Chizu’s POV
Nasa loob ako ng kwarto ko. Nakikinig sa ipod at malayo ang tingin. Kelan kaya babalik sa normal buhay ko? I am scared. But I don’t want to seem so weak. Ang palaban ng school? Takot?
Hindi.
Kaya gusto kong bumalik sa Yotsuka. Masakit man, pero kailangan kong gawin ito kasabay ang maraming pagbabago sa buhay ko. Kasama sa mga naiwan kong kaibigan. Nessi at Sophia. Pero sa papa kong napakaprotective, wala akong pag-asang makapasok uli hangga’t hindi nalalaman kung sino ang may gawa sa lahat ng mga nangyayari.
Di ko kailanman naisip na magiging ganito kami.
_____________________________________________________________________________
“Chizu!” bati sakin ni Nessi isang araw. Inakbayan niya ako at sumabay sa paglalakad. Papunta pa kami ng classroom.
“Hindi ka late ngayon ah?” tanong ko na may halong biro. “Puro ka pa ngiti dyan. Ano bang meron?”
Si Nessi. Weirdo. Pero mahal ko yan. Sa aming barkada, siya ang pinakamalapit sa akin. We were already friends before we met the others. Magkaramay na kami sa simula pa. Classmate ko siya simula pa nung elementary. Minsan na din kami nag-away pero naging paraan lamang ito para mapatibay pa ang aming pagkakaibigan. Ako na isang pasaway at siya na masayahing mahinhin.
“Nakalimutan mo na ba?”
Hindi ako sumagot. Di naman niya birthday eh. Di ko rin birthday. Wala namang kakaiba sa araw na to. Normal lang. O baka sandyang makakalimutin lang ako?
“Ouch.”
“Ay!” sabi ko. “Sorry Nessi.”
Naalala ko na. September 21. Yun ang araw na nagkatabi kami dati sa classroom nung grade 4. Simula nun ay naging malapit na kami. Magkasama sa lahat ng kalokohan. Every year namin yan pinagdidiwang. Pumupunta kami sa mall. O kahit saan namin trip. Paminsan naman sa bahay namin.
“Sorry Nessi.”
Binigyan lamang niya ako ng ngiti. “Eto oh.”
“Halika na. Pasok na tayo.” Dagdag pa niya.
Inabot niya sa akin ang isang box.
Nakakahiya naman. Nakalimutan ko na nga ang araw na to, wala pa akong regalo sa kanya. Bakit ba naman kase ipinanganak akong makakalimutin? I hope na alam na niya na ganun talaga ako. Di bale, bukas na bukas din ako nanaman ang magbibigay ng regalo.
Binuksan ko ang na yun pagdating ko na bahay. Masaya ako ngayong araw. Napakasaya. Nag-enjoy din ako sa lakad namin ni Nessi. Sa taon na to, sumama sa amin sina Mayumi. Ang buong barkada. Masaya pa rin naman kahit ang nakasanayan naming trip ay hindi nasunod.
Chizu. 6 years na tayong magbestfriend! Masaya ka ba? Ako Masaya ako. I’m so happy to have you as my friend Chizu. Kung di mo pa yan alam, ngayon sasabihin ko na lahat
Naalala mo nang mag-away tayo nung second year? Gosh. We were so stupid. Napakababaw ng pinag-awayan natin. But putting that aside, naging friends pa rin tayo. Really. I’m so happy. Ga-graduate na tayo ngayong taon. Wag mo paandarin yang pagkaulyanin mo ah. Wag mo ako kalimutan. Alam kong magkakalayo na tayo. It makes me sad. But I wish you good luck Chizu! Let be this gift be my farewell to you.
- - Nessi.
Halos naiyak ako sinulat niya. Lalo na sa regalo niya.
Isang maliit na stuffed toy. Isang baboy na stuffed toy. May nakasabit pang papel sa leeg nito.
“Dahil alam kong baboy ka. Mahilig ka kase kumain eh. Kain ng kain ng kain. Hahaha.”
_____________________________________________________________________________
Hawak hawak ko ang regalo niya sa akin ngayon.
Sa ngayon, hindi kami makapag-usap ng maayos ni Nessi. Hanggang tawag at text lang kami. Paminsan nagcha-chat din. Pero kahit kalian, hindi ito magiging sapat. Namimiss ko na siya. Silang lahat. Ang dating buhay ko.
“Hindi. Hindi natin pwede sabihin sakanya!” narinig kong sigaw ni papa.
Ako ba ibig sabihin niya?
“Anong plano mo? Itago sa kanya lahat to? ---- May karapatan siyang malaman.” Sagot ni mama.
Bumaba ako. They were arguing in the kitchen. Nakakatakot. Minsan nang sinaktan ni papa si mama. Baka may magawa siya ngayonng hindi maganda.
Sigaw pa rin ng sigaw si Papa. Hindi rin naman nagpapigil si Mama sumagot. Sa mga minutong yun, wala akong naintindihan sa kanilang sinasabi. At ayaw ko rin. Malamang walang kwenta nanaman ang kanilang pinag-aawayan. Kahit tungkol pa ito sa akin. Pagod na ako. Pagod na akong nag-aaway sila.
“Tama na!” di ko na napigilan sarili ko.
Biglang umalis si papa. Lumabas siya ng bahay at ilang segundo pa ay narinig kong umandar ang makina ng kotse namin. Siguro magpapakalasing nanaman siya. Pero ano pa bang meron? Palagi naman siyang ganyan eh.
“Chizu.” Biglang nagsalita si mama. “Si..Si Sophia.”
Di ako sumagot. Natatakot ako sa sasabihin niya. Ito ba ang pinag-awayan nila? Tungkol kay Sophia? Pero bakit ayaw nila sabihin sa akin?
“Si Sophia..”
“Bakit?”
“Patay na. --- Patay na si Sophia, anak.”
“Sinungaling. Sinungaling ka!”
Tumakbo ako pabalik sa kwarto. Hindi ko alam ang gagawin. Si Sophia? Patay na? Hindi. Nagsisinungaling lang si Mama. Para mag-ingat ako. Para..Para hindi ko na sila kulitin pang payagan akong pumasok ng klase.
Biglang nagring ang cellphone ko.
“Hello? Nessi?”
“Chizu!” umiiyak siya. “Si Sophia..”
Victorique’s POV
“So…” sabi ni kuya Grevil. The Grevil de Bloise., My so called brother.
I didn’t answer. I was in my detective self again. And I find it more productive ignoring him. I don’t need any distractions. I am determined to solve the case of Sophia.
“I got what you need, Victorique.” Biglang dumating si Kujo kasama ang hinahanap kong files. I needed the list of murder cases similar to what happened. All I need is one name. Hawak ko pa rin ang folder ni Sophia. Nandito lahat ang pwede kong gamitin as kung saan ako magsisimula mag-imbestiga. As for now, this is my move. For what the police told me, wala silang nakitang pumasok sa mga oras ng krimen. What stunned me was.. maaaring isa nga sa mga police ang murderer. But who?
One by one, hinay hinay kong pinag-aralan ang nakaloob sa binigay sa akin ni Kujo. Just one crime, one name. That’s all. Tiningnan ko muli ang mga picture sa folder ni Sophia. Masayahing tao siya. Kung ano man ang rason sa pagpatay sa kanya, ay wala pa ring nakakaalam.
“Nikka…” One article caught my eye. It was about a girl named Nikka. Nikka Takeda. Her body was taped in a light post near their house. She was naked and full of stabs. And her killer was…
“Hmm…” I can’t help but smile. How could I’ve been this stupid? “Kujo…”
“Bakit?”
“I know who killed Sophia.”
YOU ARE READING
Stranger in Disguise (onhold)
غموض / إثارةIn this world, there is only one thing to be afraid of -- when everyone's point of view is the right one. Which one will you believe?