Chapter 7

1K 104 23
                                    






Oath Of Love
Written by Yuan


Kabanata 7


"Ang gwapo ng anak ni Mayor 'no, te? At mukhang masarap din. Ay nako talaga! Pag niligawan niya 'ko, wala nang patumpik-tumpik pa. Go na!"

Saad na naman ni Dora na para bang kala mo ay walang ginagawa. Kilig na kilig na naman siyang inaalala ýung anak ni Mayor na bastos at walang modo.

Hay nako, Dora! Kung alam mo lang kung gaano kabastos at walang modo 'yung lalaking 'yun.

Saad naman ng konsensya ko nang maalala ko ang pambabastos sa akin ng lalaking 'yun.

"Jusko, Dora. Tigilan mo na 'yang kaharutan mo. Magtrabaho ka na nga dyan at baka makita ka pa ni Aling Mercedes na tsumitsismis at baka mapagalitan ka na naman." Iritang sagot ko naman habang nagsasalansan ng bawang at sibuyas.

"Hay nako, te. Hindi ako natatakot kay Aling Mercedes. Wag kang KJ. Nangangarap ako ng gising dito, e. Masyado kang kontra sa pag-iimagine ko. Tse!" Pasinghal niya namang tugon sa akin sabay umirap pa nga ang loka-loka.

Talaga 'tong babaeng 'to. Lagi nalang ganyan. Hindi talaga makukumpleto ang araw ko na walang tsismis at kaharutan ni Dora. Pasalamat talaga siya at may pinuntahan lang saglit si Aling Mercedes kundi lagot na naman siya.

Habang nagsasalansan ako ng mga gulay na paninda ay napalingon ako sa kanan ko.

Hindi ko inaasahang si Miguel ang makikita ko...

Nataranta ako at dali-daling tumakbo sa loob ng pwesto at nagtago sa ilalim. Halos mabunggo ko na nga 'yung mga sako sa sobrang pagmamadali ko.

"Dora, kapag hinanap ako ni Miguel dito sabihin mo sa kanya na wala ako." Nagmamadali kong pakisuyo sa kanya na akala mo'y nakadepende rito ang buhay ko.

"Oh, te bakit ka magtatago?" Pagtataka niya habang nakakunot pa ang noo.

"Basta. Dora, Sige na. Sabihin mo nalang na wala ako rito."

Hindi na nag-usisa pa si Dora pero alam ko ang tumatakbo sa isip niya. Panigurado namang uusisain niya ako mamaya pagkaalis ni Miguel.

"Oo sige na nga." Aniya na napakamot pa sa ulo at nakanguso na halatang napilitan lang.

Naisip kong iwasan si Miguel simula nung sabihin niya sa akin na may girlfriend na siya. Hindi naman kasi tama na palagi niya akong nakakasama.

Iba na kasi ngayon, hindi na kami 'yung basta-basta magkababata lang. Ayokong dumating sa punto na malaman ng girlfriend niya na ako palagi ang nakakasama niya dito sa probinsya at pag-isipan ako ng masama.

Ayoko na may masabi sa akin ang ibang tao.

Habang nasa ilalim ako at nagtatago kasama ang mga bilao, narinig kong binati ni Dora si Miguel.

Talagang nagiging energetic si Dora kapag may kaharap na gwapo, e.

"Hi, Miguel! Be't ke neperito?" Usisa ni Dora na tila kinikiliti sa tagiliran.

Napapangiwi-ngiwi pa ang bibig niya na akala mo mahinhin na dalaga.

"Ah, may bibilhin lang ako, Dora. Nasaan si Angela?"
Nakangiting tanong ni Miguel.

Bahagya ko kasing isinilip ang kanan kong mata upang masilayan ko siya kahit papaano. Ewan ko ba, kahit iniiwasan ko siya, may kung anong meron sa akin na gusto parin siyang makita.

"Ay wala siya, e. Hindi siya pumasok ngayong araw. Pero andito naman ako, Miguel. Ano bang bibilhin mo?"

May paghawi-hawi pa ng buhok itong si Dora habang sinasagot ang tanong ni Miguel. Nagpapa-cute pa talaga siya.

Oath of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon