Sa ginagawa ko sa sarili ko, o sa mga tao sa paligid ko, hindi ko namamalayan na nasasaktan ko nap ala sila. Hindi ko namalayan dahil tanga ako.
Minsan kase ang hirap saken pag masaya, masyadong kampante sa sarile. Pag nagka problema nakakaaway ko lahat dahil hindi ko alam kung pano sosolusyonan yung sitwasyon na yon, Pagkatapos nun sila nagsusuffer sa ginagawa ko.
Ang tanga ko.
Suko nako sa sarili ko.
Pinipilit ko tanggalin pagiging tanga ko, pilit kong binabago sarili ko, pilit kong iniintindi ibang tao pati sarili ko, pero walang nangyayare.
Ang tanga ko.
Sarili kong ama sinabi yan saken, na tanga ako, na ang careless ko, na puro nalang ako prayoridad sa ganto prayoridad sa ganyan.
Mga kaibigan ko sinabi na rin yan saken, na tanga ako, na hirap na hirap akong intindihin mga paliwanag nila, na bingi ako, na ang hirap kong intindihin, na bobo ako.
Ang tanga ko.
Halos lahat sila nakikita ko at naririnig kong sinasabihan ako ng masama sa likod ko, na baket daw ang tamad ko, baket daw di ako marunong makisama sa ibang tao...
Gagraduate nako... hehe...
Ang galing kong ipagmalaki thesis book ko at toga, pero nanganganib ako sa minor subjects dahil hindi ako nagreview para dun sa huling exam at binagsak ko pa...
Gagraduate nga, tanga parin naman...
Tapos sa tuwing may problema ako, nilalabasan ko ng sama ng loob yung taong minamahal ako ng totoo, kahit na ganto ako... ayokong nasasaktan sya tuwing magwawala ako pero nagagawa ko kasi tangina ang tanga tanga ko...
Na kahit na anung gawin ko...kahit gustohin kong magbago para sakanya, ganun parin kinakalabasan. Isang taong tanga... isang taong mangmang... isang taong walang silbe...
Bakit ba ako naging ganito...
Minsan gusto ko isise kay papa, kase kung hindi ko namana tong tanginang ugali na to sa kanya, hindi ako magkakaganto... hindi ako magiging kagaya nya...
Minsan gusto ko isise sa Diyos. Baket nya ba ako ginawa? Ano ba purpose ko ditto sa mundong to? Para maging tanga? Para maging bobo?
Minsan gusto ko manise, pero lahat ng paninise ko bumabalik saken... sa hule, ako paren may kasalanan, kung pinili ko lang na wag maging tanga, hindi to mangyayare... Kung hindi ako nagpadala sa damdamin ko, hindi ako magiging tanga...
Dapat ba akong magpakamatay dahil dito??
Dapat ba ituloy ko pa tong katangahan na ginawa ko??
Pagod nako..
Gusto ko na sumuko..
Oo madaming nag eexpect na lumaban ako pero nadadagdagan lang pasan ko...
Pagod nako...
Ang gusto ko lang naman mamuhay ng tahimik...
Gusto ko lang maging masaya...
Gusto ko lang magpasaya ng ibang tao...
Gusto ko lang maappreciate ng mga tao ginagawa ko..
Madami akong gusto pero di ko magawa kasi ang tanga tanga ko...
Pagod nakong sisihin sarili ko, pagod narin ako manisi sa iba...
Pero kanino ko dapat isisi lahat? Ano ba dapat ginagawa ko?
Pagod nako...
Tulong...
Please...
Please....