Chapter 21

662 49 38
                                    

ANGELINE's POV

NAGMAMADALING tinahak ko ang daan patungong C.R, ni hindi ko na nagawang mag excuse kina Jacob at Valerie dahil sa pagmamadali. Pagmamadali di dahil sa sinabi kong tawag ng kalikasan, palusot ko lamang 'yon dahil di ko na makeri itong malanding puso ko. Nawawala sa sarili.

Ang lakas at ang bilis ng tibok niya, nakakabingi!

Anak ka ng tatay mo Nico! Ano bang ginagawa mo dito sa malantod kung puso at nagwawala sa loob. Ayaw paawat ! Lalo na pagnarinig boses mo!
Packing tape naman puso! Maghunos dili ka! Ang landi lang teh!

Mamaya sa bahay,pag-uwi...tatalian ko 'tong puso ko ng bonggang bongga! Maturuan ng tamang kilos! Dalagang Pilipina dapat!

Bukod sa malanding puso ko, naiilang.din ako sa mga tingin ni Nico. Kahit kapag naglalakad at nasa likuran namin sila ay alam kong sinusundan niya ako ng tingin. Di ko alam kung bakit at ano ang meron.Pero ramdam ko na may ibig sabihin ang mga kilos niya.

Sana naman ay di niya napaghalataang iniiwasan ko siya, sana naman.Di ko na kase alam kung.paano ang tamang pagkilos lalo na't magkaharap kami sa mesa , pati pagnguya ko ng pagkain ay di na ako magkandatuto.Masarap yung pagkain, paborito ko nga kaso di ko ma-enjoy at ma feel yung sarap dahil ang buong sistema ko ay ginugulo ng presenya ni Nico.

"Ano bang nangyayari sa'yo ha, Maria Yvonne Angeline?!"kausap ko sa aking sarili sa harap ng salamin.

Naghilamos ako ng paulit ulit, pilit kinakalma ang sarili .Kulang na lang ay paliguan ko ang aking sarili. Nakakaloka.

Tiningnan kong muli ang aking sarili sa salamin.Kinapa ko ang puso ko.

Harushima! Yamashita!

Sumasayaw ng macarena sa loob!

"Hoy Heart Evangelista, umayos ka di si Chiz Escudero 'yon para magkaganyan ka! Si Nico 'yon ! Nico!"baliw na kung baliw kung kausapin ko man itong si heart ko. Wala namang ibang tao dito sa loob , buti na lang.

"Mukhang malubha kana Maring, ah."

"AY KULUGO!"sigaw ko sa sobrang gulat ."Valeleng papatayin mo ba ako?"angil ko kay Valerie na nalingunan.kong nakatayo sa may pintuan nitong CR.

"Mukha ba akong kulugo? Wow! Ang ganda ko namang kulugo ano!"naglakad siya palapit sa kinatatayuan ko.

"Bigla ka na lang kasing sumusulpot! Nakakagulat ka!"

"Aba bes, malubha ka na nga, ano. Kanina pa kaya ako andito , magkasunod lang kaya tayong pumasok .Grabe ka!"naghugas siya ng kamay at pinatuyo ito sa hand dryer at tinabihan ako sa kinatatayuan ko,"hoy Maring, kelan ka pa natututong kausapin ang sarili mo tsaka ano bang nangyayari diyan sa Heart Evangelista mo, ha?Uy mukhang may something  ha, may naaaninag akong mga puso."marahan pa niya akong siniko siko.

"Wala no!"

"So, sumisekreto ka na ngayon? Porke may Jacob ka na.Siya na bff mo? Siya na sabihan mo ng mga secrets mo? Siya na ang...huhuhuhu...Ang shaket bes! Ang shaket shaket!"baliw talaga tong si Valeng kahit kelan! Minsan napapaisip na lang ako kung bakit kami nagkakasundo.

LOVE will Lead YOU back (My Maid from Heaven Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon