CHAPTER 15

1.2K 37 5
                                    

Mika's POV 

After knowing the fact that she likes me, I don't know. hindi naman sa nagustuhan ko but somehow nakaramdam ako ng tuwa.. yep .. deep down natuwa ako. Pero nandun pa rin yung, nakokonsensya ako. 

Nakokonsensya in the sense na, hindi ko naman marereciprocate yung feelings nya for me. 

More of like, hindi ko naman pwedeng ireciprocate yung nararamdama nya para sa akin. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya. Although... argh! I don't know, bawal. Hindi pwede. Magiging komplikado ang lahat kapag inisip ko pa kung anong nararamdaman ko para kay Vic. 

Since last night hindi na namin pinag-usapan yung bagay na yun, hindi sya humingi ng kahit na anong sagot mula sakin dahil alam nya kung hanggang saan lang kami, that's what I like most about her, hindi nya ako pinepressure sa mga bagay bagay. Hindi ko kailangang sabihin yung mga bagay na hindi ko pa kayang sabihin. 

In short, hindi nya ako pinipilit sabihin yung mga bagay na hindi pa ako handa. Walang pilitan. Walang pressure. Hindi nya ako pinipilit sa mga bagay na hindi ko pa kayang ibigay. Ganon sya e, walang pilitin, kung ano lang yung kaya kong ibigay yun lang yung tatanggapin nya at hindi na sya maghahangad ng kahit ano pang higit doon. 

Unti-unti, habang nakikilala ko si Vic, mas lalo ko syang naappreciate. Sa totoo lamang, ayokong ientertain sa utak ko yung possibility na may nararamdaman na din ako para sa kanya, as much as possible kapag naiisip ko na sya at naikukumpara si Jim, pinipigilan ko ang aking sarili, sapagkat makikita ko lamang yung mga bagay na si Vic ang nakakapagbigay sa akin at hindi ang mapapangasawa ko. And by that hindi na lang si Jim ang niloloko ko kundi pati na rin ang sarili ko. 

Ayokong ientertain yung feelings ko para kay Vic kasi ayokong pati sarili ko ibetray ko. Kasi ayokong gawin yung bagay na iniiwasan ko, yung bagay na hindi pwede. 

Ang alam ko lang ngayon masaya ako. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong fulfillment, hindi ko alam kung anong ginagawa ni Vic para maramdaman ko to but that's the truth, wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi contentment. 

Ngayon ko lang naranasang matulog ng nakangiti dahil masaya ako, ngayon ko lang naramdaman yung freedom. Ngayon ko lang naramdamang magpakatotoo kasi alam kong hindi ko niloloko ang sarili ko. 

Wala namang extra special na ginagawa si Vic, sa totoo nga lamang, kung efforts at efforts, walang usap, si Jim ang panalo roon. Pero merong ibang bagay na nabibigay si Vic sa akin. Hindi ko alam yun pero yun na mismo ang note, kahit wala syang gawin pakiramdam ko extra special parati. 

I don't know. 

She's not the usual type. Kakaiba sya. 

Oo na. Ang unfair ko. Ang selfish ko. Ang sama ko. Iba ang mapapangasawa ko pero sa ibang tao ko din  nararamdaman yung bagay na dapat kay Jim ko maramdaman. Masisisi nyo ba ako? Masama bang maging makasarili kahit minsan? 

Nakatingin lamang ako sa natutulog na si Vic. Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko rin alam kung bakit ngayon ko lang nagawa ito, yung tititig ako sa isang tao habang tulog ito at mapapangiti na lamang ako kasi pakiramdam ko kontento ako. Ginagawa ko ito parati kay Jim subalit hindi ito nag-uukit ng ngiti sa labi ko. Basta ang alam ko lamang, ako ang pinakaswerteng tao sa mundo dahil si Jim ang tipo ng lalaking pangarap ng lahat ng babae subalit ako ang pinili nyang mahalin. 

Hindi ko maiwasang makonsenya habang nakatingin ako kay Vic, at muli papairalin ko ang pagiging selfish ko, gusto ko yung pakiramdam, gusto ko yung realidad na gusto nya ako, gusto ko yung pakiramdam na gusto nya na ako. 

Muli ay napangiti na naman ako. 

Pakiramdam ko ang swerte ko, at katulad ng sabi ko, papairalin ko ang pagiging selfish ko dahil gusto ko sa akin lang ganito si Vic. 

DOWN BY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon