The New CEO
Nagmamadali akong bumangon ng tumunog ang alarm clock ko.
Kailangan ko ng maggayak dahil naka-schedule ako ngayon for an interview sa isang kompanya sa Makati. I badly needed this job kung gusto ko ng mas malaking pera na kikitain. Though I have a job, which is a private tutoring, pero hindi talaga sasapat ang kinikita ko dahil sa sitwasyon namin ngayon ng nanay ko.
Mama is sick. Badly sick. Kaya ang gastusin namin ay abot abot na lang. She is confine now sa isang general hospital sa bayan. Gustong gusto ko man na ilagay siya sa isang pribadong hospital dahil mas maasikaso siya doon, wala naman akong magawa. Hindi sapat ang pera ko para tustusan pa kung sa pribado nga siya. Kaya nga naghanap ako ng trabahong sa tingin ko ay kikita ako ng mas malaki. Kailangan ko na makuha ang trabaho na ito para mailipat ko si mama sa mas magandang ospital.
Naligo na ako at nagbihis. A simple black pencil cut dress paired with a beige blazer. I'm glad I still have corporate dresses on my closet.
I put on a light make up and I'm ready to go. Nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay ng taxi.
Maaga akong nakarating sa scheduled interview ko. I saw the same receptionist na pinagpasahan ko ng resume ko the first time I went here. She gave me some papers and inform me to go in the 9th floor and there, I will find the office of the CEO.
I'm pursuing an office position since nasa linya ko naman iyon. I'm a graduate of Business Administration sa isang magandang kolehiyo sa probinsiya namin. I graduated with honors kaya naman kahit papaano alam kong makakakuha ako ng magandang trabaho.
Since the not-so-good incident na nangyari sa buhay ko, si mama na ang pinagkaabalahan ko. She got sick six months after my divorce. Yes, Im divorced.
After that incident nahirapan na akong bumangon. I prefer home based jobs and private tutoring kasi mas kritikal si mama noon. I need to be with her all the time. Ayoko naman i-asa sa ibang tao like kung kukuha ako ng katulong. But I didnt, kasi para sa akin mas mahalaga na hands on ako kay mama. Second thing is baka hindi ko rin kayanin ang pagpapasahod sa isang katulong kung meron man.
So after battling with mama's cancer for a year, mas naging okay na siya. But now unti-unting bumabalik ang symptoms kaya nasa hospital na naman siya.
I decided to take a risk. Kailangan ko ng kumuha ng ibang taong mag-aalaga kay mama so I can manage to get a job that will give us a better money. The last year had been hard for us financially. And yes, hollistically.
I really need to pass this job. This is the last interview. And ang mag-iinterview lang naman ay walang iba kundi ang CEO. Iyon daw kasi ang gusto nito. Lahat ng makakapasok dito is to be screened by him.
I immediately went in the 9th floor and saw that there is only one glass double door here. So ibig sabihin itong buong floor ay opisina lamang ng CEO? Wow! Ang laki ah. Ano naman kaya ang pinaggamitan ng space nitong CEO para ioccupy niya ang buong floor? Oh! It shouldn't matter me anymore. Ang mahalaga dapat sa akin ngayon ay ang makapasok ako sa kompanya na ito. Para kay mama!
BINABASA MO ANG
The Devil's Slave (On-hold)
General Fiction"I'll make you pay no matter what. In any means. In any way." ?story of Chelzmaine Suarez and Beau Montillan