang may gustong makipagusap. Pasalamat sila mabait ako.

"Bakit ka pumayag?" muntik na kong mapatalon ng nagtanong sya out of nowhere habang nakatingin sa labas.

Tumahimik muna ako bago sumagot ng, "Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang?"

"Why would I?" hindi sya ngumisi.  Ganon pa rin ang ekspresyon nya pero kita sa mata ang kakaunting pangaasar. 

Hindi ko na lang sya sinagot at nagfocus sa pagmamaneho. Kasi, Why would I? 

Ayoko namang pagurin ang sarili ko sa pakikipagsagutan dito.  Kahit ako hindi ko maintindihan sarili ko. Bakit nga ba?

Nakarating din kami maya maya sa bahay namin.

"Dyan ka muna at wag kang aalis.  I'll  just check if what Troit said is true," Sabi ko at bumaba na ng kotse.

Pag bukas ko ng pinto ay si Max ang bumungad sakin.  "Ate!"

"Oh? Bakit gising ka pa? Kumain ka na ba? Yung mga assignments mo nagawa mo na? Sinong tumulong sayo? Si mommy?" inunahan ko na sya sa pagtatanong. 

"Isa isa lang ate, mahina kalaban.  Gising pa po ako, kasi hinihintay kita." pinanlakihan nya ko ng onti.  "Yes, kumain na ako kanina pa,  sarap nga ng ulam eh. Math lang assignment ko at walang tumulong kahit mahirap. Tsaka nasa Korea sila Mom diba?"

Napatango na lang ako sa kanya. 

"Ah, okay.  Si Yaya Alivia? Kamo paki handa yung first aid kit." agad din syang nagtaka. 

"First aid kit? Bakit? Anong gagawin mo dun?" napaisip muna ako ng isasagot sa kanya. 

"May napulot kasi akong halimaw. May sugat sya kaya kailangan nyang magamot. Baka sakaling bumait." kindat ko sa kanya. Tumaas naman yung kilay nya. 

"May halimaw bang kinababaliwan sa school?" biglang may sumabat na lalaking sumulpot sa likod ko.

Napabuntong hininga ako at mabilisang hinarap uli ang kapatid ko. 

"Max, bilisan mo na gawin mo na yung pinapagawa ko!" pagpapalayas ko kay Max.

I looked back and said, "Oo, at ikaw yon. Atsaka, di ka ba marunong umintindi? Sabi ko maghintay ka sa kotse diba?"

"You were taking too long, not to mention you turned off the engine. Did you want me to die? " Emotionless pa rin sya habang nagsasalita at iniinspeksyon ang bahay.

"O.A" bulong ko na lang sa sarili ko.

"Ma'am Iana," napalingon ako ka agad ng may tumawag sakin. Si Yaya Christy. Kanina papala ko dito sa pintuan.

"Yaya, sabi ko sa inyo Iana na lang po itawag nyo sakin."

"Sinusunod ko lang po ang utos ng Tito Xander nyo," napahalukipkip na lang ako sabay napairap sa hangin.

"Tsaka Ma'am Iana, ito na po yung first aid kit." inabot nya na sakin yung kit at tinanong sya uli. 

"Si Yaya Alivia po?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon