THE RUNNER
By: Trinie
Copyright.All Rights Reserved.2012
Trinie’s Note: Palimos po ng feedback. Practice ko po kasi ‘to para sa writing contest na sasalihan ko. :D
ENJOY READING!!!
***
Ready!
Pomusisyon na ang mga mananakbo sa field. Kanya-kanya sila ng lane. Kanya kanya ng rason sa pagsali, kanya kanya ng mga pinagdadaanan. Kabilang sa kanila si Aya.
Get set!
Isang runner si Aya. Lumalaban na siya sa mga karera mula nung elementary at hanggang ngayong magtatapos na siya ng high school ay nananatili pa rin siya sa hobby niya. Ang tumakbo sa isang oval at manalo.
Limang taon na siyang undefeated champion ng Palarong Pambansa at pinakaiingatan niya ang title na iyon. That’s why she always makes sure she’s always ready whenever in a race. Araw-araw niyang tinatakbo ang oval ng school nila.
Go!
Nagsitakbuhan na ang mga estudyanteng mananakbo. Mabilis ang pagtakbong ginawa ni Aya. Lalo niya ring nilakihan ang dati nang malalaking hakbang niya. ‘Lady Grasshopper’ yan ang bansag sa kanya ng mga guro niya dahil na rin sa laki ng mga hakbang niya kapag tumatakbo.
Kasabay ng kidlat sa bilis na pagkilos ng mga paa niya’y ang pagbabalik ng mga alaalang nangyari sa kanya tatlong linggo na ang nakararaan. Mga dahilan kung bakit kailangan niyang lalo pang asamin ang manalo. Mga dahilan kung bakit hindi siya dapat matalo.
*Flashback*
“Nagbibiro ka lang diba?” tigagal siya sa sinabi ng boyfriend na si Josh.
Nasa paborito nilang restaurant noon ang magkasintahan. Dalawang buwan nang nag-te-training si Aya para sa nalalapit na Palarong Pambansa. Alam niyang halos nawawalan na siya ng panahon para sa boyfriend niya pero gumagawa naman siya ng paraan para makalabas pa rin silang dalawa kahit isang beses man lang sila sa isang linggo.
“Look, Aya,” ginagap ni Josh ang kamay niyang nakapatong sa table at masuyo iyong pinisil. “Mahal kita, alam mo ‘yan. Pero hindi ako sigurado kung may patutunguhan pa ang relasyon natin,” there was sadness in his voice. A sorrow that he couldn’t hide. And even Josh didn’t want to voice it out, he was hurting. Badly.
“H-hindi kita maintindihan. Yung…yung pagtakbo ko ba? Iyon bang problema mo?” hindi sumagot ang binata ngunit bumakas sa mukha nito ang pag-oo. “Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol doon? Josh, diba naiintindihan mo naman ako? Diba?” her eyes were begging for understanding.
“Aya, you know me. I’m selfish when it comes to you. Gusto kong nasa akin lang atensyon mo. Pero sa apat na taon ng relasyon natin, wala eh. Lagi na lang may practice ka field, may aasikasuhin kang papers para sa pag-alis mo, aalis ka para lumaban. ALam mo bang bilang lang mga oras na nag-date tayo?” binawi nito ang kamay na nakasalikop sa kamay niya at napasuklay ito ng kamay sa buhok. “Paano, lagi ka na lang busy. Practice practice practice…”
“Josh…” she was shocked and all she could say was his name.
“I’m sorry… but I think I’ve reached my finish line. I have to let you go,” he then left while hiding his tears.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
Fanfiction*Ang Nakabukas na Zipper *A Thousand Crush *Maid In-Love *She Courted Him *Blind Painting *A Very Long Sad Story of Love (KathNiel) *Ang Pinakamasarap na Coke *Silent War *The Runner