I know late nanaman po Update ko. I just want to remind you that, Names, Characters, business, songs, places, events and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Kung 'di kaya ng sikmura ang mga ganap sa mga susunod na kabanata, you're free to leave and advice ko lang na wag niyo ng ipagpatuloy ang pagbabasa. To the ones who stays and keep on supporting this, Super thank you! Yabyu mga mamshie! Back to the story.
- - -
Jessa's POVMatapos naming pag-usapan ang mga gagawin namin para mas makakalap pa ng ibang impormasyon para matigil na ang kabaliwang nangyayari sa'min, nagkanya-kanya na kami. Sa totoo lang kahit papano gumaan na ang dibdib ko kasi sa wakas! Sa wakas, may naniwala na din sa'kin. At kahit papano may masasabihan na 'ko, at sigurado akong maniniwala sila, sa mga bumabagbag sa'kin. Lalo na sa mga panaginip ko.
Kahit pa alam kong ngayon pa lang nagsisimula ang malaking responsibilidad na kailangan naming gampanan at lampasan, lalo na't buhay namin ang nakasalalay.
*Kriiiiiiiing*
Nabalik ako sa ulirat ng biglang tumunog yung phone ko. Bagot kong sinilip kung sino ang tumawag sa'kin. Nang makita ko kung sino ito dali dali kong pinindot ang answer button.
"Hello?" panimula ko. Bakit kaya 'to tumawag?
"Uhm, Jess? Pwede ba kita makausap?" napakaseryoso naman nito! You know me, ayoko ng masyadong seryoso. You know why? Sometimes being so serious leads us to awkwardness. At yun ang ayaw ko.
"Bakit 'di pa ba tayo nag-uusap?" kaya sinagot ko siya ng pabiro.
"This is serious." Kahit sa phone ko lang siya kausap naramdaman kong umirap siya. Napabuntong hininga nalang ako and answered, "Sige."
Napag-desisyunan kong magkita nalang kami para mas makapag-usap kami ng masinsinan. Nagmamadali naman akong umalis ng bahay at pinuntahan siya. Naghintay lang ako sandali at dumating na din ang taong kausap ko sa phone. Si Erben.
- - -
Third POV
Nasa loob sila ng isang malaking kwarto. May kanya-kanyang grupo. Tig-isang ilaw malapit sa ulo nila ang nagsisilbing liwanag. Nagmukhang mag-oopera sila dahil na din sa iba't-ibang klase ng matutulis na bagay ang makikita sa isang lamesa. Makikita din ang isang malaking cage na naglalaman ng iba't ibang uri ng hayop. May tatlong klase ng aso; may Shitzu, Chao-chao, at iba pa. Mayroon ding iba't ibang lahi ng pusa, kambing at iba pa.
"Bago kayo magsimula igi-grupo ko muna kayo sa lima, dalawang tao sa bawat isa." nakatayo lamang sila na tila isang sundalo. At parang isang kadete naman itong naglalakad pa-kanan kaliwa habang nagsasalita.
"Ikaw Jill kasama mo si Jona, tutal lagi naman kayong magkasama sa room at 'di kayo mapaghiwalay. Huh, perfect combination kayo ha?! Dating Presidente at dating Bise Presidente sa room." mapang-uyam nitong sabi, nakuha pa nitong pumalakpak at tila nang-aasar.
"Kung kaya ko lang lumaban sayong hayup ka ginawa ko na!" sigaw ni Jill--sa kanyang utak. Gusto niyang magwala at lumaban dito ngunit tila ayaw makisama ng katawan niya at kung merong ibang kumukontrol dito. Tanging sa utak lang nila, sila ay normal.
"Mga wala kasi kayong kwenta!" sabi pa nito sabay duro sa noo ng mga ito.
"Sunod, Charisse at Khyll. 'yan na ha? Pinagbigyan ko ng magkasama kayong mag love team. Wag kayong mag-alala, sikreto lang natin 'to, walang makaka-alam. Walang manghuhusga at tutuksuhin kayo, magtatanong kung nag-comeback kayo."
YOU ARE READING
OPLAN: Kill that Sh*t (Cristy Invasion)COMPLETED!
Misterio / Suspenso"It's one of POLLUX Thing that we wouldn't understand.. But we will find way to figure it out!" This is full of fiction of our class, well nasulat ko sya dala ng galit at kalokahan.. Mas more on sa kalokohan? Haha! Subaybayan nyo nalang 'to.. Kung g...