Chapter 41 (Power)

532 23 0
                                    

Chapter 41

Power

We all have ways to define love.Some would say love is blind.Love is kind.It does not boast.You can refer to Corinthians 13 to find it out.

But as of that moment,as I lay boring my eyes through the ceiling.Love,is insane.

Ang pag-ibig,ay parang isang   alak.Isang  alak na kapag ininom mo ay malakas ang tama.Iyong lasing ka agad.

Feeling love is like being drunk.It makes you say hilarious stuff and makes you do extreme acts.And what's funny is that ,you, are fully aware of what have you been doing.But the will to stop is gone.

I looked at the woman lying beside me.Nakatalikod siya at ang hubad na likuran lang ang aking nakikita.Kalahati ng katawan niya ay natatakpan ng kumot.She seemed sound asleep,in the beginning.But if you would take a better look,mapapansin mo ang bahagyang pag-uga ng kanyang balikat.Maririnig mo rin ang  mahinang pagsinghot.She's fucking hurt.And I couldn't imagine what kind of jerk I was.I didn't feel any guilt doing it with her.But I should have stopped myself.I should have said no.Ngunit wala akong ginawa kundi magpatiayon at nagpakalango sa aking damdamin.

Hindi ko man lang inisip kung anong mararamdaman niya matapos nito.Not physically,but emotionally.

I tried to touch her bare back,but I hesitated.Not that I don't want to touch her.It's just that feeling of being sorry for being a jerk,combined with the urge to still pursue her.

Ewan! Hindi ko na maintindihan.Sa tuwing iisipin kong matatapos na ang lahat sa amin ni Rhum ay dinudurog ang dibdib ko.Kapag naiisip ko iyong mga araw na magkasama kami sa bahay na ito,kapag naalala ko iyong mga panahong nagluluto kaming dalawa sa kusina niya,iyong inaabot kami ng hatinggabi sa pagmomovie marathon,kapag binabato niya ng biro ang mga pang-aasar ko,iyong hindi maubos na nonsense topics,late night phone calls,early morning text,napapangiti ako habang isa-isang nadudurog ang parte ng aking puso.

Kaso,kapag naalala ko ang umiiyak na mukha ni Cea,habang nakayapak at nakatayo sa gitna ng kusina sa aking condo,habang sinasabi ang mga katagang,"buntis ako",inaatake ako ng guilt.

My love for Rhum felt the rightest but leaving Cea would be the most wrong thing to do.

It's funny to think that while I'm in this dilemma, the song 'Torn Between Two Lovers' was playing on the background.Lakas ko maka-OST.Ngunit dahil hindi naman lahat sa buhay ay comedy,walang ganun.

Truth is,habang iniisip ko ang mga bagay na ito,padalas nang padalas ang pagsinghot ni Rhum at mas nagiging audible ang hikbi niya.Nothing's worst than that.Torture!

But I really think I deserve it.

Nahinto lang ang pag-iisip ko nang bumangon si Rhum,binalot ang hubad niyang katawan ng kumot at naglakad patungong banyo.Tinitigan ko ang nakapinid na pinto.I stayed like that until she came out.Nakadamit na siya nang lumabas habang hawak ang ginamit niyang kumot.

Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama habang siya ay naglakad papalapit.Sinubukan kong hulihin ang kanyang mata ngunit bigo ako.She doesn't have even one inch of intention to look at me.Mukhang sinadya niyang itabon ang buhok sa mukha.She stopped amidst her trance and looked onto something.Binase ko iyon sa direksyon ng ulo niya.Sinundan ko iyon at narealize kong sa kama siya nakatingin.Doon sa mantsang nagpapatunay ng pangyayari.

Napatingala ako mula sa pagkakatitig doon nang may puting kumot na tumakip sa mantsa.Umupo si Rhum sa kama at sumandal din sa headboard.We stayed like that for God knows how many minutes without anyone talking.We're both drowned in our own thoughts.

"Hindi ka pa ba niya hinahanap?," tanong ni Rhum matapos ang mahabang katahimikan.Hindi ko alam kung may iba pa ba siyang pinapahulugan pero iba ang dating sa akin ng tanong niya.Para bang itinataboy niya na ako.

Matagal bago ako nakasagot.Ano nga bang maisasagot mo sa isang taong itinataboy ka? No one would ever say thanks to that. And answering it with either yes or no would just add insult to the wound.

She's already hurt,man!

Out of nowhere,tila ba nagkaroon ng sariling buhay ang bibig ko.Yumuko ako at bigla na lang nag-sorry.

"For what?," walang gana niyang tanong.

"For...for everything," mahina kong sagot.

I sense her smile.A bitter one.Sinundan iyon ng mahinang tawa.Iyong tipong may kasamang buntong-hininga.

"Don't act as if I'm a victim.Parehas naman nating ginusto 'to," she heaved a sigh. "And we both know,it's wrong from the very start," her voice lower this time.

But I love you!

Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya.Kaso lalo lang madadagdagan ang mali.Lalo ko lang siyang sasaktan.

I did attempt to correct everything.That vacation to Greece was supposed to be my way of pacifying Cea.Inuunahan ko nang pakalmahin ang kung anumang mararamdaman niya sa oras na sabihin ko sa kanya ang totoong namamagitan sa amin ni Rhum.

But then,even if the vacation wasn't over yet,she dropped the bomb.

And now I'm torned.Between a love once again found and a baby that will make me and Cea a family.

Iyon naman kasi ang plano sa simula pa lang,diba? Magpapakasal kami at bubuo ng  isang pamilya.Only if she didn't chose Rhum to be the coordinator,everything that's been planned must have been followed.

At some point,I wanted to blame Cea.Kung sana nagtiwala siya sa akin at hindi na kinuha si Rhum.Kung sana ay hindi niya ipinagpipilitang may nararamdaman pa ako kay Rhum ay sana walang problemang ganito!

Pero sinong niloko ko?I brought this upon myself.If my love for Cea was strong,then I should have been able to stop myself from falling once again to Rhum.Kung sana'y hindi ako nagpadala sa paratang niya ay sana okay kami.

And Rhum wouldn't have to be in this picture.

And thinking about that last thought,just broke me into pieces again.

And that's what happened to me everyday.

That night,I chose not to end things between us.I've decided to tell Cea everything and just support the baby.At ginawa ko iyon.Puta! Itinapon ko ang konsensya ko habang lumuluhod si Cea sa harapan ko at nagmamakaawa.Nagmatigas ako.

Kasi mas hindi ko na kayang wala si Rhum sa buhay ko.

Isang araw lang iyon.Tinapos ko ang lahat.Nang matapos ko ang lahat sa amin ni Cea,dali-dali akong tumakbo pabalik kay Rhum.Para sabihin sa kanyang siya...siya ang pinili ko.Siya ang gusto kong makasama habang-buhay.Siya ang gusto kong makasama sa pagtanda.Siya ang magiging nanay ng mga anak ko at lola ng mga apo ko.Siya rin ang magiging mortal na karibal ni mommy sa akin at siya ang magiging tiyahin ng mga pamangkin ko.

Pero tangina.Sa isang araw na iyon,iniwan niya ako agad.Wala man lang pasabi.Basta na lang siyang nawala.Pinuntahan ko siya sa bahay nila sa Cavite pero sarado ang bibig ng magulang niya.Ni mga kaibigan namin ay walang alam kung nasaan siya.Nalaman kong nagleave rin siya sa trabaho.Walang alam ang mga katrabaho niya kung saan siya.Magbabakasyon daw.

Okay! Maybe she needed some breather.I gave it to her.Iyong isang araw ay nadagdagan hanggang sa nag-isang buwan.Wala pa ring Rhum na nagpapakita.

And once again,I begged to her parents to tell me her whereabouts.

"Dinig ko ikakasal ka na,bakit mo pa hinahabol ang anak ko?Kung may utak ka siguro naman ay alam mo nang ayaw ka nang makita ng anak ko.Hindi na nga nagpapakita sa'yo,diba?," those bile words came out of her mother's mouth.

Still I waited.For another month.Wala pa ring pag-asa.Kulelat pa rin.Another month went by.Bokya pa rin.

Cea's baby bump started showing and she took a leave from work.Hopes of seeing Rhum was diminishing.Mukha ngang nakapagdesisyon na siya.

Ganoon naman parati.Pagdating kay Rhum,ako ang talo.Kahit dati naman,kailan niya ba ako pinaglaban? Sa relasyon namin,ako ang parating nasa ibaba.Nasa kanya lahat ng kapangyarihan kung ititake na ba namin ang next level o hihinto na kami.Noon man o ngayon.Walang pinagbago.Rhum still has the power to shatter me into million pieces.

Himala na lang siguro kung darating ang araw na ipaglalaban niya ako.

Iyon ay,kung may pagkakataon pa.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon