Chapy 46: Nightmare

33 1 0
                                    

(((Kei's POV))

Pagpasok sa room agad kong itinapon ang katawan ko sa kama, buti na lang malambot ito, kung hindi masasapak ko tong kasama ko dahil sa inis.

"Tulog na tayo" sabi niya ng makalabas sya galing c.r, saka na sya umupo at pumwesto ng higa sa kabilang side ng kama.

Magrereklamo na sana ako nang makita kong nakapikit na agad yung mata niya.

"Grabe kung makatulog agad, akala mo talaga sya yung nagdrive ng napakalayo" reklamo ko, saka na umayos ng higa at nangready na para matulog, wala nang palit palit ng damit.

.....pero after 30 minutes, napadilat na ako at napatingin sa taong mahimbing nang natutulog sa kanan ko.

"Nanaginip ka na, ako ito, hindi makatulog dahil sa presence mo! bwisit!" inis kong reklamo.

Malaki naman yung kama, kasya sampu, pero kahit gano pa to kalaki, kahit gano pa ko kapagod at kahit gano pa ako kaantok, hindi ko pa rin magawang makatulog.

Tumingin na ko sa bintana, naghilamos, nagpatugtog ng pampaantok na kanta, pero walang effect!

Napatingin na lang tuloy ulit ako kay Sky.

"Hindi pa rin talaga ako sanay na may kasama sa kwarto, akala ko masasanay ako sa presensya ng mga lalaki dahil sa inyo, pero hindi pa rin pala" Mahina kong sabi pumunta ko sa tapat ng bintana at nag jumping jacks hanggang sa mapagod ako ng tuluyan at makatulog.

***

"Kei?"

"Keira, gising! gumising ka!" dahil sa malakas at maotoridad na boses na yun nagising ako mula sa isang masamang panaginip, hindi, hindi sya masamang panaginip lang, isa syang bangungot.

"Kei, tahan na, panaginip lang yun" rinig ko ulit na sabi ng boses na nasa bangungot ko, dun ko lang napansin na nakayakap na pala sya sakin habang hinahagod ang likod ko.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko dahil sa takot at gulat ko, bigla ko syang naitulak palayo sakin, dahilan para mapaupo sya sa sahig.

"Ano bang problema mo?!" tanong nya sa galit na tono, dahil doon nagulat ako saka ko lang narealize na si Sky pala ang taong nasa tabi ko.

"Sorry, sorry, sorry" sabi ko na lang habag tumutulo ang mga luha ko saka na ko tumakbo papasok sa c.r at doon humagulgol ng iyak.

"Kie?" rinig ko pang katok ni Sky mula sa labas, "Kei, ayos ka lang ba?" tanong nya ulit. "Sorry, hindi ko sinasadyang sigawan ka, lumabas ka na dyan please" pagpapatuloy nya.

"Pabayaan mo muna ko, please" I ask, with my shaking voice.

"Hindi ako aalis, dito lang ako sa tapat ng pinto hanggang hindi ka pa lumalabas dyan" sabi nya. "Sumandal ka sa pinto, nakasandal ako dito, para konware sakin ka nakasandal" he added, dahil doon lalo akong naiyak.

Nang mahimasmasan ako, "Umalis ka" I said,

"Hindi ka pa lalabas, kaya dito lang ako" pagmamatigas nya.

"Lalabas ako, kaya umalis ka!" inis kong sabi, but still may hikbi pa ring kasama.

Nang maramdamang kong wala na sya sa pinto, binuksan ko ito at tumambad sakin ang nag-aalalang mukha ni Sky.

"Ano bang ginawa ko? bakit ka bigla biglag nanunulak at umiiyak na nagtago dyan!?" inis nyang tanong, pero bakas dun abg pag-aalala.

Nginitian ko lang sya saka na ko bumalik sa pwesto ko at naupo.

"Tas ngayon ngingitian mo lang ako?! nasisiraan ka na ba?" pagsusungit pa rin nya.

"Sorry, sorry, wala kang kasalanan, nagulat lang ako, sorry talaga" I said while trying to hold my tears and not to broke my voice.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon