"Lihim na Tagpuan" Short Horror Story ko!!!

908 7 2
                                    

Horror short story ko!!!

“Lihim naTagpuan”

Characters:

John

Chena

Leo

Gelina

Janice

Prince

 “Lihim na Tagpuan”

May mga taong nakakagawa ng masama dahil lang sa pagmamahal nila sa taong mahalaga sa buhay nila, lahat gagawin  maging masaya lang  sa minamahal. Minsan kasi masaya na sila ng mahal niya pero may mga tao parin talagang humahadlang sa kanilang pagmamahalan. Dahil sa mga nangyayaring ito may nakakagawa talaga ng kasalanan, pero may dahilan naman! Gusto lang nilang maging masaya.

            Sana basahin nyo po ang Short Horror Story kong ito! He he he! Please…

Mag-comment narin po kayo kung may mali man akong nagawa saking pagsulat, upang sa ganon maitama ko po.

            Maraming salamat po!

Sa lahat lang ng babasa nito, he he he! Joke lang….piZzzzzzzzz…..

                                                                         Cheyserr C. Mariñas

     “Ang dilim naman dito! Hay…bakit kasi dito pa tayo, wala nabang ibang lugar?”

Sabi nito ni Chena, habang naglalakad silang dalawa ng boy friend niyang si John,  magkasama lang silang dalawa sa isang lugar na madilim, madamo, at hindi mataong lugar.

     “Eh alam mo naman na may mga tao pang humahadlang sa pagmamahalan natin diba? Kaya tiis-tiis lang tayo, makakalaya rin tayo tandaan mo iyan.”

Sabi naman ni John. Mahal na mahal nito ni John si Chena, pero wala pang ibang taong nakakaalam, dahil may girl friend pa itong si John pero hindi niya mahal. Matagal ng nakikipag break itong si John sa girl friend niya pero dahil sa mahal na mahal sya ng girl friend nya ay ayaw syang pakawalan nito, at walang magawa itong si John dahil binantaan din sya ng girl friend niyang si Shane, sinabi nito ni Shane na kung mawawala sa kanya si John ay magagawa nitong magpakamatay, kaya sa ngayon ay lihim ang pagmamahalan ng dalawa na sina Chena, at John.

     “Kailan mo magagawang makipag-hiwalay kay Shane?”

Seryosong tanong ni Chena kay John, at binitiwan pa nito ang kamay ni John na kapit kapit niya kanina.

     “Malapit na, Mahal ko…huwag ka mag-alala! Alam ko na matatangap nya rin na ikaw talaga ang mahal ko at hindi siya.”

At niyakap nito ng mahigpit si Chena.

     “Pero…paano naman pala ako sa mga magulang mo? Diba ayaw nila sa akin? Kung maayos man ang samin ni Shane, sana matangap narin ako ng mga magulang mo.”

Sabi pa ni John. Hindi lang naman kasi ang girl friend niya ang humahadlang sa pagmamahalan nila ni Chena, pati rin ang mga magulang nito ni Chena ay humahadlang din.

     “Huwag kang mag-alala! Kaya kong maging pasaway sa magulang ko! Alam ko naman na hindi nila ako matitiis, ikaw ang mahal ko…ikaw lang! ipaglalaban kita, kaya huwag mona problemahin ang mga magulang ko, alam ko na matatangap din nila tulad ng sinabi mo na matatangap din ni Shane na nagmamahalan tayo.”

Sabi ni Chena, na yumakap din ng mahigpit kay John, lalo ng lumalakas ang ihip ng hangin.

     “Ang lamig! Grabe naman sa lugar na ito, parang may kakaiba sa ihip ng hangin, mahal ko.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Lihim na Tagpuan" Short Horror Story ko!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon