#Blow One

34 2 0
                                    

Dandelion Lovers /'''~
(The Ghost & Ugly)
wtitten by: MyRuLesx

#Blow One

♡♡♡ /'''~

Mama't Papa, Ngayong araw na po pala ang unang araw ko sa college. Isa na po akong ganap na college student sa isang International University dito sa atin. Magandang school po yun Mama't Papa. Napaka laki nun at napaka lawak. Halos maligaw ligaw na nga po ako kanina eh. Nagtataka po siguro kayo kung paano ako nakapasok sa ganung kagandang school gayong wala naman tayong gaanong pera't di rin naman ako katalinuhan. Well, hindi naman po sa pagmamayabang Mama't Papa, pero isa po ko ditong scholar. Scholar sa larangan ng pagtakbo.Ini-repair po ako dito ng dati kong school para mag try out sa ini-ooffer nilang scholarship. At pinalad naman po akong makapasok at makapasa. Mantak nyo po yun? Nagamit ko yung mabilis kong pagtakbo sa mga multo para makapasok sa napaka gandang school na yun.

Nga po pala Mama't Papa, napakasama po ng mga ugali ng mga tao dito! Parang rare na rare po para sa kanila yung itsura ko. Isama nyo na rin po tong si Four Clover. Isang lalaking mala greek-god ang kagwapuhan. Sobrang tangkad nya po't ang kinis ng mapuputi nyang balat. Pero short tempered po sya't napaka intrimidido! Idagdag nyo narin na napakapatay-gutom nya! Pero kahit na ganyan po sya mama't papa, iniligtas nya ko sa kapahamakan ng walang alinlangan.

Ang kaso lang po, patay na sya...

"A-Ate..."

=_=

Naalimpungatan ako sa pagkakahimbing ng marinig ko yung mga impit na boses na kanina ko pa naririnig mula sa panaginip ko.

Pagmulat ko ng mga mata, madilim agad na paligid ang bumungad sa akin.

"Ateeeeee..."

Muli, narinig ko na naman ang creepy na boses na iyon.

"S-Sino yan?" bumalikwas ako ng bangon para buksan yung maliit na lamp shade na nakasabit sa taas ng tent ko. Oo, sa tent nga ko natutulog kahit na nasa loob na ko ng sarili kong kwarto. Mas komportable kasi ako dito. Pag nasa kama kasi ako piling ko madaming mga mata ang nakatitig sakin. Hindi tuloy ako makatulog pag ganun. Kaya naman gumawa nalang ako ng maliit na tent sa gilid ng kama ko. Kahit papaano nakakatulog naman ako dito.

"Ate..."

Nagtayuan yung mga balahibo ko sa katawan nung biglang lumamig dito sa loob ng tent kahit wala namang hangin ang nakakapasok dito.

Shet! Ayan na naman yata sila! Parang awa nyo na! Patulugin nyo naman ako ng matino ng kahit isang gabi lang! Maawa naman kayo sakin! ><

"Ate... nasan ka?" patuloy parin ng boses na naririnig ko mula sa labas.

Enhale. Exhale.

Face your fear Yudeza Eve. Kaya mo to! Parang di ka naman na nasanay sa mga multo na yan!

Eeeeeh!! Pero natatakot parin ako eh!!! Hays! Bahala na nga! ><

Lakas loob kong binuksan yung zipper ng tent ko't dahan dahang inilabas yung ulo ko. Nagpalinga
linga ako sa madilim na paligid na bumabalot sa buong kwarto. Tanging liwanag lang ng mga nakasinding kandila sa kabilang sulok ng kwarto ko ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Bukod dun, wala na kong ibang nakikitang kakaiba.

Buti naman...

Isasara ko na ulit sana yung zipper ng tent nang bigla na lamang bumukas ng pagkalakas lakas yung pinto ng kwarto ko't may iniluwa itong isang nilalang... isang nilalang na patakbong lumapit sakin at... at patalong yumakap sakin?

"Ate!"

O_O

T-Teka?!

"J-Joshua?" nasabi ko na lang.

Dandelion Lovers (The Ghost & Ugly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon