Kung tutuusin wala sa bokabularyo ko yang paggamit ng mga ‘’Social Networking Site’’ na pinagkakaadikan ng mga kagaya kong teenagers. Lalo na yang FACEBOOK? Suss, sayang lang oras ko jan. Wala naman akong mapapala. Saka nakakatawa yang Facebook na yan, isipin mo ang isang tao ang maximum na pwedeng maging friends eh 5000. Like, hello? Normal na tao pa ba yan? Friends nga eh diba? Eh yang mga nasa friends list mo ba eh friends mo talaga? Mga nakilala mo lang yan sa kung saan eh. Pero isang araw biglang nagbago yung tingin ko sa Facebook. Bakit? Hala sige, basahin niyo ang aking story.
Chapter 1
Isang araw….
Girl1: Uy girl! Inaacept na ko ng crush ko sa Facebook. Kinikilig ako!! :’’’’>
Girl2: Talaga? So ano, may gf na ba? Ano nakita mo sa FB niya?
Girl1: Haaay, ang daming babae na nagpopost sa wall niya. L May mga ILOVEYOU pa nga eh. <//3
Girl2: Awww, okay lang yan sis. Madami pa jang iba or kaya isipin mo mas maganda ka sa mga babae na yon then go ka na ulit sa pagpapacute sa crush mo. Diba?
Girl1: Di ko na kailangan isipin no’. Mas maganda naman talaga ko sa mga yon…
HAAAAAYY! Kahit saan ata ko mapadpad, yan mga pinag uusapan. First day ng class ko, paalis pa lang ako ng bahay. Ang init, wala kase yung driver namin, walang maghahatid sakin kaya eto magco-commute nalang ako. Alam kong bakasyon niyo na pero iba kase mundo naming sa storyang eto….
Bridget: Hoy Chloe, san ka pupunta?
Chloe: Papasok…
Anika: Papasok? Haaay, summer na summer papasok ka? Di ka ba nagsasawa? Taga ibang planet ka ata eh, siya sige una na kami ni Bridget. Text text nalang! Bye bestfriend, loveyou!
Sabi ko nga eh, summer na. Nasabihan pa kong taga ibang planet, mahal ba talaga nila ko? Sabi ko nga, ako lang may ibang mundo. Ang mundo ko kase puro pag aaral lang ang uso, yung mundo ng mga kaibigan ko puro gala, hilig mag party. Haaay, minsan napapaisip ako pano ko nga ba sila naging best friend eh ‘’magkaiba’’ kame ng mundo. Loljk, matatalino din sila pero kapag bakasyon na ineenjoy talaga nila. Kaya ayan, gala to the max ang drama.
Ayy oo nga pala, habang nakasakay ako sa taxi ngayon magpapakilala na ko sa inyo. Mukha namang mayamaya pa ko makakadating sa school eh. May summer class kase ako, hindi dahil sa may bagsak ako ha. Wala lang trip ko lang mag ganto, wala naman masama diba? J So ayun nga, magpapakilala na ko. Nakakahiya naman, kanina pa ko nagkukwento ng nagkukwento di pa ko nagpapakilala. Ako si Chloe Mikkel Andrea Alfaro, mahaba ba? MAHABA! Kaya kapag nagsusulat ako, Chloe Alfaro nalang. Sayang lang sa oras. Describe myself? Kailangan pa ba yon? Haaay, sige na nga. Kamukha ko si Anne Curtis…. Teka di pa tapos!! Kamukha ko siya pero tanggalin mo yung kilay, mata, ilong, tenga saka bibig. Tumawa kayo, nagpapatawa ako. :3 Okay okay, ehem. Serious na!! Simple lang ako, yung iba tinatawag akong nerd, purkit nakasalamin nerd na? Hindi ba pwedeng malabo lang mata ko? Labo niyo din eh. So ayon nga, naka salamin ako yung malaki. :D Maputi ako, mahaba buhok ko, straight pero pagdating sa baba kulot tapos medyo brown. Pareho pala kame ng katawan ni Anne Curtis, well… ako pa! J Mahilig ako sa music, marunong mag guitar saka piano at marunong din kumanta. Sabi nga ng iba sana daw naging boses nalang ako. Ganon ba ko kapanget? Hindi naman eh. Inggit lang sila kase makabasag pinggan boses nila. :P
Ayy teka lang, nandito na pala ko sa school. Makapagbayad na nga para makababa na, ang sama na ng tingin sakin nung taxi driver eh kanina pa pala kase kami nandito. Sorry naman! Bumaba na ko, di ko na kinuha yung sukli kong 50 pesos. Kanya na! Hiyang hiya naman ako sa kanya eh. Psssh!
Pagpasok ko ng school….
Girl1: Nakita mo yung nag inquire kanina dito? Grabe, ang gwapo niya. :’’’>
Girl2: Enebe, bat di mo ko tinawag? Like….whatever! Any, nalaman mo ba name niya?
Girl1: Ofcourse… ;)
Girl2: Yiiie, I loyk! Let’s go na, search nalang natin siya sa Facebook.
DAAAAEFF! FACEBOOK NA NAMAN? Seriously? Haaaynako, makapasok na nga.
BINABASA MO ANG
It Started with a CHAT :)
Teen FictionUsually nagsisimula ang mga love life niyo sa pagpapacute, sa pagpapapansin, sa pagkuha ng number at pag tetextan. Meron din naman dahil may common friend, yung iba pa nga mga blind date. Hahahaha, uso pa ba yon ngayon? Anyways, ang sakin kase sa ch...