CHAPTER 24
It's been 4 months since I started living here in Spain. At ang masasabi ko lang, nakalimutan ko na si Suga simula nung tumira ako dito.
But I guess, nakalimutan ko si Suga simula nung naging kami ni Seulgi.
I waved my hand when I saw Seulgi. We're celebrating our 2nd monthsary today. Agad akong napangiti nung lumapit sya sakin para halikan ako.
"Sorry love, na-traffic ako. May aksidente kasing nangyari kaya biglang nagkaroon ng traffic. Kanina ka pa ba nandito?" Tanong ni Seulgi. Tumayo ako para ipaghila sya ng upuan bago sya umupo.
Umiling ako saka umupo sa upuan ko, "Nope. Kakarating ko lang rin." I lied. Halos isang oras na rin ako dito sa restaurant pero ayokong isipin ni Seulgi yun kaya nagsinungaling na lang ako.
May lumapit samin na waiter, "Cuál es su orden, señora y señor?" Tanong ni waiter.
"Queremos suquet de peix, escalivada y crema catalana." I said. Tapos na nya kunin yung order ko kaya umalis na sya.
Hinawakan ni Seulgi yung buhok ko habang nakangiti, "Nag-ayos ka ba? Hindi messy yung buhok mo ngayon ah."
"Ofcourse. This is a special day for us, kailangan kong magpapogi. Did you like it, love?" I asked.
Nung naging kami ni Seulgi, gusto daw nya na love yung maging endearment naming dalawa. Ayoko nung una dahil si Suga lang yung tinatawag kong love pero nasanay na rin ako. Sabi kasi ni Seulgi, mas makakalimutan ko si Suga kung may iba na akong tinatawag na love.
"No." Sabi ni Seulgi kaya bigla akong nalungkot. Ayaw nya na mag-ayos ako ng buhok?
"Ayaw mo? Teka guguluhin ko lang." Guguluhin ko na sana nung hinawakan ni Seulgi yung kamay ko.
"I love it." Sabi nya kaya napangiti ako. Dalawang buwan na kami pero kinikilig pa rin ako kapag ginagawa sakin ni Seulgi to.
"Halika nga dito." Sabi ko. Lumapit sakin si Seulgi kaya hinalikan ko sya. Peck lang naman yun dahil masyadong maraming tao sa restaurant. Baka ireklamo pa kami.
"Hokage ka talaga." Sabi ni Seulgi habang nakahawak sa labi nya.
"Sayo lang naman."
Dumating na yung pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain. Naalala ko bigla na uuwi na rin pala kami ng Pilipinas next week. Hindi pa alam ng mga kaibigan ko na kami na ni Seulgi. Hindi ko alam kung ano yung magiging reaksyon nila pero kung ayaw nila kay Seulgi, wala na akong magagawa.
"Oh, right." Sabi ni Seulgi saka nagpunas ng labi. Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang may kinukuha sa bag nya.
May nilabas syang bracelet. Hinawakan nya yung kamay ko at hinatak yun palapit sa kanya, "Here's my gift for you." Sabi nya saka nilagay yung bracelet sa braso ko. Tinaas nya yung right hand nya at nakita ko yung bracelet.
"Couple bracelet?" Tanong ko habang tinitignan yung bracelet. Ang ganda. Kulay black yung bracelet tapos may half heart sya. Na kay Seulgi yung kalahating puso.
"I also have a gift for you." I said. Nilabas ko yung queen crown ring. Suot ko na sa daliri ko yung king crown ring.
Nagulat naman si Seulgi sa nakita nya kaya natuwa ako. Sigurado akong nagustuhan nya yung regalo ko sa kanya, "Because you're my queen." I said, "Happy Monthsary, love."
"Happy Monthsary too, love. I love you." Seulgi said and kissed me.
I smiled.
I like Seulgi... a lot. But I can't say that I love her too because love is a big word for me. But she's important to me and I'm happy that she's mine regardless of what they say to her.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
Fiksi PenggemarIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]