CHAPTER 10: New Looks

8 0 2
                                    

Fam's POV

"Tara sa Cafeteria, kain tayo" yaya ni Cass

"Oo nga tara! sama ka Sam"dagdag pa ni Skye. Talagang habang tumatagal, lalong nagkakamabutihan ang dalawa ah.

"Sige, text ko lang si Justin at Chase baka kase hanapin ako pag bumalik sila dito" sabi ni Sam.

Pumunta na kami ng Cafeteria, buti na lang walang gaanong tao ngayon.

"Anong sayo Skye, upo ka na lang dyan ako na lang pipila" utos ni Sam kay Skye. Swerte naman ni Skye sa manliligaw nya, mabait na gwapo pa, akala ko nung una loko loko talaga tong si Sam eh.

Pumila na kaming tatlo tapos nakaorder na kami, bumalik na agad kami sa upuan namin at nagsimula ng kumain.

"Hoy! tama na yan ha! sobra ng sweet mamaya magkasawaan na kayong dalawa nyan" pangaasar ni Cass kay Sam at Skye.

"Oo nga eh, nakakainggit naman kayo" sabi ko sa dalawa.

"Bakit ka naiinggit? Eh diba meron ka naman Justin?" nadulas na pagkakasabi ni Skye. Bigla akong nachocke, binigyan agad ako ni Cass ng tubig. Hayop talaga tong Skye na to. Di ba nya alam na nasa harapan namin si Sam?

"Ayy, nako, so sorry" sabi ni Skye.

"Totoo?, may gusto ka kay Justin?" mukhang namangha si Sam.

"Makakatanggi pa ba ako? Eh nadulas na yang bruha na yan eh" pangaasar ko pa.

"Wag kang mag alala di ko sasabihin sa kanya" sabay smirk sa akin.

"Dapat lang, lagot ka sa akin pag sinabi mo" sabi ko. "Hanggang crush lang naman ako dun no, di na ako nageexpect ng kung ano" dag dag ko.

"What do you mean?" tanong ni Cass

"It's like a nerd having a crush with Mr. popular" sabi ko.

"Drama mo naman, you have your own beauty syempre" sabi ni Skye. Bumabawi lang to sa nagawang kasalan eh.

"Hindi naman malabo na magustuhan ka rin ni Justin" dagdag pa ni Sam.

"Hayy, meron na rin naman syang girlfriend eh" sabi ko.

"Wala syang girlfriend" sabi ni Sam.

"Eh sino yung kasama nya sa wallpaper sa phone nya?" tanong ko.

"She's her ex girlfriend, wala na yun, matagal na" sabi nya. Ahh ex naman pala eh hahaha pero bakit di pa nya pinapalitan?

"Skye?" tawag ni Cass, nakatingin sya sa akin. " You know what? Uhm, you're, uhm.. I think you should come with me"

"San?" tanong ko

"Basta, let's go" sabay tayo nya at hingit nya ako. "Skye, Ikaw na bahala sa prof" sabay alis namaing dalawa kahit di pa ubos yung pagkain namin.

Sumakay ako sa kotse ni Cass, then umalis na kami, after 10 minutes nakarating na kami s pupuntahan namin.

"Fam, Welcome to my tita's Salon! tara na pasok tayo, kanina pa naghihintay si tita sa loob, natext ko na sya kanina" pumasok na kami sa loob.

"Hi Tita Liz!" sabay beso nila, nagsmile lang ako sa tita nya, medyo nahihiya pa ako eh.

"Oh so you're Fam!" sabi ni Tita.

"Ah yes po tita" sabah smile.

"You look beautiful, come here, let's make you even more beautiful" so sumama ako sa kanya.

"Sige Tita ikaw na bahala, lalabas muna ako" sabi ni Fam.

Ayaw na ayaw ko ng ganito, yung magpapaayos ng buhok or ng kahit na ano. Di ako comfortable, pero I think para naman sa akin to. Pinaupo na ako at nagsimula na sila sa pag gugupit ng buhok ko.


After 2 hours and 30 Minutes...

Okay na, tumayo na ako para pumunta sa lounge, magbabayad na sana ako bigla akong pinigilan ni tita " It's okay iha, Cass, okay na si Fam" sabi ni tita Liz.

"Thank you Tita, idol talaga kita" sabi ni Cass. "Sabi na eh, you have a hidden beauty!" sabi nya sa akin. "Let's go, may pupuntahan pa tayo.

Pumunta kami sa tindahan ng contact lenses. "I think, you don't need that anymore" sabi ni Cass sabay turo sa eye glasses ko.


"Ah haha, di ako sanay ng nakaganyan eh" sabi ko.

"Well, get used to it, kelangan mong masanay" sabi nya.

Sinabi ko na yung grado ng mata ko tapos binigyan na ako at sinuot ko na.

"See! that's better! lalo ka ng magugustuhan ni Justin!" sabi ni Cass.

Lumabas na kami ng Shop, almost 7PM na at madilim na, hinatid ako ni Cass sa Parkig Lot sa school, nandun kase yung kotse ko eh.

"Fam? Ilang years ka ng nakabraces?" tanong ni Cass.

"Almost four years na rin, bakit?" sabi ko.

"Grabe tagal na ha! I guess you need to go to your dentist, tapos ipatanggal mo na" sabi nya.

"Hala bakit naman?" tanong ko.

"You'll be more beautiful" sabi nya.

"Okay" sabi ko. Kelangan ko na rin sigurong magbago looks, Sawa na rin kase akong maging nerd eh, I think its time for a major change.

The next day, Wesnesday, absent ako para pumunta sa dentist ko. Thursday na ngayon and I'm on my way to school. Ito yung first day na makikita nila yung changes.

Lumabas na ako ng kotse ko then pumasok na ako sa loob, medyo madaming tao sa corridor, nakakahiya, pero hindi dapat, hindi dapat ako mahiya, let's go. hayy naglalakad na ako sa corridor. Napapayuko ako pero dapat chin up lang, kaya I walked confidently. Hayy ayos lang kaya akonv tignan? baka ang oa ko. May naririnig akong bulungan.

Sh*t pre, sino yan? transferee ba yan? liligawan ko yan.

Wow, ganda naman sya ba yung geek ? yung nerd dati? yung matalino?

Ganda naman nya, kakainggit

Nakarating na ako ng room, papasok na ako ng room, madami na ring tao nandun na yung dalawang bruha at yung tatlong lalaki.

"Fam!" sigaw ni Cass sabay smile.

Nagtinginan ang lahat sa akin then biglang napatahimik ang lahat.

"Ah guys, ah eh uhm anong problema?" tanong ko, nahiya naman ako.

"Fam? ikaw yan? Wow! sabi sayo eh maganda ka" sabi ni Sam.

"Oo nga Fam! Ang gorg mo, ag first di kita talaga nakilala" sabi ni Skye.

"Thank you Cass" bulong ko kay Cass.

"No worries" sagot naman ni Cass sabay smile.

Napatingin ako kay Justin, pero parang wala naman syang reaksyon, nakafocus pa rin sa phone nya hayy, di man lang ba nya ako babatiin ng kahit hi man lang? hayy mukhang di effective ting ginawa namin.

"Justin" tawag ko sa kanya.

Lilingon na dapat sya sa akin pero biglang dumating na ang prof namin. Hay nako panira naman, nakakaasar.

Napansin kaya nya? Nagustuhan nya kaya? Effective kaya? Mapansin nya na kaya ako? Bakit parang wala lang?


Next Chapter: Unspoken Words


[A/N: Thanks for supporting the first 10 chapters of my story 😁 Please continue reading my story, sana magustuhan nyo, madami pang mangyayaring magaganda sa mga susunod pang chapters 😄 Don't forget to vote and comment. I'll be updating soon]

University RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon