15|Unrecognized
(Dedicated pala ito kay Ms. @Blackendwayt dahil sa bonggang cover ng TVC. Thank you ;)
KASSANDRA's POV
"Nabobored na'ko" paulit-ulit kong reklamo kay Amber. Kami na lang dalawa ang natira dito sa loob, I dunno if they are still here inside baka hindi ko lang sila nakita.
"Kassy try to find your subject and do what you've planned" I know Amber is kinda bored too dahil kanina pa'ko reklamo nang reklamo sa kanya but I cannot resist it. Nabobored na talaga ako.
"I didn't plan anything kahit magpakita sa kanya ngayong gabi wala akong balak. Damn! Why do I have to attend this party anyway?" naiinis na talaga ako. Hindi ko alam kung saan ako naiinis. Anak ng!
"Yun naman pala eh. Wala ka pa lang balak pero sumama ka. Nandito ka rin lang naman might as well do your job. At least hindi ka na mahihirapan na hagilapin si Montero dahil nandito na siya ngayon. Sabihin mo sa'kin kapag napadaan siya, I'll try to help you" she is the kindest person I ever met. I like Amber because para lang siyang sponge, inaabsorb lahat ng kaartehan ko sa buhay without complain. Kaya siguro lahat ng reklamo ko sa kanya ko lang nasasabi.
"How?" I said that word with all the laziness in my body. Even from the start I tried not to be involved in any Kiel's business but here I am. Involved na naman sa kung anong kalukuhan na napapasukan ng kapatid ko. Parang inaasar nga ko ng pagkakataon, the more I step backwards the more naman itong lumalapit sa'kin. Nakakabwesit di ba?
"Anong how? Did you read the papers inside the folder? The information about your subject? May picture na nakalagay dun" Amber explained pero hindi ko naman naintindihan. Picture? Anong picture pinagsasabi niya?
"I will guess, hindi mo binasa noh? Kahit yung picture hindi mo manlang tinignan" ano naman ang gagawin ko dun sa picture and those details about him right? Hindi ako interisado at mas lalong hindi ako na-cucurious sa pagmumukha ng Montero na yun kaya nga wala akong plano dahil wala naman talaga akong balak gawin ang The Virgin's Code Project. Wala akong pakialam. Do what they wanna do and I will do my own.
"Kassy hindi ka na pwedeng umatras sa trabahong toh. Remember? You signed the contract. Kahit kuya mo si Kiel alam mong hindi ka i-coconsider nun" perfect! I fucking signed the contract. Why did I forgot about that?!
"Right" nasagot ko na lang. when it comes to mind games hindi ako nananalo kay Amber. Bwesit! Bakit ba kasi kailangan kong pirmahan yung kontrata na yun!
"And don't try to think na sunugin or punitin yung contract na pinirmahan mo dahil kahit masira mo yung kopya mo, Kiel produced a lot of copies kaya wala ka na talagang magagawa" is she trying to say na gawin ko na lang kung ano man ang gusto ni Kiel? Seriously?!
I don't hate Kiel but I hate what he's doing. All the things that he do most especially his work, his business to be exact. How can you intrude in others' lives? Dahil ba binayaran ka para gawin yun eh may karapatan ka na para guluhin ang normal nilang buhay?! I totally disagree to that. Naiinis lang ako dahil bakit hindi niya makuha-kuha ang gusto kong sabihin sa kanya! Bakit hindi niya maintindihan ang point ko!
"Kassy alis muna ako, tignan ko lang yung kabuuan ng party na toh" I know she's bored. Tumango na lang ako at mabilis pa sa alas-tres ang pagkawala niya sa paningin ko. Anong gagawin ko ngayon? Kiel told us that this party is divided into many events. Ano naman kayang event ang nangyayari sa room na kabilang ako?
Finally, I've decided to stand up at tignan ang nasa paligid. Usual people, yung mga klaseng tao na nakikita mo sa isang pagdiriwang na ganito. Nakakabagot at nakakasawa tignan. Ganun naman talaga ang mga mayayaman di ba? Kung anu-ano na lang ang naiisip para gastahin ang limpak-limpak nilang pera.
Ano itong music na pinapatugtog? Slow romantic music? As the music starts automatic naman na pumunta sa gitna yung mga tao na kanina pa busyng-busy sa pag-uusap na para bang nakarinig ng command na pumunta sila sa gitna with their partners. Ballroom ba tong event na napasukan ko? Langya! Sayawan pala toh eh!
I need to escape this place. Masusuka yata ako sa mga mag-partners na kulang na lang maghalikan, di ba nagsasayaw sila? Why with those gestures? Gross!
I know what you're thinking and darn it! Hindi ako bitter ang sagwa lang talaga tignan para makipaglandian sa ganitong klaseng lugar kahit na naglalandian din ang mga taong nasa paligid mo. I think that's manners.
Dahil hindi ko na talaga masikmura hinanap ko na agad yung pinto. Kung alam ko lang na ganito ang makikita ko sana lumabas na'ko kanina pa at hinanap yung Montero na yun. Makakalabas na sana ako ng may biglang humila sa braso ko. Putakte! Ano na namang kamalasan toh?!
Nanlaki yung mga mata ko dahil ipinatong niya yung kaliwang kamay ko sa balikat niya at hinawakan niya naman ang kanang kamay ko. Nilagay niya naman ang kaliwang kamay niya sa bewang ko, so parang yung pwesto ng magkasayaw. Ganun. And the hell! Sinasayaw niya nga ako. For real! Letche! Bubulyawan ko na sana kung sino man ang hinayupak na lalaking toh ng bigla niya na naman akong hinila mas papalapit pa sa kanya. Nakayakap na'ko sa kanya for exact. Nakakailan na sa'kin tong bwesit na toh ah?!
Hindi manlang ako makaalis sa pagkakayakap niya sa'kin dahil napakalakas niya. Bwesit! Ano bang problema niya! Ilang saglit lang bumitaw na siya sa pagkakayakap at sinayaw niya na naman ako ulit. Face to face na kami ngayon.
"Ang lakas naman ng loob mong hilahin ako! Sino ka ba ha?!" hindi ko na alam kung ano ang hitsura ko. All I know is galit ako. No one dares to touch me like that. Manyak ba siya?!
Hindi niya ko pinansin at tumingin lang siya sa paligid. Peste! Anong akala niya sa'kin? Rebulto? Multo na hindi niya nakikita? Anak naman talaga siya ng!
"Huy! Naririnig mo ba'ko?! Alam kong hindi ka bingi. Bitiwan mo ko manyak ka!" nagagalit na talaga ako. Sasapakin ko na talaga toh eh!
"............" no response. Is he mute? Mute tong gagong toh?! I doubt it. I really doubt it.
"Hindi ka ba talaga magsasalita bwesit ka?!" alam mo yung mas nakakainis lalo? Yung gusto mong bulyawan siya but you just can't because he's mute?! Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa'kin. Baliw ba toh o sinapian?!
"Your hands are very soft, you smell so wonderful and you're pretty" he said.
Ano?! Ano raw?! Sa lahat ng sinabi ko yun lang ang isasagot niya?! NO. Hindi matatawag na sagot yun dahil wala namang koneksyon sa mga sinasabi ko. Magsasalita pa sana ako ng bigla niya kong binara.
"Thanks" yun ang narinig kong sinabi niya bago siya umalis na parang hangin. Parang hangin talaga dahil bigla na lang siyang nawala.
Peste naman talaga! Akala ko ba mute siya? Mute na manyak pa!
"Who's that guy Kassy? Ikaw ha! Nawala lang kami saglit may nabingwit ka na" Mandy na ngumingisi, is she teasing me?
"Fuck you!" I said it hard straight to her face.
"Di ba si Heindrix Bryle Montero yun? Good job Kass, sinunod mo yung advice ko" sabi ni Amber sabay smile sa'kin.
Ano?! Duh pak! Yun yung.... Si ano... si
Wala akong pakialam. Letche!
Later ~
BINABASA MO ANG
The Virgin's Code (TEMPORARILY NOT UPDATING)
Ficțiune generalăYou are trying to live your normal life. You are trying to live after you were broken after everything, after everything you've been through. As I am trying to forget about everything, here's one trouble na napasukan ko. Trouble na hindi ko na yata...