14|Epik
CHARRY's POV
Iniwan ko na yung tatlo dahil kapag hinintay ko pa si Stacey gumalaw eh baka hindi ko na maabutan yung subject ko. Aba! Baka mapag-iwanan ako noh! Wala pa naman akong masyadong paghahanda na ginawa. Hindi naman sa confident ako masyado pero kasi ayoko talagang nag-iisip eh hahaha. Ewan ko ba. Kapag kasi nag-iisip ako automatic na lang na dumidilim ang paligid ko and boom! Sabog na agad ang utak ko hahaha. Huwag kayong judgemental! Matalino kaya ako pero pinipili ko lang hahaha chosz!
I'm Charina Dizon pala. Charry na lang ang itawag niyo sa'kin, yun naman talaga ang tawag ng lahat sa'kin kaya wag ka ng mag-abala pa na bigkasin ang buong pangalan ko k? Oo. Nang-uutos talaga ako, may problema? Hahaha. Nababaliw na naman ako huhu. Maganda ako syempre! Ipangangalandakan ko talagang maganda ako hahaha. Best friend ko pala si Stacey, ang saksakan ng kasungitan. Actually, hindi naman talaga yun maldita eh nagsimula lang siyang maging ganyan nung na broken hearted. Loka-loka kasi! Kung may reyna lang ng pagiging uto-uto binigay ko na sa kanya ang korona. Sinabihan na nga dati ayaw makinig kaya ganyan ang peg niya ngayon. Bitter kay mother universe. Hindi ko naman siya ma-blame kasi ganun din ang peg ko dati eh, parang pasan ko ang daigdig, ganern! Kapag naman talaga first boyfriend at first love mo pa syempre! Mawawala ka talaga sa sarili mo at ang hirap mag-move on.
Iharap niyo sa'kin ang taong madaling mag-move dahil itatanong ko sa kanya kung paano. Mahirap naman talaga eh. Sobrang hirap lalo na kapag lagi kayong magkasama. Alam ko para sa iba ka-OAhan lang ang lahat pero duh?! Try niyo kayang mainlove muna bago kami husgahan. Nakakasabog ng ugat yang mga taong husga nang husga di ba? Akalain mong mga banal pero sa totoo pala mas mabaho pa sa kanal ang mga budhi nila. Galit na'ko niyan hahaha. Pero seryoso, ingat-ingat sa panghuhusga baka yung words na binabato mo sa iba eh yun pa ang best words to describe you kaya wag kang hypocrite diyan! You just learned words from your dearest Charry hahaha. Pasensya naman. Ganito talaga ako kapag ako lang mag-isa at may hinahanap, kinakausap muna ang sarili haha.
Sabi ng mga gague kong squad play girl daw ako at mahilig sa *toot* dahil kung maka-pilit daw ako kay Stacey wagas. Actually, hindi ko naman talaga pinipilit si Stacey na makipag-toot para lang may experience siya or what gusto ko lang malaman niya na ang mundo ay mas masaya pa kesa sa nalalaman niya. You know, being a happy-go-lucky sometimes is not bad. Just try to do something stupid minsan sa buhay mo para naman may mapagtawanan ka pag tanda mo, hindi yung puro kabanalan na lang ang nalalaman mo. Well, hindi naman masama ang pagsunod sa good morals pero para kasi sa'kin boring yun di ba? Mas maganda kasi na mag-explore ka at dun mo matututunan kung ano ba talaga ang meaning ng buhay. I know you will fail pero who knows? Baka dahil dun mas magiging strong ka pa at magiging expert ka pa sa buhay mo.
Ano ba tong pinagsasasabi ko haha. Nasaan na ba yung si Xavier para mahalikan na este makilala ko na haha. Hindi naman ako malibog, yung utak niyo talaga ang green. Yung utak niyo po talaga hahaha. Sabi ni Kiel mahilig daw yung si Xavier mag-dart eh bat ganun? Sinuyod ko na yata ang buong kwarto na toh pero wala. Wala akong nakikitang Xavier. Huwag niyang sabihing hahanapin ko pa siya sa buong bahay na toh? Jusmiyo! Palasyo po ang bahay na ito alangan namang hanapin ko talaga siya sa buong kabahayan di ba? Adik si Kiel. Pinagtritripan yata ako.
Dahil hiindi naman ako reklamador syempre inumpisahan ko ng maghanap. Infairnez naman sa bahay na toh parang building eh. Anlaki-laki. Sino ba naman ang titira sa ganito kalaking bahay? Mga higanti pwede pa. Nakakalula kaya. Paano kapag hinanap nila yung suklay? O di naman kaya aso o pusa nila susuyurin din ang buong kabahayan? Ganern? Nakakaloka ha! Ito talaga ang perfect example ng mga taong wala ng paglagyan ang pera.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Code (TEMPORARILY NOT UPDATING)
Ficción GeneralYou are trying to live your normal life. You are trying to live after you were broken after everything, after everything you've been through. As I am trying to forget about everything, here's one trouble na napasukan ko. Trouble na hindi ko na yata...