08|Movings

31 2 0
                                    

08|Amber's Book

AMBER's POV

Today is what? The day that we are all waiting for. The day that we will start the project at AKO ang unang pambato. What can I do? Today is the right time to use the plan. Sana nga umepek.




Actually Courtney and I will do the appearance today. Ako lang ang nauna dahil sa time constraint. Una lalabas sa magandang pagkakataon si Chase kaya sasamantalahin ko na.




Hindi ko alam pero nagtataka talaga ako kung bakit dito pa. Kung bakit paborito niya ang lugar na toh. At kung bakit ito pa ang napili niyang lugar. Minsan lang kasi na may lalaki na pumupunta sa mga ganitong lugar. Kung pumupunta man sila dahil yun sa kasama nila ang girlfriend nila. He's opposite. Paborito niya talaga ang lugar na toh.




Chase Romero. Yan ang buong pangalan ng subject na naka-assign sa'kin. He has good looks. Base sa picture niya mahilig talaga siya sa mga iba't ibang bisyong pangmayaman. According to his profile na binigay sa'kin ni Kiel, he is managing their publishing company. Nag-iisang anak at katulad ng iba, spoiled at matigas ang ulo. Laging nasasangkot sa kung anu-anong kalokohan kasama ang barkada. He's 21 pero ginagawa niya pa rin ang mga gawaing pang-high school.




According also to my source (who's Kiel) lagi siyang pumupunta sa isang Fortune Book Store. Mahilig daw kasi itong magbasa ng mga about sa masuswerte at kung anu-ano pang pwedeng mabasa na ika-suswerte niya. Yun siguro ang namana niya sa pamilya. Ang pagbabasa. Kaya siguro ang family business nila ay isang publishing company.




Ang isang anak mayaman ay mahilig magpunta sa Fortune Book Store na napapagitnaan ng dalawang convinient stores na hindi nauubusan ng tao. Mahilig nga ba talaga siyang pumupunta sa mga matao na lugar o dinidisplay niya lang ang halos perpekto niyang mukha?





"That's his favorite place? Ang weird niya naman" Courtney.




Nandito ang buong squad para suportahan kami ni Courtney. Hindi ko alam kung suporta ba talaga o nakiki-usyoso lang sila dahil wala silang magawa? Hindi ko rin alam pero kahit ganun, nandito pa rin sila para makita kung success or failure ang gagawin namin.




Ako nga pala si Amber. Amber Torres. 20 na'ko at kasalukuyang pumapasok sa Statford University as Tourism student. Sabi nila maganda raw ako at may pagka-cute ang mukha kasi nga maliit. Ako rin ang pinaka-matanong sa buong squad. Dahil lang siguro sa ayaw kong may matirang katanungan sa isip ko. Ayoko pa namang nag-iisip masyado kaya tinatanong ko na lang agad. Ayoko rin kasing maging passive na lang. Normal lang din ang ugali ko. Minsan seryoso minsan kalog. Normal na ugali para sa normal na tao.




Balik tayo sa topic. Sinuot ko na yung shades ko at lalabas na ng sasakyan.




"Go Ambi! Keri mo yan!" Habol pa ni Mandy habang papalabas na'ko ng sasakyan.




"Bring home the bacon!" Si Charry na nag-checheer na aakalain mong sasali ako sa isang competition.




"We will be staying here. Watching you" Kassy na komportableng nakaupo sa front seat.



Tumango na lang ako at naglakad papasok sa loob ng Fortune Book Store.




Pagkapasok ko umupo agad ako sa upuan malapit sa pinto. Dito yung magandang spot kung saan ko makikita si Chase ng malinaw.




Marami-rami rin pala ang pumupunta rito. Sa pag-reresearch ko, ang fortune book store na ito ay isa sa mga pinupuntahan ng tao sa lugar na'toh dahil sa sabi-sabi na nagkakatotoo raw ang mga nakalagay sa libro. Kapag daw binasa mo yung fortune mo, mga ilang araw o buwan magkakatotoo na raw ito. Yun ang testimonya ng mga taong pumupunta rito. Hindi ko alam kung totoo o sabi-sabi lang.




The Virgin's Code (TEMPORARILY NOT UPDATING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon