"What?! Are you serious?" bulalas sa 'kin ni Cassidy sa telepono.
"Yes, I'm serious."
"Okay... pero, first time 'to."
Napangiti ako, yes, this is the first time I'll be absent. Isang araw lang naman at saka nando'n naman siya.
"Sige na, I'll hung up."
"Okay, call me if you need me, huh?" aniya.
Pagkababa ng linya ay agad akong pumihit sa sofa, he's there, sitting. Parang 'di man lang nga gumagalaw. First time yata makapasok sa ganitong tirahan at hindi ko siya masisisi.
I sat beside him, agad siyang napatingin.
"From now on, dito ka na sa condo ko titira," masayang usal ko.
Alam kong mabait ito... alam kong hindi siya kagaya nila Grey, alam kong takot lang siya. Kaya naman ganito na lang ang tiwala ko sa batang ito.
"Ayos lang sa 'yo?"
Nakangiti akong tumango, "What's your name? Call me Ate Queenie."
Matipid siyang ngumiti bagay na ngayon ko lang nakita. "Ang ganda ng pangalan mo. Ako si Lindon... Lindon Pacheco."
Lalo akong napangiti nang magpakilala siya, "Maganda rin ang pangalan mo, pero ilang taon ka na?" Dagdag tanong ko.
"18."
Tumango-tango ako. May naiisip ako sa kan'ya. Bakit hindi ko kaya ito gawing kapalit ni Gilbert? Handa akong i-train ito.
"Tara sa kusina, kumain ka muna." Tumayo ako at hinintay siyang tumayo na rin. Tinignan pa muna niya ako bago sumunod. Halata sa mukha niya ang hiya at ilang.
"Ano 'to?" tanong niya habang nakatingin sa ulam. Ulam ko 'yun kanina, marami kasi ako magluto para kung sakaling kakain ulit ako kinagabihan.
"Ah yan? that's one of my favorites, afritada. Tikman mo." Nilagyan ko siya sa plato ng pagkain.
Pinanuod ko siyang tikman 'yun, "Medyo maanghang." Aniya na kinatawa ko.
"Oo Lindon, mahilig kasi ako sa maanghang."
Hindi na siya sumagot, kinuha ko ang bag sa sala at pinasok ang phone sa loob, nasa trabaho si Cassidy, I don't wanna disturb her kaya naman ako na lang ang pupunta ng mall. Pagkabalik ko ng kusina ay naabutan ko siyang enjoy na enjoy sa pagkaing ginawa ko.
Buti naman.
"Lindon..."
Tumingin siya sakin.
"Mapapag-katiwalaan ba kita? I'll just go buy something."
Matagal bago siya sumagot, "Oo naman, Queenie."
Nilapitan ko siya at humalikipkip. He didn't call me ate, mas matanda ako sa kan'ya. "Queenie lang? Ate Queenie." Pagtatama ko. Matipid naman siyang ngumiti at pinagpatuloy na ang pagkain.
Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang paligid. Maybe later I'll just double clean the whole things he used in here. Mag-s-spray rin ako ng lysol.
Ayoko kasi talaga ng maruruming bagay. Lahat ng mayro'n ako, malinis. Mapa-bahay man o' sa shop. Kaya nga ako pupunta ng mall dahil ibibili ko siya ng mga gamit. Ako na ang mabait.
"Sige na alis na 'ko para makabalik ako agad," paalam ko.
Hindi naman siguro siya magnanakaw 'di ba? O basta na lang aalis ng walang pasabi. Gusto kong panghawakan ang nararamdaman kong tiwala sa batang iyon. It may looked risky but, nah... I want to help him to become a more better person.
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Mysterie / ThrillerA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...