Love Quadrilateral

10 0 0
                                    


May iba't ibang estado ng relasyon..


Una, Single; Sa iba, malungkot ang estadong ito lalo na sa mga taong matagal nang naghahanap o naghihintay ng tamang tao na para sa kanila. Ngunit sa iba naman, masaya ito dahil mas napapahalagahan nila ang kanilang sariling kasiyahan.

Pangalawa, Love Couple; Masaya ang estadong ito sapagkat dito, hindi ka nagi-isa. Kasama mo ang taong mahal mo. Ang taong laging andyan para sayo. Ang taong tumatayong inspirasyon mo at ang taong mamahalin mo at mamahalin ka hanggang kamatayan.

Pangatlo, Love Triangle; Miserable naman ang mapasok sa gantong estado ng relasyon. Kasama mo nga ang taong mahal mo, pero may kahati ka naman sa kanya. Maaring sya ay mas mahal ng taong mahal mo, o maaari din naman na sya ang taong gagawin ang lahat masira lang ang relasyon nyo. Epal kumbaga.

Ano ang pang-apat? Ano pa ba, edi yung title ng istoryang to. Maaaring hindi ka pamilyar dito o maaring ngayon mo lang ito maririnig. Pero kung ako sayo? Mas mabuting wag mo na lang alamin. Miserable pa ito sa miserable. At hindi mo kailanman gugustuhin na mapasok sa gantong relasyon. Pero makinig ka na din dahil malay mo, ganto din pala ang estado ng relasyon na kinapapalooban mo. Paano? Sige bigyan kita ng malupet na halimbawa..

Paano kung ang taong gusto mo ay may gustong iba pero ikaw ang gusto ng taong gusto nya? Paano kung ang taong nagkakagusto sayo ay gusto naman ng taong gusto mo? Paano kung hindi ka gusto ng taong mahal mo dahil ang gusto nya ay ang taong nagkakagusto naman sayo?

Magulo diba? Sabi sayo eh. Gusto mo bang mas lalo ka pang maguluhan? Basahin mo ang kwento na to! Pero kung ayaw mo namang mawala ang peace of mind mo ay wag mo na itong balakin.


Love QuadrilateralWhere stories live. Discover now