Chapter 43

1.4K 44 3
                                    


Alexander pov!

Agad kong binasa ang text ni Lory sakin pagkapasok ko sa office.

"Good Morning sir. Hindi po ako makakapasok ngayon. Ang sama po kasi ng pakiramdam ko."

"Naman! Ngayon pa? Ano na lang ang gagawin ko ngayon na wala siya?" nagitla ako sa nasabi ko. "Seriously? Naku naman."

Umupo na lang ako at tiningnan ang relo ko. Ang aga pa. Tinawagan ko ang linya ni Jenny.

"Yes sir?"

"Ako na ang gagawa ng mga gagawin mo. Pakidala na lang dito sa office ko."

"Sir?"

"Bingi ka ba?"

"Sige po sir."

Binaba ko na ang telepono at hinintay si Jenny habang binubuksan ko ang laptop ko. Kumatok na siya sa pinto.

"Come in." pag.aanyaya ko ng hindi siya tinitingnan.

"Morning. Where's Lory?" napakunot ang noo ko ng makita ko si Jake.

"What brings you here?"

"I'm looking for Lory. Where is she?"

"She's not here."

"Tell me if where's Lory."

"Why?" napipikon na ako kay Jake. Bakit ba kasi niya hinahanap si Lory?"

"Why won't you tell me if where she is? Jealous?"

"No."

"Yes, you are."

"She's sick and unfortunately she can't work today. Happy?"

"Yes. Have to go pre."

"Seriously? You just came here for her?"

"Yes. So I will go now since she's not here. See you later."

"Where are you going?"

"Sa bahay nila and I will visit her. Babaan mo din kasi ang pride mo paminsan.minsan para madalaw mo siya sa BAHAY NILA." nakakapang.init ng ulo itong si Jake. Kailangan ba talagang pagdiinan ang 'BAHAY NILA'? Ano naman ang gagawin niya sa bahay nila Lory?

"Where do you think your going?"

"Bye bro." kinindatan niya ako at isinara ang pinto.

"Shit!" bumukas ulit ang pinto. "What?!"

"Ito na po yung mga pinapadala niyo sakin."

"Bakit mo pinapasok si Jake sa office ko?"

"Hindi ko naman alam na ayaw mo po siyang makita."

" Shut up and Get Lost!" mabilis siyang naglakad papunta sa mesa ko at pinatong sa mesa ko ang pinapadala ko.

"Yes sir."

***********

Jake pov!

"Sino po sila?" tanong ng isang matandang babae na lumapit sa gate.

"I'm Jake, Lory's friend. Kindly tell her that I'm looking for her."

"Sige po sir. Sandali lang po." tumalikod na siya at pumasok na sa bahay kaya bumalik ako sa kotse para kunin ang pasalubong ko para kay Lory.

"Jake." ngumiti ako ng makita ko siya papalapit kaya lumapit na rin ako sa bumukas na gate. "Napadalaw ka? Pasok ka."

"Thank you." sumunod ako sa kanya sa loob at dumiretso kami sa may pool sa likod ng bahay nila."

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon